9/5/16

BYAHENG P(L)ANGIT

Medyo may katagalan na rin itong kwento ko na ito pero sayang naman kung hindi ko ilalahad dito sa aking mahiwaga (at weird na blog).

Isang araw nagdesisyon muna ako na umuwi sa aking minamahal na probinsya sa bicolandia dahil nga ubos na ang pera ko at kailangan ko muna mamalimos doon. Ang lakas kaya umubos ng pera dito sa maynila kaya kesa naman magbenta ako ng kidney at atay at puso ko eh uwi na lang ako; buti doon hindi ako mamumroblema sa pagkain, sa kanin, ulam at sa tulugan diba. Naglalaro ako ng counterstrike ng bigla ko na lang maisipan na umuwi muna sa amin kesa nakatunganga ako kakahintay kung kelan magsisimula ang lecheng training namin. Nakakahiya man aminin pero naghilamos na lang ako nagpalit ng damit, nag empake ng mga gamit at saka diretso na sa bus terminal. Kasi naniniwala ako sa kasabihan na ang tunay na lalaki hindi naliligo kapag...ahm tinatamad. Yan. Mas gusto ko nga palan na nagbyabyahe ng gabi kapag uuwi para umaga ako makakarating doon. Kesa naman gabi ako darating doon maglalakad pa ako ng pagkalayo-layo papunta ng bahay na baka panggigilan ako ng mga asong tambay sa kalsada o baka gawin akong pulutan ng aswang na lumilipad sa mga bubong kapag gabi.

Nagtagal naman ako ng kalahating buwan sa amin. Mas ok na ito sabi ko sa sarili ko kesa naman tunganga ako sa maynila ng ganitong katagal eh baka makita ko na lang ang sariling kong naglalakad ng mag-isa sa daan, walang suot na tsinelas sa paa at humihigop ng starbucks.

Pero syempre itong kwento na ito ay hindi naman talaga tungkol sa kung ano nangyari sa akin noong umuwi ako sa amin. Tungkol ito sa magandang pangyayari ng pabalik na ako sa Maynila.

Lumipas na ang kalahating buwan at magsisimula na noon ang aming training kaya naisipan ko na bumalik na ng Maynila. Ayaw ko pa sana umalis kasi mas relax nga naman ang buhay doon pero wala na rin akong magagawa. Kailangan humanap ng mapagkakakitaan eh. Nagtitipid rin ako kaya ordinary na bus lang ang sinakyan ko. Sa hindi mga nakakaalam yan ang bus na mura (malamang) kung ikukumpara doon sa mga may aircon, karamihan wala ring ihian at mabilis magpatakbo pero panay hinto sa byahe. Pero syempre hihinto yan kasi wala ngang ihian; pwera na lang kung may adult diaper pwede ka pa tumae. Masaya kasi walang masyadong laman sa bus, konti lang ang mga nakaupo pero pagdating ng Naga dumadami na hanggang sa mapuno na nga. Syet. Sino nga ba naman ang gusto ng siksikan si loob, liban na lang kung mg models ng Victoria Secret ang pasahero sasabit pa ako kahit sa likod na gulong lang. Hindi ko rin alam masyado ang kompanya ng bus na nasakyan ko. Yung tipong hindi ko alam kung saan ang paradahan nila o saang parte ng terminal ba sila. Ewan. Wala na akong pake basta ibalik nyo ako sa manila. Gabi na at madilim na noon ang kalangitan; hindi pa nga kalahati ang tinatakbo ng bus eh bigla na lang itong tumigil. Eh ako naman ang nasa isip ko natural lang naman ito sa mga bus diba? Hihinto yan ng hihinto; baka may naiihi o natatae ang driver. Naghintay lang ako. Lampas na dalawang minuto pero hindi pa rin umaandar. Napaisip na ako: ilang galon ba ng ihi ang nilalabas ng mga kumag na pasahero na ito. Wala inabot na brod ng mahigit 20 minutes ng malaman ko na nasiraan palan. Leche. Ang swerte naman oh. Nasiraan pa kami sa daan na wala man lang kailaw-ilaw baka mapagkamalan pa kaming mga multo sa gilid ng daan. Bumaba ako sa bus, umihi at tumayo muna para mawala ang ngalay sa paa. Kalmado pa naman ako ng mga oras na iyon at wala pa namang dapat ikabahala. Hindi ko lang sigurado pero lampas ata kami noon ng isang oras kakahintay. Teka ano nga ba naman ang hinihintay namin? Ah may bus na darating para isalba kami sa aming masamang kinahinatnan. Darating na si Superman na sasagip sa amin sa mga kagat ng lamot sa bus.

Isang siglo ang nagdaan. May bus na nga na dumating. Nakahinga na kami ng maayos. Kinuha ko agad ang aking bag at pumila para makapasok sa dumating na bus. Pagpasok ko eh nabigla ako. Marami ang pasahero sa loob, at marami rin kaming lilipat sa kanila. Ay syet. PAANO KAMI MAGKAKASYA SA NAPAKALIIT NA BUS NA MAY LAMAN NA!?? Parang ataul lang na dalawang patay ang ihihiga. Inobserbahan ko ang mukha ng mga kasama ko sa nasirang bus ng papasok sila sa sasakyang bus; alam ko na walang nakangiti sa kanila. Hindi rin ako makapaniwala na ng oras na iyon akala ko social experiment lang ito hinanap ko agad kung may mga hidden camera sa bus. Wala. Sino ba naman kasing matalinong tao ang makakaisip na magpadala ng isang bus na paglilipatan ng mga pasahero na puno naman. Saan mo kami papaupuin sa may gulong o sa bubong na kahit nga si Tom Cruise ay aayaw kasi Naga to Manila ang byahe. Malayong malayo ang byahe kaya dapat komportable pero hindi ata mangyayari ang nasa isip ko. Nagbayad kami ng pamasahe para lang tumayo sa buong byahe? Cmon. Nagkakagulo na nga ata sa loob kung paano nga naman kami pagkakasyahin. Doon sa pangyayari na iyon narealized ko na kawawa ang sardinas sa loob ng lata. Alam mo yung itsura pa ng driver at kunduktor ng bus na tipong sila pa magaling at sumakay na lang kami. Masusuntok ko talaga itong mga damuho na ito. Maya-maya naglabas ng maliit na upuan at ilapag daw sa gitna. Naimagine mo naman siguro yung upuan na pambata na plastik na mababa. Para kaming mga batang sipunin na nakaupo sa gitna at may birthday party. Nyeta parang tren pa nga kung titingnan mo kung sa likod ka nakaupo. Hinahanap ko pa nga baka dala pa nila mascot ni Jollibee at kung nagkaganun baka batuhin ko pa sya ng laptop sa ulo. Mas sardinas pa ito sa sardinas na nakita ko na pinagkasya sa lata.

Magandang byahe ito.

Heto yung sinasabi ko. Mas sikat pa kay Justin Bieber. Piktsuran yan.
 Sa mga byahero dito alam naman siguro na ang daan ay biglang lumiliko at mapapakapit ka talaga sa inuupuan. Kami na nasa pambatang upuan eh ampangit ng kalagayan kapag lumiliko kasi gumagalaw mismo ang inuupuan. Pambihira para kang tumatae sa inodoro na lumilindol. Sino naman ang makakatulog sa ganitong sitwasyon? Noong panahon na iyon nanlilisik na talaga mata ko sa bwisit; pero dahil magaling naman ako magtimpi ng galit eh wala naman akong nagawang masama. Hindi ko nga alam kung matatawa ko sa sarili ko ng mga oras na iyon eh; hindi ako naidlip man lamang o kahit makatulog lang ng konti. Nang oras na iyon lowbatt pa ang cellphone ko hindi man lang ako makasoundtrip. Nakakabadtrip. Pero para magmukhang cool eh nilagay ko pa naman sa tenga ko para feeling nakikinig naman ako sa music. Kinakabahan lang ako kasi parang mas flat pa sa flat screen tv ang pwet ko. Parang pancake na nakalatag sa lamesa ang pwet ko. Ang tigas kaya ng plastik na upuan; para akong pinaddle sa pwet ng isang daang beses. Kaya kapag humihinto ang bus para umihi/tumae/kumain ang mga pasahero eh agad akong bumababa para mag unat-unat. Yan yung time na parang ayaw ko na bumalik sa bus, pero wala ako magagawa; kailangan magtyaga para bumalik ng maynila. Pero kahit paano nagsisi ako bakit sa dami ng bus ito pa nasakyan ko. Ako nga naman ang isa sa pinakaswerteng nilalang sa mundo.

Makalipas ang mahigit kalahating oras eh patuloy na ang byahe. Magsisimula na naman ang kalbaryo naming mga nakaupo sa gitna nag aantay ng spaghetti ni Jollibee. Hindi ako maarte pero masakit nga sa pwet umupo ng napakatagal na oras at hindi man lang ako napapikit o maidlip man lamang. Fast forward ko na...umaga na ng pasukin na namin ang kamaynilaan. Hindi ako nakatulog pero nawala na antok ko. Inisip ko na lang na nandito na ako at pag nakarating ako sa tinutuluyan ko eh matutulog na ako forever and ever. Ihahagis ko ang katawan ko sa higaan at walang makakapigil saakin na humilik at maglaway. Ganyan na ang nasa isip ko.

Akalain mo yun inihinto na nila ang bus sa may pasay at nagsisibabaan na ang ibang pasahero. Kami naman na mga lumipat eh hindi malaman kung bakit. Sa cubao kami karamihan bababa pero ang sabi ng kunduktor eh hanggang pasay lang daw sila at yung sinakyan namin na nasira yun ang abot hanggang cubao. Ay powtek na yan nag-init na ulo ko at ng ibang mga pasahero. Nagtyaga na nga kaming ilan na umupo at makipagsiksikan sa loob ng bus nila tapos malalaman namin na basta na lang kami ibababa sa di naman dapat na bababaan namin. Nagrereklamo na ang ibang pasahero ako naman eh nanlilisik na ang mata at konti na lang magkukulay berde na ang kutis ko. At heto pa sila pa ang may ganang magalit na tipong kami pa ang dahilan ng problema. Isipin nyo nasira na nga ang bulok nila na bus, pinalipat kami sa punong bus nila at pinaupo kami na iilan sa upuang pambata tapos sila pa ang may ganang magalit? Tengena nyo po. May ilang pasahero na pinipiktyuran na ang plate number ng bus na parang pinipiktsuran lang si Sarah Geronimo at may nagbanta pa na aabangan daw ang bus nila pag dumaan sila sa malapit sa kanila blah blah blah. Ako may picture din ng bus at ng plate number pero hindi ko na malaman kung saan ko na ba na save o baka nadelete ko ng aksidente. Ketam kahit picture na lang ng bus sa cellphone ko naglalaho pa. Pero hindi ko talaga masisisi na magagalit ang mga pasahero kasi nagbayad kami ng tama pero perwisyo ang ginawa nila. Walang nagawa ang driver at yung walang kwentang konduktor sinamahan kami sa gilid ng daan pumara ng bus na papuntang cubao at sya na ang nagbayad sa amin. Alangan naman na kami pa ang magbabayad ng pamasahe eh sa walang kwenta naman sila. Pambihira, hindi na ako sasakay sa bus nila na hindi ko na papangalanan kasi hindi naman sila kilala at hindi sila sikat. Mas sikat pa si Marlou ng Hasht5 kesa doon. Err.

Pagdating ko hindi na ako natulog. Nawala bigla ang antok ko. Tumae na lang ako kasi nabusog ako sa konsumisyon.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM