12/6/16

THUMBS UP PARA SA DUTERTE'S KITCHEN

Nakakatuwang isipin na dito sa cubao may tinatawag ng “Duterte's Kitchen” na layuning magpakain ng libre sa mga batang lansangan, pulubi at kahit matatanda. Sa pangunguna ng Partidong Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at sa tulong ng mga volunteers, nakapaghahain sila ng masustansyang pagkain mula sa agahan hanggang hapunan sa mga batang lansangan araw-araw. Imbes na magpakalat-kalat sila sa mga gilid ng daan na pwede pang maging sanhi ng kapahamakan eh natutulungan sila na mabusog at makakain lamang ng masustanyang pagkain na kailangan ng kanilang katawan. Kalimitang iniluluto nila ay lugaw, champorado, gulay na may isda o kaya adobo, pero nakadepende pa rin ito sa kung ano ang binibigay ng mga donor.

http://news.abs-cbn.com/life/12/03/16/dutertes-kitchen-in-cubao-serves-free-food-for-street-kids
Nagsisilbi rin daw ito na family center para sa mga bata kung saan tinuturuan sila ng mga volunteers kung paano magbasa o magsulat.

Sinasabi na magkakaroon na rin nito sa iba-ibang parte ng bansa para makatulong sa maraming pang nangangailangan.

Isang napakagandang proyekto po. Thumbs up! 

Para sa mga gustong mag volunteer o mag donate, maaari nyo silang macontact dito sa kanilang facebook page: https://www.facebook.com/duterteskitchen/




________________________________________________________________________________________________

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM