11/15/16

TREN 'TOL UBUSAN

Alam naman ng karamihan dito sa Maynila na ang train ng MRT ang isa sa pinakanotoryus pagdating sa matinding punuan. As in hardocore sa ipitan, tulakan, sikuhan at saksakan ng kainitan sa loob. Unahan ko na kayo hindi ako nag-iinarte o nagpapaka-o.a pero ganito ang palaging nararanasan ng mga taga Maynila araw-araw. Nasubukan ko na rin ang LRT Line 1; siksikan naman pero makakagalaw ka pa naman at hindi ka matatakot na baka tumusok ang baba mo sa mukha ng kaharap mo. Natry ko na rin sa LRT Line 2 at masasabi ko na dito maganda sumakay kasi kahit paano madarama mo ang lamig ng aircon; hindi rin masikip sa loob at kahit punuan hindi ka mamatay sa siksikan. Pero sa MRT ang haba ng pila kadalasan aakalain mo na may namimigay ng relief goods sa unahan. Ang nangyayari pa ang mga dumadaan na tren puno na rin kaya hindi rin agad umuusad ang pila. Isang araw nga itatayo ko sana ang tent para matulog muna dahil ang haba pa naman ng pila pero wala akong mapagtayuan kasi puno ng mga nag-aabangers ng tren. Tapos ang darating na tren puno na naman su palalampasin ko muna tapos may darating na naman puno kaya antay na naman ng sunod. Ulitin ng isang daang beses. May mga nagpapaka Tobey Maguire pa nga aka Spideman kahit puno na. 'Yung mga tipong isisiksik ang katawan sa pinto ng tren tapos haharap at magdadasal na sana makayanan pa ng pintuan na isara ang sarili nya. Minsan nga guard na mismo ang tumutulong para isara ang pintuan. Kapag nahihirapann isara gawin yung ginawa ng bida sa 300 sabay sigaw ng: thiz iz Spartahh! Paalala kasi, pag kasing laki kasi ng pwet ni Nicki Minaj ang pwet mo 'wag ipilit sumiksik.

 Kung tunay na may mga zombies ala Train to Busan eh siguradong busog na busog sila sa pangangain ng mga pipol. Pag nagtakbuhan yan sa dami pa naman eh siguradong may madedeads na agad kaya fiesta ang mga zombies. Err, balik tayo.

Kung nagmamadali kasi talaga at bawal ang malate eh mas mabilis nga naman talaga kapag sumakay ng tren. Noong unang panahon na bago pa lang akong punta ng Manila eh palagi akong sumasakay sa bus. May interview ako noon na na-late ako ng magdadalawang oras dahil sobrang trapik sa Edsa. Leche naiisip ko noon anong klaseng malaking mabagal na Dinosaur ba ang tumatawid ng daan at ganito kalala ang trapik dito. Doon sa probinsya matatagalan ka lang kapag nagpa gas ang sasakyan pero dito Lord of the Rings Trilogy na natapos hindi pa rin nakakaabot ng pupuntahan, at sa ikatlong The Hobbits nasa kalagitnaan na ang bus..idagdag mo pa Harry Potter. Alam mong nakarating ka na sa pupuntahan mo kapag Fantastic Beasts na. Sumakay ka lang ng bus kapag gusto mo lang mag chill, magpalipas ng oras o lumanghap ng preskong hangin galing sa tambutso ng mga sasakyan. Praktikal nga naman sa tren kasi bukod sa mura ang pamasahe eh mabilis pa ang byahe. Yan ang mentalidad nating lahat kaya abot sa Jupiter ang pila ng mga sasakay.
http://mapa-metro.com/en/Philippines/Manila/Manila-MRT-map.htm
Minsan nagtry akong sumakay ng MRT na nakalong sleeves pero hindi na ako uulit. Sobrang init tumatagaktak ang pawis ko; narealized ko na mas malala pa ito kesa sa job interview pagdating sa pawisan. Pagbaba ko basang-basa ako ng pawis pwede na ako kunin ng tide na maging model na damit na isasabit sa sampayan na tipong bagong banlaw. Pwede rin maging endorser ng rexona kasi basang basa ang kili-kili pwede ko ng ipandilig sa mga tanim kong okra sa probinsya. Kung pwede lang magtanggal ng lahat ng mga damit ko gagawin ko pero nakakahiya naman baka abutan ako ng dumbell ng pasahero. Bababa ka ng tren na para kang petchay na ibinyahe galing sa probinsya papuntang lungsod sakay ng skateboard. Nakakatawa pa kasi mas malamig pa ang hangin sa labas kesa sa aircon sa loob na masasabi ko na mas malakas pa ang epekto ng utot ko. Pagbaba mo marerealize mo kung gaano kaganda ang mundo sa labas kesa sa noo ng kaharap mo sa loob.

Pasalamat naman sa kasasakay ko sa mga tren na yan hindi ko pa naman naranasan na masiraan. Sige sabihin ko na na dati pa may sira ang ulo ko pero syempre iba pa rin kapag tren kasi madami ang maaabala. Late ka na nga tapos nakasiksik na pagmumukha mo sa pwet ng lalaki sa harap mo tapos masisira pa. Haha ewan ko kung hindi ka mapamura nyan. Pero wala naman tayo magagawa kapag nasira yan; alangan naman maglulupasay ka dyan o magsisigaw. May kalumaan na rin daw kasi kaya di na maiwasan ang masiraan. Ayusin nyo na agad bago mahuli ang lahat; meron dyan natatae na, may masisisante na dahil palaging ang aga dumating sa trabaho, may manood ng, err, NBA, may makikipagdate na sa huli mababasted din, magpapalit ng diaper ng anak kasi biglang nagiging invicible ang ama, may inaantok gusto na maidlip forever, may hindi na mapigilan mag....

Heto pala mga ilang tips para makatulong (at makasira) sa iyong byaheng langit (at pailalim):

Agahan mo 'tol ang pagbyahe. Alam ko na nakakatamad bumangon sa higaan kapag may pasok. May oras nga naman na parang nilagyan ng matinding pandikit ang ulo ayaw mo ng humiwalay sa unan. Sakto pa kapag malamig ang panahon para kang polar bear kung makahiga sa iyong kama. Nagtry ako na maagang maaga ang byahe, bumili agad ako ng ticket at sabay lipad papunta sa sakayan ng biglang palayasin ba naman ako ng guard kasi daw wala pa daw tren at darating pa raw maya-maya. Ok sabi mo eh. May mga oras nga naman talaga na wala pang daraan na tren; mas safe na sabihin na pumunta ka dun mga 6:00am. Alas dose pa lang ng gabi pumunta ka na dun magtayo ka na ng tent at sindihan mo na ang mga panggatong para hindi ka lamigin; yan kung hindi ka hatakin ng guard palabas. Basta kung ayaw mo pumila ng pagkatagal-tagal agahan mo. Kapag rush hour sobrang dami ng mga tao kulang na lang isabit mo na ang sarili mo sa gulong ng tren para lang makauwi. Malala kapag mga 5:00pm hanggang 8:00pm. Palipasin mo muna ang oras na yan maglakad-lakad ka muna sa mall o mamalimos ka muna sa gilid ng daan para malibang.

Magsuot ng komportableng damit. Kapag sinabing komportable hindi yung nakahubad. Kapag siksikan hindi mo madarama na may naimbento palang bagay na tinatawag na aircon. Wala kang ibang madarama kundi init na parang kaharap mo si Ellen Adarna na ang kaibahan lang eh nagmumukha ka lang tissue paper nya. Magmumukha kang dugyot pare sa loob. Realtalk. Sige kung hindi ka naman pawisin ok lang magsuot ka pa dyan ng dalawang patong na jacket May mga nakikita pa nga ako ang iba may dala nung maliit na parang electric fan na may baterya. Ewan ko kung ano ba tawag dyan pero hindi na masama. Hindi ka na iinitan sa loob. Gusto ko nga rin magdala na malaking electric fan pero di ko lam kung saan ko isasaksak. Pero 'wag na baka may buhok pa na sumabit sa electric fan, makalbo sya, sumikat at maging si Lex Luthor sa DC Universe. Huwag rin kalimutan magdala ng panyo para may pampahid ka sa iyong tumatagaktak na pawis. Pero kung wala sige na huwag ka na mahiya ipunas ang suot mong damit. Wala naman silang pake sa'yo. Kung makikipag date naman please lang magdala ka ng extrang damit. Nangangamoy basted ka na agad kapag nagpakita kang naliligo sa pawis di'ba. Literal na sobrang hot mo tinggan nakakasunog.

Mag-ingat sa magnanakaw. Kung may mahahalagang gamit 'wag basta basta isuksuk lang sa bulsa kung saan-saan. Sa sobrang siksikan hindi mo mapapansin na may kamay na palan na sumisiksik sa bulsa mo. Ilagay mo ng maayos sa bag, lagyan mo ng bullet ant o mouse trap o kahit bear trap ang loob para makarma ang magtatangka mangdikwat. Ilagay ang iphone sa loob ng brief para sigurado. Huwag magsuot ng napakaraming alahas na magmumukha ka ng manghuhulang nakadestino sa ilalim ng tulay.
Huwag masyo feeling/maarte/brutal. Kapag may pila please lang pumila ka ng maayos. Sa pagkakaalam ko ang pila dapat ay dalawang linya yan. Minsan nagiging tatlo pagdating ng tren at pagbukas ng pinto hindi na makababa ng maayos ang mga pasahero kasi nahaharangan na ng mga nilalang. Pababain muna ang mga lalabas bago sumiksik para hindi ka mapag-initan. At saka may pila huwag kang makikipag unahan pumasok kasi nga may tinatawag na pila. Para kang bata na nag attend ng birthday party at nakikipagtulakan para makahingi ng kendi. Huwag gamiton ang siko para manulak kasi masakit yan. Karamihan dyan mainit ang ulo wag ka na dumagdag sa init at baka magkarambol dyan at sumikat ka pa sa social media. Meron din yung mga nag-iinarte ayaw man lang madikitan. Hello sumakay ka sa tren na ito alam mo na siksikan at sigurado na magkakadikit katawan natin. Nakakahiya naman sa kutis mo na sa sobrang kinis pwede ng Mukha lang po pero hindi naman ako manyak na manghihipo ng pimples mo sa mukha. Hindi naman lahat ng lalaki na sasakay dyan perv at hindi naman lahat ng babae na sasakay dyan itsurang Kim Domingo na pinapangarap namin. Huwag kayong feeling. Kasi si feeling makikita lang sa facebook status. Eh di sana pala kung ayaw mo makipagsiksikan bumili ka ng sarili mong submarine o Stealth Fighter. Para saan pa na sumikat si MRT girl sa facebook kung natatandaan nyo pa kasi nagreklamo na hindi sya pinapaupo ng isang nilalang na napag-alaman na pinagsasabay ang pag-aaral at part time job. Piniktyuran nya pa ang bata, sinabihan na pangit at pinost sa facebook. Karamihan dyan ate pagod ang mga nakasakay huwag ka mag-expect na may magpapaupo sa'yo. At hello sino ba naman sya; bili ka ate ng sarili mong skateboard at bagtasin mo ang EDSA. Sya nga pala nakareserve ang unahan sa mga babae. Para sa mga ayaw mahumaling sa aming kapogian eh doon na kayo.

____________________
http://alvincabaltera.co.vu

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM