11/30/16

USAPANG SMARTPHONE VS COMPACT CAMERA

Sa nakaraang mga taon, sinasabi na mas bumaba ang kita ng ilan sa mga malalaking kompanya na gumagawa ng mga camera. Hindi ito basta-bastang pagbaba lang kasi sinasabi na mahigit tatlumpung porsyento ang ibinagsak ng kita nila*. Katulad ito noong panahon na naging digital na ang potograpiya at nakalimutan na natin ng tulayan ang film. May mga iilan pa naman na gumagamit, tulad ng mga tinaguriang mga “hipster”, pero karamihan na sa atin digital cameras na ang gamit. Ngunit sa panahon natin ngayon, sa henerasyong napaka popular na ng iba't-ibang social media sites, mas marami na ang gumagamit ng smartphone camera kesa sa nakasanayang film o dslr. Ibig ba sabihin nito unti-unti na rin nating maskakalimutan ang mga compact camera at susunod na sa yapak ng betamax, casette tape, o maging CD? Mukhang imposible.

Naabutan ko pa dati ang “film days”, pero nasa elementarya pa ako. Hindi ko alam noon kung paano gumamit ng film camera, kasi syempre masyado pa ako bata, at wala rin kaming ganyan. Kung tatanungin nyo ang edad ko ngayon magbibigay ako ng clue: high school na ako pero sikat pa rin ang paggamit ng film
camera. Naalala ko noon na nagpapadevelop pa kami at medyo may katagalan bago namin makuha ang pictures pero sulit kapag nakita na. Nandun yung excitement at syempre nandun din ang inip sa paghintay ng mahabang oras. Tapos bigla na lang naging digital ang lahat hindi ko nga namalayan, dahil na rin siguro sa hindi pa naman ako mahilig sa photography noong unang panahon. Digital na ang lahat ewan ko ba kung may mabibili pang kodak film sa dati naming pinupuntahan. Isang pitik mo sa camera makikita mo na agad ang picture at mabilis na rin ipaprint. Amazing. Sikat na sikat pa noon ang Friendster. Sa mga bagong henerasyon ng kabataan ngayong panahon, ang facebook nyo ngayon ay friendster naman sa panahon namin. Kung hindi ako nagkakamali nag-uupload na rin ako ng mga pictures dati sa friendster. Paalam friendster.

Balik tayo. Naabutan ko pa yung mga panahon na sikat na sikat pa ang mga nokia phones (at motorola). Noon 1 o 2 megapixel pa ang mga nasa cellphone pero hindi naman kami nagrereklamo. Hindi pa naman nga ganun kasikat ang tinatawag natin sa panahon ngayon na phone photography. Ok na ang 2 megapixel para lang mapicturan ang araw-araw na ginagawa. Walang espesyal sa kalidad ng mga phone cameras dati. May nokia rin ako na ginagamit dati na may 2 megapixel na camera. Ibinigay lang sa akin pero doon ako unang nahilig sa phone photography. Nagpipictyur ako ng kung ano-ano at saka ini-edit ko sa lumang pc. Tapos bigla na lang tumaas ng tumaas ang megapixel count ng mga cellphone camera. Ewan ko nga kung ginagamit pa ang “cellphone” ngayon. Smartphone na. Mas smart na si phone kesa sa dating phone. 

Filters.
Biglang nagsilabasan na si Facebook, si Tumblr, si Instagram at marami pang social networking/sharing sites. Biglang nagkaroon ng tinatawag na “selfie”. Lahat na gusto natin i-share sa buong mundo: kung saan tayo nagtatrabaho, anong restaurant ang kinainan nyo ng girlfriend mo, kung saan ka nagbakasyon, kung sino kaaway nyo at syempre, pictures ng kung ano-ano. Napakahilig natin sa pictures, kung ano-ano na lang pinipicturan kahit na nga sariling paa o pimples o alagang butiki. Dahil dito biglang nagsilabasan naman ang tinatawag na camera smartphone. Mula sa 2 megapixel, karamihan ginawa ng 5 o 12 megapixel (ang iba nga mas mataas pa rito tulad ng pureview ng Nokia). Ito ay para mahikayat ang mga gumagamit na mag picture at iupload sa social media. Bakit pa gagamit ng compact camera o dslr kung may smartphone na di'ba?

Pero bakit ko pipiliing gumamit ng smartphone para sa photography?

