3/1/06

MAGLUTO TAYO NG BANANA CHIPS

Ok, sa totoo lang hindi ako magaling magluto. Basta ang alam ko lang ay magaling ako kumain. At isa sa nga sa paborito kong kainin ay saging. Sino nga ba naman ang hindi paborito ang saging di'ba? Hindi mo na kailangan maging unggoy pa para magustuhan ito, lalo pa kung gawin mo pa itong banana chips. Medyo kakaiba pala ito kasi hindi na tayo gagamit ng asukal.

Pero paano nga ba ito ginagawa? Kung ako ang tatanungin mo ay hindi ko rin alam. Di'ba nga sabi ko na “magaling lang ako kumain”. Pero heto at may hawak-hawak ako na papel kung saan nakasulat ang paraan para gawin ito.

Heto ang mga kailangan:

*Saging na saba (Piliin ang medyo matigas pa at hindi 'yung hinog na hinog na.)
*Asin
*Mantika o langis na panluto

Mga kagamitan:

*Matalim na kutsilyo (kung walang matalim pwede na rin ang mapurol, ang importante mahiwa ang saging. Ingatan ang iyong mga daliri.)
*Mangkok
*Pansala
*Prituhan

Kapag handa na ang lahat ng kailangan, simulan mo na 'dre.

*Maghanda ng tubig na may asin.
*Hugasan at balatan ang saging, pagkatapos ay hiwa-hiwain.
*Ibabad ang mga hiniwang saging sa tubig na may asin ng dalawang oras.
*Patuluin at ilagay sa patuluang lusutan (wire mesh).
*Mag-init ng mantika o langis.
*Iprito ang hiniwang saging hanggang sa maging kulay ginintuan.
*Halu-haluin.
*Isalin sa alambreng patuluan.
*Palamigin at papakin na parang wala ng bukas.


Source: Food Technology & Research Development Program

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM