3/28/16

DUTERTE V MAR

Ito ang isa sa pangyayari sa Pilipinas Debates 2016 noong March 20 sa UP Cebu. Ang sagutan at batuhan ng putik ng dalawang magkatunggali sa pagkapangulo na sina Mar Roxas at Rodrigo Duterte. Hindi ko mapigilan na matawa sa kanila kulang na lang mag rap sila at maglaban sa entablado ng fliptop. Nakikipagsabayan pa naman sila ngayon sa mainit na laban nina Batman at Superman. 'Yun nga lang part 2 na ito. Nirecord ko mismo ang debate na ito gamit ang aking cellphone habang napapakinggan sa radyo.




Duterte: ..sabi nga ni Mar pupunta ka ng Davao may makikita ka ng shabu...Kaya ng sinabi nyang may shabu sa davao pati sabi ko sa Maynila. So one week after there was a raid dito sa Davao pati sa Maynila. Look what happened. 'Yung dun sa Malabon nakita hinuli buhay. 'Yung akin sa Davao nahuli patay apat. Kasi I'm still wiping out. Sabi mo how can I do it in three to six months? Well, ibahin mo ako sa iba; gagawin ko 'yung ano ginawa ko sa Davao. If I say do not come here...do not come here. When I say leave Davao..you leave Davao. If you do not do that, you're dead. Ganun lang naman ang  istorya dyan marami pa tayong drama. Kaya ngayon hintayin mo ako..kung ako mag presidente..three to six months. Sinabi ko sa inyo I'll do it. I will do it, just like what I did to Davao. Panoorin mo ang Davao..panoorin mo ang buong Pilipinas and you will see.

Mar: Naalala ko noong DILG ako, sumulat ako kay Mayor Digong para sabihin na halos apatnapo ata, hindi ko masiguro 'yung bilang ng barangay..i think it's either thirty to forty barangays were deemed by the PDEA to be drug infested. Magmula noon hanggang sa ngayon ay nadyan pa rin 'yung mga barangay na yan..drug infested pa rin. Hindi ko kinikwestyon ang kanyang pagnanais na tanggalin ang druga sa Davao o sa buong Pilipinas, ang kinikwestyon ko 'yung kakayahan na magawa ito in six months at hindi basta-bastang mangyayari ito.


 Duterte: ..I forgot that he was the DILG secretary. He controls the police; he has the administrative control of everybody. Kaming mga Mayor we only give the guidance to the police. We do not exercise control over the police..kayo ang nagpipili ng mga tao. It is not us. We do not control the PDEA..

Mar: Nakalimutan siguro ni Mayor 'yung local government code na kung saan ang Mayor po ang chief executive ng isang lugar. Noong ako po'y nanunungkulan sa DILG ang halaga po na nakumpiska namin na druga sa buong Pilipinas was seven and a half billion pesos. Tama na ba ito? Hindi pa. Kuntento na ba tayo? Hindi pa. Pero yan ang aming actual na accomplishment. Seven and a half billion pesos of compiscations and arrest..all of these have arrest. May mga tao na nasa presohan ngayon na naaresto dyan sa nga drug bust na 'yan.

Duterte: Yes inaresto mo pero ano ang ginawa ninyo? This administration allowed shabu to be caught inside the national penetentiary. Is that your performance?

Mar: Kaya nahuli na eh di'ba...

Duterte: Ikaw 'yung chief of police..pinaka chief. DILG, it's under you...ehh alam mo wala kang ginawa. And you are claiming credit which is not yours. Ang mahirap sa'yo Mar, you are always a pretentious leader.

Mar: Hindi totoo 'yan...Ang hirap sa'yo Digong hindi mo sinasabi ang totoo. Ang totoo ay nahuli nga eh, 'di ba nahuli? Kaya ginawa natin nahuli yan..kung pinabayaan namin yan eh di 'yun ang masasabi  mo, pero nahuli yan eh..naaresto..tinigil at patuloy ang ating laban sa druga. Hindi yan pagiging pretentious, nangyari yan..nasa dyaryo yan totoong nangyari yang mga gumagawa ng druga na yan sa loob ng presohan.

Duterte: Hindi dyaryo 'yun, tabloid 'yun. There is... therefore the people to see..this is a republic, this is nationwide. Kaya alam nila how hard it is really to work for a government. You are just..you're a fraud..you're pretentious..

Mar:...namecalling...

Duterte: ..pati edukasyon mo sinali mo 'yung Wharton hindi ka pala taga Wharton eh..

Mar: Hindi ko problema..hindi ko problema na hindi maunawaan ni Mayor Duterte kung ano ibig sabihin ng paggagraduate sa Wharton. Hindi ko na...malinaw na malinaw Wharton mismo nagsabi graduate ako 'dun sa kanila..kung ayaw maniwala...yan ang brand ng Duterte justice, kung ano nasa isip nya kahit hindi totoo yan ang kanyang papaniwalaan at yan ang kanyang gagawin.

Duterte: We asked Wharton and they said it would be inappropriate for Mr. Roxas to claim that he was a Warton graduate with a MBA

Mar: Ang importante dito...ang Wharton mismo nagsabi na graduate ako doon. Hindi never ko sinabi na nag MBA ako...ikaw lang ang nag-iisip nun. Ikaw ang nag-isip na hindi mo maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng naggraduate ako sa Wharton pero balik tayo sa totoo..

Duterte: No..no...no...no..balik mo sa Wharton..

Mar: Excuse me oras ko ito..Kung ano ang pumasok sa isip mo..sarado na ang isip mo..yan ang Duterte justice. Wala ng katotohanan, kung ano pumasok sa isip mo pikit mata gagawin mo at baka may mamatay pang tao. Hindi ko gusto para sa pilipinas yan.

Duterte: Yan ang problemang...kung hindi ka marunong pumatay ng tao at takot kang mamatay yan ang problema. You cannot be a president.

Mar: Hindi ako..hindi ako...

Duterte: ..Believe me..you cannot..'wag na lang yan..maghanap ka na lang ng ibang...

Mar: Hindi ako takot mamatay. Ako mismo pumunta sa yolanda..ako mismo pumunta sa Zamboanga doon ako tumira tatlong linggo para subaybayan ang ating mga kapulisan at ating mga kasundaluhan dun...Hindi po ako takot mamatay. Ang akin ay hindi pwede basta-basta tayong mamatay ng tao na walang proseso. Mga mahihirap lang ang pinapatay dyan..sinong mga malalaking tao ang pinatay mo? Sinong malalaking tao ang binangga mo?

Duterte: Hindi mo lang alam..kasi wala kang alam talaga.

Mar: Ang problema nyan...patutsadahan lang ito...ito ay pagkapangulo ang pinag-uusapan dito...

Duterte: I just said I was there in Yolanda Day 2. This guy cannot handle stress. He's a weak leader.


Mar: You were there..you were asking us for coffee..we were there accommodating you. Nandun ako nagpapatakbo ng meeting..nandun ang mga heneral..nandun si Secretary Gazmin, nandun si Secretary Dinky Soliman. On the second day nandun ang pangulo. Papano mo sasabihin na..na wala ako 'dun? Nandun ako; I was the central player doon sa mga meeting na iyon. Ikaw ang nawala..dumating ka dun ilang oras nag pa photo-op..umalis. 'Yan ang uri ng liderato mo. 

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM