9/1/06

MAHAHALAGANG TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

Ayon mismo kay Jose Rizal, ang mga pangyayari at ang mga tauhan na nabasa o mababasa natin sa kanyang nobela na “Noli Me Tangere” ay hinango niya mismo sa tunay na pangyayari at mga tunay na tao na nangabubuhay sa kanyang kapanahunan. Heto ang nabasa ko sa isang aklat:

*Maria Clara-Si Leonor Rivera ng Kamiling, Tarlac na nag-asawa ng isang Ingles, na di-tulad ng mga pangyayari sa nobela.

*Crisostomo Ibarra- Si Rizal. Kumakatawan sa mga Pilipino na nakapag-aral at may maunlad at makabagong kaisipan.

*Pilosopo Tasyo-Si Paciano na kapatid ni Rizal.

*Donya Victorina-Si Donya Agustina Medel de Asca, isang mayamang na may-ari ng malawak ng lupain.

*Kapitan Tiyago-Isang mayamang mangangalakal buhat sa Malabon na hinagdan ang mabuting pakikipagkaibigan sa simbahan at sa pamahalaan upang magkamal ng limpak-limpak na salapi.

*Crispin at Basilio-Magkapatid na Crisostomo na taga-Hagonoy.

*Padre Damaso-Kumakatawan sa mga prayle noong panahon ni Rizal.

*Padre Salvi-Si Padre Piernavieja, ang kinamumuhiang paring Agustino sa Kabite na napatay ng mga rebulusyonaryo.

*Sisa-Siya ang ina ng dalawang batang sakristan, at asawa ng isang pusakal na sugalero at lasenggo. Siya ay dating mayaman na pinapaghirap ng asawa. Inilalarawan siya sa nobela na isang butihin at mapagmahal na ina, na maaaring ang pinaghanguan ni Rizal ay ang kanyang ina.

*Elias-Siya ay kumakatawan din kay Rizal. Ito ay makikilala sa kanyang pamamaraan lalung-lalo na sa kanyang pagsasalita, mga kilos at mga makabagong kaisipan.

*Donya Consolacion-Inilalarawan sa nobela na isang babaing may mababang lipad at may maruming isipan at pag-uugali. Mababakas sa kanya ang masasamang pananalita at di-mabuting pag-aayos ng sarili.

*Tiya Isabel-Sa kanyang katauhan ipinakita ni Rizal ang pag-iingat ng mga magulang noon sa mga kadalagahan.

*Donya Pia Alba-Ina ni Maria Clara na kumakatawan sa ating bansa na madaling nangayupapa sa kapangyarihan ng mga dayuhan.

*Sinang-Inilalarawan siya ni Rizal na isang tapat at masayahing kaibigan at halimbawa ng kasiglahan ng mga kabataan. Si Victoria, Iday at si Neneng ay mga kaibigang nagdulot ng kasiglahan kay Maria Clara.

__________________________________________________________________________________
About

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM