5/15/12

CYANIDE FISHING



Ang paggamit ng kemikal na cyanide sa pangingisda ay sinasabing isa sa pinaka madaling paraan para makahuli ng maraming isda. Sino nga ba naman ang ayaw makahuli ng maraming isda? Ang ilang mangingisda na naiinis na o nagsasawa na sa paggamit ng ordinaryong lambat o 'yung mga nakasanayan na nilang gamit sa pangingisda ay napipilitang gumamit ng ganitong kemikal. Ang tabletas na cyanide ay tinutunaw sa tubig na nasa loob ng plastic squirt bottles at ito ang binubuga sa mga coral reefs. Ang mga isda ay maaapektuhan ng cyanide kaya magsisilabasan ito sa mga coral reefs at mahuhuli ang mga ito ng buhay.

Ang cyanide ay isang nakalalasong kemikal. Sinasabi na ang paggamit nito dito sa Pilipinas ay nagsimula noong 60s dahil na rin sa tumataas na demand ng mga aquarium fish sa Europe at sa North America. Ginagamit din ito para makahuli ng mga malalaking isda tulad ng grouper, wrasses, rock cod at maging snapper.

Ang paggamit nito ay illegal lalo na sa lahat na Indo-Pacific na bansa, pero dahil na rin sa mataas na bayad para sa buhay na mga reef fish at korapsyon ay mas lalong dumami ang naingganyong gumamit ng ganitong kemikal.

Sa resulta ng pagsusuri, sinasabi na ang cyanide ay hindi gaanong nakakaapekto sa reef, pero ito ay pumapatay sa mga corals at lalo na sa mga isda. Winawasak din kadalasan ng mangingisda ang mga coral reefs; kapag binuga nila ang cyanide ay magagambala ang mga isda at ito ay magsisiksikan sa mga coral reefs, kaya winawasak nila ang mga coral reefs para makuha nila ang mga isda. Dahil na rin sa epekto ng lason na nakakapagpahina sa kanilang katawan, marami sa mga isdang nahuling buhay ay namamatay din habang ibinabyahe. Kung akala nyo ay nakakaapekto lang sa isda at coral reefs ang cyanide ay nagkakamali kayo. Sinasabi na ito ay delikado sa tao dahil binabarahan o pinipigilan nito ang abilidad ng cells sa katawan na gamitin ang oxygen.



Naapektuhan din nito ang kabuhayan ng mga mahihirap na tao na naninirahan sa mga coastal region na ang tanging kabuhayan ay ang pangingisda.

Isa itong hamon para sa mga bagong henerasyon ng mangingisda. Gugustuhin nyo bang gumamit ng mga alternatibong paraan ng pangingisda tulad ng lambat na siguradong ligtas gamitin at hindi nakakasira o gugustuhin mong gumamit ng cyanide na nakakalason at unti-unting pumapatay sa ating likas na yaman? Huwag sana umabot sa punto na tayong mga pinoy ang magsisisihan dahil sa sarili nating kapabayaan at kasakiman.



Source:
Cyanide Fishing: An Ecological Catastrophe”, Raymond A. Oliveros. Bato Balani Magazine. Vol. 20. No.4.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM