SCRIPTED ANG BIGWASAN
Ngayong nalaman ko na scripted pala ang
“bigwasan” nina Kiko Matos at Baron Geisler, parang gusto ko
silang ihiang dalawa sa mukha.
Nagsimula ang love story nila na tipong
mas maganda pa kesa sa twilight sa isang insidente na nangyari
diumano sa Tomato Kick bar sa may Tomas Morato dito sa Q.C. Asan bang
parte yan? Yan ang hindi ko rin alam. Ang pangyayari raw kasi eh
pinagmumumura raw ni Kiko ang isang waiter sa loob ng bar dahil
sobrang tagal raw i-serve ng kanyang order. Sino ba yang Kiko Matos
na iyan, Sa totoo lang hindi ko rin alam kung sino sya at kung ano
sya ng mga time na yan, pero syempre dahil na rin sa social media eh
ambilis ng pagsikat tsong. Isa pala syang indie actor. Ayan kaya
nagkarambulan at nagkasigawan at nagkahalikan pa kung gusto nyo. So
ang lumalabas pala kung i-aanalyze natin ang pangyayari eh hindi si
Baron ang nagsimula ng away kundi yang Kiko kasi sinisigawan nga raw
yung waiter/bartender whatever at sinasaway lang sya ni Baron. Baka
naman kasi chicks lang yung waiter kaya nagpapalakas lang si Baron o
sadyang nabibwisit lang sya sa boses ni Kiko. Ewan. Basta ang alam ko
mas epic na komprontasyon ito kesa dun kina Harry at Voldemort. Ewan
ko ba kung may natanggalan ng ngipin o nagka black eye basta ang alam
ko wala naman ata sa dalawa ang nagka chikinini matapos ang laban.
Ang alam ko lang inimbitahan sila ng Universal Reality Combat
Championship (URCC) para magbanatan.
Humahagalpak pa ako sa tawa sa weigh in
nila para sa darating na laban nila sa URCC noong June 25. Ang aangas
ng dalawa di ko malaman kung sino sa kanila ang mas malakas ang tama
sa utak. Matindi rin sa trash talk nagmumuka nang cheap na rap battle
ang nangyayari. Akalain mo yung kumuha si Kiko ng spray bottle at
pinaulanan ng ihi si Baron. Noong oras na napanood ko ito muntik na
ko mamatay sa kakatawa. Seryoso. Tangene saan ka nakakita ng dalawang
maglalaban sa loob ng ring na nagpapaulan ng ihi. Ang panghi nyan
brad. Nakalimutan ko tuloy na may Anderson Silva at Jon Jones na
nag-eexist. Nakalimutan ko rin na lalabanan ni Bruce si Clark Kent.
Naganap ang pinakaaabangan,
pinakahihintay, pinakapinag-uusapan, pinakaewan na bigwasan sa
history. Nangyari ito sa isang club daw sa BGC sa may Taguig. Hindi
ko naman kasi alam at hindi ako nakapanood dahil busy rin ako ng mga
time na yan at wala akong pera. Lahat ng pinaghirapan nila sa
pagpapatawa ay magtatapos na sa laban na iyon kaya dinumog ito ng mga
manunuod. Nakakatawa pa na exhibition match lang naman sila pero
natalbugan pa nila ang mismong main event. Akalain mo yan. Pero ako
hindi ako nag-eexpect sa laban na ganyan; bukod sa parehas naman sila
artista, parehas walang background sa MMA at parehong mga papansin eh
parang trip trip lang ito. Sigurado kung suntukan man ito panigurado
mamamatay itong dalawa dahil mawawalan sila ng hangin.
Photo by Dennis Gasgonia, ABS-CBN News |
'Yun nga lang draw ang resulta ng laban.
Draw? Wtf. I'm done. Napanood ko ang laban at masasabi ko naman na
nag-eeffort naman sila kahit papaano sa pagsuntok, parang komokonekta
naman pero halata mo na parang mga lasing lang na nakatungga ng
lambanog ang laban ng dalawa. Ako ang hinihingal sa dalawa eh para
ngang mamamatay na sila sa hingal pade. Basahin mo pa mga reaction ng
mga nakapanood sa twitter o facebook at matatawa ka. Panalo daw ang
URCC sa nangyari eh. Haha.
Tapos malalaman namin na scripted lang
ang lahat mula sa simula? Para lang pala kami nanood ng gag sa
youtube. Oo nga naman, medyo nakakaduda nga pero hindi ko inisip na
social experiment lang pala ito. Bahagi raw ito ng proyektong
documentary kung saan binayaran sila para gumanap. Artista eh. Pero
iginiit nila na 'yung laban nila ay hindi peke kasi isinaalang-alang
rin daw nila yung mga bumili ng ticket. Whatever daw sabi ng mga
bumili.
Sa ngayon, nasasangkot na naman si
Baron sa pang-iihi nito sa isang aktor din na si Ping Medina. Ano na
naman ito? Ihian na naman? Bigwasan na naman? Mapanghing usapin na ito pare. Wala akong pake sarap
nyong iuntog sa pader eh.
0 comments:
Post a Comment