HINDI AKO MAGSASAWANG TUMITIG SA'YO BABY: USAPANG CAMERANG PANGSEGURIDAD
Every move you make..
Every vow you break..
Every smile you fake..
Every claim you stake..
I'll be watching you..
Ehem. 'Yan ang sikat na kanta noong
kapanahunan ko. The Police, pare. Wala naman, kinanta ko lang.
Hiningal ako basahin ang title.
Kahit saan tayo pumunta may mga
nakatingin sa atin. Hindi siguro mahalata pero may nakatingin saatin.
Bawat galaw natin nakikita, bawat kabulastugan natin mabubuko.
Tantananan...Welcome sa panibagong
mundong napapaligiran ng CCTV at kung ano-anong camera.
Medyo o.a lang kadalasan ang intro ko
pero kahit papaano totoo naman. Kahit saan tayo magpunta ngayon may
mga camera na; pwera na lang siguro sa mga c.r pero alam natin na may
mga perv dyan na naglalagay ng tagong camera para makapangbuso.
Napapalibutan na kayo ng CCTVs (Closed Circuit Televisions) kahit
saan; magpunta ka kahit saang mall madami dyan minsan nga gusto ko ng
gawing libangan ang pagbibilang nyan kapag wala ako magawa. Sa mga
malalaki at malalaking tindahan, sa mga bangko at iba-ibang gusaling
pribado at pampubliko, sa loob/labas ng tahanan at kahit sa mga
kalsada. Kaya ok na na sabihin na kahit saan ka na magpunta may
nakatingin sa iyong camera. Tipong para kang artista na sikat na
sikat na kahit saan ka magpunta may paparazzi na sunod ng sunod. Ang
kaibahan nga lang eh hindi mo sya maaaring murahin o sipain kasi
karamihan dyan nakakabit sa mataas na lugar na kung hindi naman tago,
hindi kayang akyatin ng mga batang idol si Tarzan.
Bakit “in” na ito ngayon?
Hindi lang ngayon ito nauso. Mali atang
sabihin na “nauso” kasi hindi naman ito tulad ng damit o porma na
pana-panahon lang, magbabago at mapapalitan ng iba. Hindi.
Pangangailangan na ito. Hindi dahil sa marami nang mga pogi o mga
sexy na nagkalat sa lugar at gusto mo makita o hindi ito dahil gusto
mo lang makita mukha ng crush mo na umiihi sa poste sa harap ng bahay
mo o hindi ito dahil lang cool kapag meron nito. Kailangan ito dahil
nagkalat na ang mga masasama at mga inutil at tangang tao sa
universe. Manuod ka ng balita sa telebisyon at malalaman mo kung
gaano na kagulo ang mundo na nagpaplano na ako manirahan sa pluto sa
sunod na taon. Lahat na lang patayan, nakawan, holdapan etc
matatanong natin sa sarili natin kung hanggang kelan na lang ang
ilalagak natin sa mundo. Opps, sobrang o.a na naman ako pero yan na
ang reyalidad ngayon. Dahil sa mga cctv namomonitor natin lahat ng
nangyayari sa paligid na hindi kayang gawin ng mga guwardya na
inaantok dahil sa puyat. Lahat ng mga legal at ilegal na ginagawa ng
tao sa paligid eh nakukuhanan ng video. Hawak natin ang malakas na
ebedensya kapag may nangyaring masama at pwede itong magamit para
makatulong sa paglutas ng mga kaso. Marami dyan mga villains na
pantapat sa Marvel at DC tulad ng
Brotherhood-ng-mga-walang-magawa-sa-buhay-kundi-manggulo,
Samahan-ng-mga-dikwat-dito -dikwat-doon-ng-mga-gamit-na-pwede-ibenta,
Asosasyon-ng-mga-sumasalisi-sa-sasalisihan, Martilyo-
chainsaw-kutsilyo-gunting-lapis-papel-bopis Squad etc. Atleast kapag
makita nila na mayroong naka-install na camera eh baka magdalawang
isip pa sila na gawin ito. May ilan pa nga nagkakabit lang ng pekeng
CCTV kasi kahit papaano mag-iisip ang gagawa ng masama kung
papanindigan nya ang kanyang masamang layunin sa buhay. Natatakot rin
ang ilang gumawa ng masama dahil pag inapload sa social media sites
ang video na may kabulastugang ginagawa eh sisikat ka agad. Sisikat
ka agad iimbitahan ka na mag-guest sa sikat na show sa loob ng
kulungan kapag nagkaganun. Marami na kaya ang nahuli dahil sa naging
viral ang video sa facebook. Mahalaga rin ito para mabisto ang mga
bagong modus na pinapauso ng mga kawatan na ito at para maging mas
maingat tayo. Epektibo ito, pero may ilan pa ring mga makakapal na
mukhang kriminal na kahit pa may nakatutok na sa pagmumuka eh
nakakaagrabyado pa rin. Kaya ingat palagi mga 'pre.
Sa mga daan marami na ring nakakabit.
Sa sobrang dami ba naman kasi ng mga kupal na walang disiplina/ hindi
marunong magmaneho na nakakabangga ng ibang sasakyan, ng tao o sa mga
kawatan na nanghahablot ng mga gamit at sa mga basagulero na away ang
hanap eh dapat lang na may camera na nakatutok 24 oras sa mga
kalsada. Dahil dito namumukhaan ang tao at nakukuha rin ang plate
number ng sasakyan na nang-agrabyado. Marami na rin ang gumagamit
ngayon ng mga dashcam na ikinakabit sa harap o sa likod ng sasakyan.
Isa itong maliit na camera na mabilis na naikakabit sa loob ng
sasakyan. Maliit lang ito na kasyang kasya sa bunganga ko. Sabi ko
nga hindi ito dahil porma lang o nakikiuso. Tulad ng CCTV,
napakaimportante rin nito para marecord ang pangyayari habang
nagmamaneho ang isang tao. Nagagamit itong ebidensya para malaman
kung sino ba ang lumabag sa batas trapiko. Kung mahilig kayo manuod
ng mga lumang video sa YouTube, yung mga tipong habulan ng sasakyan
sa pagitan ng mga pulis at kriminal, mapapansin nyo na may camera na
nakakabit sa harap ng sasakyan ng pulis. Mga pulis kadalasang
gumagamit nito noon para marecord nila ang kanilang pag-aresto.
Ngayon kahit sino kaya ng makabili nito; murang mura na mas mahal pa
yang smartphone na nasa bulsa mo. Kapag may nagbanggaan na dalawang
sasakyan, kadalasan wala namang aamin dyan kung sino ba talaga ang
may kasalanan. Panigurado yan. Minsan nauuwi pa yan sa suntukan
nagkakabarag-barag mukha nila kulang na lang referee at octagon
girls. Pero dahil sa may nakatutok na camera mismo sa sasakyan may
ebidensya ka na kung sino sa mga kaibigan mo ang walang hiyang
palaging nagnanakaw ng kendi mo na nginangatngat mo matapos magyosi.
Magagamit mo rin ito kapag may magtatangkang mangutong o mangugutong.
Talamak yan kaya ito ang sandata mo sa pakikidigma.
http://newsbytes.ph/2016/08/28/spy-cams-better-than-death-penalty-in-fighting-crime-solon/ |
Minsan naisip ko rin bumili ng ganyang
maliit na camera pero naisip ko saan ko naman ilalagay yan. Wala
naman akong sasakyan at hindi naman ako marunong magmaneho kaya ewan
kung saang lupalop ko yan ilalagay. Pwede pa siguro sa noo kapag
naglalakad-lakad ako para mahuli ko kung kahit papaano ba may
tumititig rin sa akin na babae para tingnan kung gaano ako kabaduy
pumorma. Kung sa kwarto ko naman hindi na rin kailangan kasi kung sa
milyong-milyong stupido na mangangahas magnakaw eh wala naman yan
mapapala pwera na lang interesado sya sa brief ko na nabili ko sa
tiangge. Ewan. Pero alam ko kung gaano kaimportante ito. Suhestiyon
ko lang, kung may pera naman kayo at hindi naman tulad ko na butas
ang bulsa at medyas eh magpalagay kayo ng magandang CCTV. Pag sinabi
kong maganda eh yung camera na malinaw naman. May mga napapanuod kasi
ako na kuha sa cctv na aakalain ko para akong nanunod ng video na
kinuhanan gamit ang lumang cellphone noong kapanahunan ko. Di'ba para
saan pa na nagpalagay ka ng camera na hindi mo nga makita ng malinaw
ang pagmumukha ng nasa video. Sa sobrang pangit ng quality pwede na
syang maging bida sa sequel ng diary ng pangit; sa sobrang dilim
kulang na lang saksakan mo ng limang bumbilya. Mas malinaw pa nga
kuha ng mga bagong smartphones di'ba? Kung pwede nga lang yang iphone
7 mo na lang ang itapal natin sa may taas ng dingding; pero
panigurado parang bunga lang yan ng mangga na susungkitin. Masasabi
ko na may kamahalan ang pagpapalagay ng cctv pero mahalaga rin ito ok
lang na paglaanan mo ng pera. Para ito rin ito sa kabutihan mo at ng
mga tao sa paligid mo.
Ok lang ba na may mga matang nakatitig
sa atin araw-araw kahit saan tayo magpunta? Walang problema. Kung
makakatulong ba naman sa ating mga “mabubuting” tao bakit naman
tayo magrereact ng masama. Pwera na lang kung narecruit ka na ng
Brotherhood-ng-mga-bwesit-na-nararapat-itapon-sa-kulungan, Inc
0 comments:
Post a Comment