BAKIT MAGANDA AT PANGIT (MAGTRABAHO SA MALL*)
Maganda
magtrabaho sa mall kasi palaging aircon. Para sa iilan na palaging
pinagpapawisan ang kili-kili o yung iba na ang palaging iniisip ay
puputi sila dahil sa aircon eh ito na ang hinihintay nyo. Dinudumog
ang mall hindi lang dahil sa may bibilhin sila o dahil sale na naman
ang brief at panty sa dept store kundi para lang magpalamig. Sa sobra
ba naman ng init ng panahon sa labas eh syempre papasok yan para
magpalamig. Sino ba naman ang gustong ma-heat stroke sa labas habang
ka-holding hands ang minamahal o sadyang tumatambay at nagpapa bebe.
Sakto pa ngayon na sira ang electric fan ko dito sa boarding house.
Syet, ang init pare. Sabihin na nating kahit tinatamad na talaga ako
magtrabaho eh iniisip ko naman na mas mabuti na doon at malamig 'di
tulad dito sa kwarto ko na parang kajamming ko nang maglaro ng
counterstrike si Satanas.
Maganda
magtrabaho sa mall kasi palaging maraming tao at maingay. Para sa
iilan na sanay at gustong gusto nakakasalamuha ang ibang mga tao eh
magtrabaho na sa mall. Para sa ilan na gustong gusto ang maingay na
lugar na parang nasa karnabal. Yung ilan na mahilig sa mga gwapo o sa
mga chicks o sa mga mapepera (hindi naman lahat ng mga nasa mall eh
mapepera, tulad ko na wala ni pambili ng donut o ice cream.) eh dito
mo sila pwede makita o makilala. Medyo nga hindi ito bagay sa akin
dahil sanay naman ako mag-isa at mahilig rin ako sa tahimik na lugar.
Karugtong ng huli kong pangalan ang salitang sementeryo. Awow.
Rakenrol.
Maganda
magtrabaho sa mall kasi mas mahigpit ang seguridad. Ok marami na ang
naglabasang mga balita sa telebisyon at radyo tungkol sa pang
hoholdap sa mga mall o pambobomba o ang mga nagkalat na mga
magnanakaw na pinapangalanang martilyo gang, barya-barya gang,
lecheng gang, supot gang kung ano anong grupo na tamad magbanat ng
buto. Pero dahil sa mga balitang yan eh mas mahigpit na ang seguridad
sa mga mall. Ang raming umaali-aligid na mga gwardya at kung papasok
ka sa mall kulang na lang ipakita mo na ang nasa loob ng iyong ribs.
Joke lang po. Mas mabuti na yan at baka kung sino may dalang patalim
dyan bigla na lang mag-amok at manghiwa ng malaking melon na
nakadisplay sa may supermarket. Mahirap na baka may bomba na
makalusot; kung utot pwede pa kasi mawawala rin dahil maraming tao
ang makakasinghot. Heaven.
Maganda
magtrabaho sa mall dahil kadalasan...sale. Matagal na ako naghihintay
na magkaroon ng 100percent discount pero wala. Dinudumog ang mga mall
ng mas maraming tao kapag may ganitong mga sale o pag may mga
discount, di'ba? Mahilig ang mga pinoy sa discount na kahit halata
naman na hindi naman talaga nabawasan 'yung presyo ng bilihin kahit
may discount (yun lang naman ang original na presyo talaga) o sa
ibang bilihin na hindi na gaano bumibenta kaya buy one take unlimited
na. Minsan akala ko tuloy nasa sabungan ako dahil ang raming tao,
kulang na lang manok. Ni isang beses hindi pa ako nakabili sa ganyan.
Tumitingin-tingin lang ako at pasulyap-sulyap sa mga large at medium
size na briefs o sa malalaking bag na pwede na ipasok sa loob si Dora
at naghihintay na may malaglag na wallet sa bulsa ng mga customer
este malaglag na grasya mula sa taas.
At
bakit pangit magtrabaho sa mall?
Walang
tinatawag na holiday. Oo. May sweldo ka nga kahit holiday (double
pay) pero sa totoo walang pasok ang karamihan ng tao. Habang
nagpapakahirap ka kakatrabaho yung mga kakilala mo nagswiswimming na
sa Amazon river, naghihiking na sa Everest at nakikipaghabulan na sa
mga leon sa South Africa. Syet.
Walang
christmas at walang bagong taon. Pwera na lang kung iba ang relihiyon
ko ok pa pero kinalakihan ko na na magkakasama kami pag Christmas o
New Year. Nabubuo lang kadalasan kapag ganyang mga panahon pero dahil
may trabaho ka eh ikaw lang ang wala. Hindi ka makakain ng spaghetti,
turon at ibang pang mga pagkaing niluluto sa bahay. Isa pa sa masakit
isipin eh nakikita mo na magkakasama ang iba-ibang pamilya sa loob ng
mall, o magkakasama na nagsasalo-salo sa kani-kanilang pamilya eh
ikaw nagtatrabaho ka na hindi mo man lang nakasama ng mas matagal ang
iyong pamilya. Pwede ka mag absent pero nakakahiya naman sa mga
kasamahan mo di'ba lalo pa kung kokonti lang kayo. Ang ilan magsasabi
na ok lang naman na magtrabaho sa ganyang mga panahon pero yan yung
mga tao na nasa malalayong lugar ang pamilya o yung iba na nasa
kabilang planeta pa ang mga kamag-anak. Payo ko lang: Huwang
ipagpalit ang masayang oras na kasama ang pamilya para lang sa
trabaho na kakarampot na barya lang naman ang makukuha.
Waterproof.
Bahaproof. Tanginangproof. Hanggang ngayon hindi pa rin ako
makapaniwala na ang dati kong katrabaho na mataba at doble-doble ang
kapal ng katawan kesa saakin eh itutumba at ililipad daw ng malakas
na hangin. Whatt. Bumabagyo na kasi men, at malakas na talaga ang
hangin pero alam mo ba...nasa mall pa kami at nagtatrabaho. Hindi ko
alam kong trabaho pa bang tinatawag ang pangungulangot at pag
pi-facebook sa phone pero wala na kasing tao ang pupunta sa mall.
Sinong mga tao na gawa sa materyales ng payong ang pupunta pa sa mall
para maggala habang ang lakas na ng hangin at ang ulan? Lumilipad na
ang mga sanga ng puno at may nagliliparan ng mga yero sa langit.
Swerte lang ng tatamaan dahil magiging sequel ito ng Final
Destination. Magtatayo na sana ako ng tent sa loob pero inisip ko na
huwag na kasi baka multuhin pa ako. Pero seryoso, pag bumabagyo na o
paparating na ang malakas na bagyo o iba pang kalamidad eh isara na
at pauwiin na ang mga tao sa mall. Kaladkarin na yan palabas kong
pumapalag pa. May kanya-kanya tayong pamilya na uuwian at mga bahay
na dapat bantayan at may mga ulo na dapat tingnan at baka nahati na
sa dalawang piraso dahil sa lumipad na yero. Basahin
ang ibang detalye tungkol sa bagyo na ito.
Karamihan
ng nagtatrabaho sa mall ang dayoff ay hindi sabado o linggo. Bakit?
Kasi yan ang araw na maraming tao na dudumog. Hindi ka na makakasimba
sa linggo, hindi mo na makakasama ang pamilya mo, hindi mo na
makakalaro mga makukulit mong pamangkin at hindi na kayo magkikita ng
minamahal mo forever. O.a na yan pero may katotohanan naman dyan.
Para sa iilan na may dorm o boarding house katulad ko, eh may
problema talaga. Uuwi ka ng lunes kasi wala ka ngang pasok, pagdating
mo wala ka naman makakasama kasi may mga pasok ang lahat: nasa school
ang kapatid o pamangkin mo, mga kabarkada mo nasa trabaho, mga kaaway
mo nasa kani-kanilang lungga kaya wala ka talagang makakajam. Sunday
ang dayoff ng mahal mo at sa malayo pa syang lugar; umuuwi lang sya
sa kanilang bahay kapag wala syang pasok. Eh ikaw naman sa araw na
walang pasok ang gf mo abala ka sa pagtatrabaho at hindi ka pwede mag
absent kasi linggo yan at maraming kustomer. Babyahe na ulit ang
minamahal mo pabalik sa kanyang trabaho kapag lunes at yan na naman
ang araw na wala kang pasok. Gets mo? Paano kong ganyan forever?
Walang forever? Iba pa rin talaga kapag wala kang pasok kapag sunday.
Bow.
At
ang panghuli..
I
resign.
Nagmamagaling,
Alvincio
B. Retardo
______________________________________________________________________
*hindi
naman lahat ng mall, hindi ko naman nilalahat smartass.
Ito
sana ang intro pero nilagay ko na lang sa hulihan kasi wala akong
maisip na ibang rason kong bakit nga ba talaga sa hulihan na
lang.Anglabo.
Mag
iisang taon na rin ata akong nagtatrabaho sa isang malaki (at
kilalang) mall dito. Tumatagal na rin ako ah, pero kung tatanungin mo
ako kung gusto ko pang magtagal ng ilang pang taon? Nahhh. Ayoko.
Para saan pa na habang nagsusulat ako ng blog post ko na ito eh nasa
harapan ko na ang resignation letter na ipapasa ko sa katapusan ng
buwan. Hindi naman sa hindi ako nag eenjoy sa trabaho ko dito o sawa
na ako sa lugar kundi personal na rason ko na lang. Bakit ba maganda
at pangit na magtrabaho sa mall?
Spaghetti parin tol? bwahahaha. Pero nga naman. Bat mo ipagpapalit ang masasayang sandali sa kakarampot na barya? Come to think of it, it's really not worth it. daming "it."
ReplyDeleteMay tama ka..hirap pag sa mall ka nagtatrabaho..oo nakakaenjoi kc marami ka nkikilalang mga kaibigan, at naaaliw ka kc marami kang nikikitang tao
ReplyDeleteMay tama ka..hirap pag sa mall ka nagtatrabaho..oo nakakaenjoi kc marami ka nkikilalang mga kaibigan, at naaaliw ka kc marami kang nikikitang tao
ReplyDelete