Una, mas madaling dalhin ang smartphone. Hindi ka aalis ng bahay na wala nyan kasi nagagamit para makatetext, makapag internet, makatawag, makapakinig ng music, makapaglaro ng games at iba pa. At syempre nandyan pa ang camera. Sa taon ngayon, masasabi na mas maganda na ang camera ng mga smartphones ng iba't-ibang brand. Dahil na rin sa kompetisyon, nagpapagalingan ang mga kompanya pagdating sa camera; kung ano-anong paandar na kesyo magaling na sa lowlight, telephoto na ang lens, na nakakapagshoot na ng raw, na leica-approved na ang lens, na dual camera, na umiikot na ang rear camera at kung ano-ano pa. Ang punto ko lang naman dito eh karamihan sa tao ngayon gusto na iyung all-in-one na ang dala. Karamihan sa pangangailan nasa smartphones na kaya bakit pa ba magdadala ng camera. Hassle kaya magbitbit nyan lalo na kung wala naman dalang bag. Ang smartphne kasyang-kasya lang sa bulsa at madali lang dalhin.
Pangalawa, mas mabilis ma-share. Pagkapicture pwede mo na agad iupload sa kung saan man na social sites ng walang kahirap-hirap. Ang dami na ring mga mobile apps na pang-edit ng pictures hindi mo na kailangan pa magbukas ng laptop para gumamit ng photoshop o Lightroom. Nandyan na rin ang mga sikat na filters ng Instagram na patok na patok. Sumasabay na rin sa uso ang mga camera manufacturers sa pamamagitan ng pagdadag ng bluetooth sa cameras para makipagsabayan sa kasikatan ng mga smartphones. Pero karamihan sa mga dslr ngayon wala pang wireless connectivity kaya kailangan pa itransfer sa laptop.

Pangatlo, madami na ang editing apps. Nabanggit ko kanina na hindi na kailangan ng phtoshop o kung ano mang application sa laptop para maedit ang pictures. Dahil nga dito may mga nagsasabi na lahat na daw photographer sa panahon natin ngayon.

Bakit naman mas pipiliin ang compact cameras/dslr?

Una, Picture quality. Masasabi ko na magaganda na ang camera ngayon ng mga smartphones pero wala pa ring tatalo sa tunay na camera. Mas malaki ang sensor nito kaya mas maganda ang quality ng picture kumpara sa smartphones. Walang tatalo dito pagdating sa low light at iba-ibang lighting conditions. Ito ang gamit ng mga pro photographer dahil dyan. Wala ring problema kahit sa action photog pa yan.

Pangalawa, lens. Kapag malayo pwede gumamit ng telephoto lens, pwede mag-macro, pwede kahit anong lens. Mabilis na magpapalit-palit ng lens kaya walang kahirap-hirap magshoot. Fixed focus ang lens ng nasa smartphones. Karamihan pa dyan wide kaya kapag malayo ang subject kailangan mo pang lumapit para makapagpicture ng close up. Nakakazoom naman sa smartphone pero wala itong kwenta; malabo lang ang kalalabasan.

Pangatlo, Manual controls. Maaadjust mo ang ISO, shutter speed, aperture ng walang kahirap-hirap depende sa pangangailangan. Meron rin nito sa smartphones pero limitado pa rin ang resulta dahil nga sa maliit na sensor.

Pang-apat, baterya. Mabilis malowbat ang smartphones dahil sa rami ng pwede mong gawin dyan maliban sa pagpicture. Ewan ko lang kung umabot yan ng isang araw na hindi kailangan i-charge.
Panglima, unti-unti nang bumaba ang presyo ng mga cameras. Ang mga bagong labas na model ng smartphones ngayon mas mahal pa ata sa entry-level na dlsr.

Heto lang naman: kung may pupuntahan ako at ayaw ko magdala ng kung ano-ano mas pipiliin ko smartphone. Saka hindi rin ako makakaalis na walang phone dahil nga importante na may pangtawag, pangtext, pang music at kung ano-ano pa. Bpnuss na ang camera; kung iuupload lang naman sa facebook o instagram o gusto lang na mapicturan ang kung ano-anong nangyayari, hindi na masama ang smartphone cameras. Kung ako naman ay seryoso sa photography, o 'yung gusto ng high resu o yung pinagkakakitaan ang talento sa photography, mas pipiliin ko pa rin ang dslr/compact cameras. Wala akong pakialam kung magbibitbit ako nito basta ang alam ko lang maganda ang kakalabasan ng mga pictures. 'Yan ang mahalaga.

Ano ba pipiliin nyo? Tinatanong pa ba yan; pwede namang parehas.

______________________________________________________
*Graham, USA Today

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM