8/13/13

GAWD-DAMIT


Minsan 'di ko na rin namamalayan ang oras kakatitig sa mga litratong nakapost sa ilang fashion blogs. Nakakaagaw atensyon naman kasi ang magandang (mga) babae na nakasuot ng magagandang damit at nakapose na parang...yun. Sa totoo lang hindi ko tinitingnan ang mga men's fashion blog na mga yan. Bakit? Bukod sa parehas naman kami lalaki at bukod sa pagtatanggol ko sa aking sarili na hindi ako bading (na ginagamit na pang-asar sa akin ni gilfren) ay wala talaga sa aking impact ang mga damit mo pare kahit magara pa yan o kasing lufet pa sa suot ni Tony Stark.

Hindi kasi talaga ako mahilig sa damit, sapatos at kung ano-ano pang bagay na nilalagay sa katawan.

Ayoko mang magkwento (na naman) ng tungkol sa aking sarili ay wala na akong magagawa kasi nauuhaw na ang pinoy blog ko sa mga walang kwentang mga post. Kahit ano na lang na topic, tutal hindi talaga ako maka concentrate habang sinusulat ko ito dahil nakikinig ako ng music at nakaminimize ang FIFA 08. 0-1. Nevermind.

Kapag napapasyal ako sa mall ay hindi naman talaga ako pumupunta sa mga tindahan ng mga damit. Hindi naman sa wala akong pera...pero . Ok kadalasan wala talaga akong ka pera-pera sa aking bulsa sigurado yan pero kapag may pera naman ako ay binibilhan ko naman ang sarili ko ng kung ano trip ko. Hindi nga lang talaga damit at please lalo na kung branded. Sa totoo lang ay nasasayang ako sa pera na ipambibili ko ng damit na branded na yan; ang mahal-mahal kaya tapos ipampupunas ko lang sa oily at pinagpapawisan kong mukha kapag nakalimutan kong magdala ng panyo. Kapag bibili naman ako ng damit ay sa ukay-ukay lang. Pero posible lang ito mangyari mga tatlong beses sa ilang taon. Kadalasan ay football jersey lang ang palagi kong hinahanap at kapag wala akong nakitang maganda ay sibat na. Hanggang sa muling pagkikita CK o kaya Element. Pero hey, ok lang naman ako manamit, Hindi naman ako 'yung tipong mabubugbog ng mga gangstah kapag naglakad sa madilim na kanto. Tshirt at shorts ang pinakatrip kong porma. Sorry ah pero nababaduyan kasi ako sa mga porma nung mga artista sa isang teen tv show. Yuing bang mga pa-kyut na porma na masarap matamaan ng lumilipad na bola sa basketball court. Opps. Sabagay ok lang ata kasi medyo mga bata pa naman sila  eh ako uugod-ugod na at kailangan pang magdala palagi ng tableta ng planax. Basta gusto ko lang simple; kahit damit ko ukay o kahit mahalata mo na karamihan dyan niregalo lang sa akin o ibinigay; kahit tawanan mo pa ang sapatos ko na mumurahin lang at di kagandahan o kahit tawagin mo ako na jologs o walang kwenta pomorma --- wala ako pakialam. Kontento na ako sa tshirt lang o kahit kupas na pantalon. Weh?

Kadalasan napupunta pa ang pera ko sa bookstore kakabili ng magazine o aklat. Ewan ko ba kung bakit di ko mapigilang bumili kapag nakakakita ako ng mga ganyan. Pakonti-konti ngang natatambak ang mga magazine at aklat sa aking boarding house. At dahil nga sa medyo busy na rin ako sa aking trabaho , di ko naman talaga lahat nababasa ang aking mga nabibili. Nakatambak lang minsan, pero masaya ako kapag nakikita ko ito sa gilid ng aking higaan, o nakapatong-patong na kung mapapansin mo ay may nakalagay sa ibabaw na maliit na globo. Bakit may globo? Wala naman. Display lang 'dre. Pero nasasayo pa rin yan kung ang naiisip mo na baka “world domination” ang plano. Weh. Villain ako di'ba? Naalala ko na may nagtanong pa nga palang babae sa akin kong ako ba'y sociopath. Pambihira. Aabangan kita sa kanto.


Hindi ko na alam kong paano tatapusin ito pero wait .....whow!!!!! GOAL!!! 1-1.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM