11/3/16

ANGELS BURGER CHEESEBURGER REBYU

Heto ang aking SERYOSOng rebyu ng cheeseburger sa Angels Burger. Ang tinaguriang “pambasang burger”.Bakit pambansang burger? Ewan. Si Angels Burger mismo ang nagsabi nyan, basta ang alam ko lang kahit saang sulok ng bansa meron nito, kahit pa doon sa kasulok-sulukang parte. At dahil na rin ata sa mababa nitong presyo na patok na patok sa masa Doon sa probinsya ko meron nito at masasabi ko na sikat rin ito kasi pinipilahan ng madla. Siguro dahil wala rin ibang kakompetensya o dahil mababa lang talaga ang presyo. Bumibili rin ako nito noon at masasabi ko na para sa presyo ok na rin hindi na masama. Pero napansin ko na sa pagtagal ng panahon nag-iba na rin ang lasa, laki pati presyo ng burger. At nagtagal nga hindi na rin ako bumibili. Pero bago pa man magkalimutan at maging MMK pa ang intro ko heto ang latest na review ko sa burger. Karapat-dapat ba itong tawaging pambansang burger ng bayan?

Fig.1
May malapit dito sa labas ng gate ng inuupahan kong bahay kaya mabilis akong nakabili. Sa halagang bababa ng 40 pesos meron ka ng makakain na dalawa kasi buy 1 take 1. 

 Walang espesyal sa pagkakabalot ng burger; meron ka lang mababasang nakasulat sa malaking font na biodegradable. Iisipin mo kung alin ang tinutukoy na biodegradable pero sigurado na ang plastik (fig.1) Medyo malaki naman ng konti ang burger hindi naman sya yung tipong kaya mong singhutin. Pag binuksan mo sya mapapansin mo na sadyang malaki at makapal lang talaga ang tinapay na ginagamit nila. Malambot
fig.2
naman ang tinapay at makapal hindi ko na babanggitin 'yung sikat na tagline na inimbento ng ilang bumibili dito. Hindi mo na kailangan ng ruler para sukatin pero alam natin na natabunan na ng todo ni tinapay si patty (fig.2). Bukod sa maliit na patty, alam rin ng panlasa ko na hindi ito gawa sa purong karne kasi hindi sya ganun kalasang karne. Walang espesyal sa lasa ng ketchup, bukod sa konting ipinahid sa loob kaya mas nalasahan ko ang tinapay. Hinahanap ko kung nasaan ang mayo pero wala akong mahagilap.
Ang pagkakaalam ko may mayo pa dapat ito ah. Meron din naman na cheese kaya nga tinawag na cheeseburger. Dahil nga ketchup, cheese at patty lang naman, hindi na ako nag-eexpect na sasabog ang iba-ibang lasa sa loob ng aking bibig. Cheeseburger ang inorder ko kasi atleast may cheese. Imagine kung regular lang yung inorder ko. Minus pa ang cheese. Ano na lang ang matitira nyan na palaman?

Ang hatol:
Sa ganyang presyo, hindi na ako mag-eexpect nang sobra. Kung wala kang dalang maraming barya, nagtitipid ka, o gutom ka na na hindi mo na kayang maghanap pa ng iba hindi na rin ito masama. May iba pa naman na burger na kakompetensya nito na halos kaparehas lang ng presyo na pwede mo makita sa paligid. Marami pa dyan iba pero alam natin na kapag sobrang sarap ng pagkain malamang masarap din ang presyo. Inuulit ko nga wala naman ganun kaespesyal sa lasa ng burger na ito 'yun nga lang mura sya. Karapat-dapat ba itong tawaging pambansang burger ? Sa presyo siguro o sa dami ng branch nila pwede pa pero hindi dahil sa lasa. Pero alalahanin natin na nagtaas na rin sila ng presyo. Hindi ko na rin babanggitin na may masusungit silang tagaluto...oopps.


0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM