PUMI-FIRST TIME SA STARBUCKS
Logodesignblog.net |
Noong kapanahunan ko wala akong
kaalam-alam kong ano ba ang Starbucks. Paminsan-minsan naririnig ko pero siguro
wala lang talaga ako pakialam. Akala ko nga isa rin itong pelikula na
pangkalawakan o labanan sa space tulad ng Star Wars o Star Trek pero sigurado
pag nabasa mo ito iisipin mo na wala akong utak kulang na lang lumabas ako sa
tyan ng buntis na jellyfish. Isa pala itong coffee company na matatagpuan sa
kahit saang sulok ng ating mundo at isa sa pinakamalaki; ito ay itanayo sa Amerika noong kapanahunan ko, 1971, na may mahigit kumulang
dalawanpu't dalawang libong branch sa iba't ibang bansa. Wow, kailan
magkakaroon kaya dito sa bukid namin.
Mahilig naman ako magkape, kasi
nga raw pampatanggal ng antok. Minsan nakakadalawang cup ako ng kape; mas gusto
ko pag medyo mapait at hindi ako naglalagay ng asukal. Para sa mga tulad ko
kasi na busy kapag gabi eh dapat may kape; kailangan gising pag busy ako sa
aking trabaho na paglalaro ng football manager; dapat alerto ang utak at dapat
patuloy lang ang paglalaro hanggang sa tumilaok na ang manok at makita ko na
lang ang saliri ko na nakakasubsub ang mukha sa laptop at naglalaway sa
keyboard. Pero seeryoso, pag pagod na pagod talaga galing sa (tunay) na trabaho
eh kailangan magrelax; nakakarelax ang kape at nakakawala ng sakit ng ulo.
Noong panahon ko na punong puno na ng stress ang katawan ko dahil sa trabaho na
nakakapagod naisipan ko na nga na magresign na noon eh kailangan ko mag chill
muna paminsan-minsan. May mga oras noon na kapag sahod pumupunta naman kami sa
mga sikat na inuman sa ciudad para maglasing. Nakakainis lang kasi may hangover
pa kapag papasok sa trabaho. Buti na lang wala naman akong record na pagsusuka
sa loob ng pinagtatrabahuhan ko.
Ganito ka humawak? Oh you first timer.... |
Ganito ang paghawak, dapat kita ang logo you konyo... |
Siguro dahil na rin sa pagod na
feel na feel na rin namin na sobra na rin kami sa trabaho kaya isang araw may
nagyaya sa amin na uminom. Pinag-iisipan namin kung saang banda na naman kami
tatambay ng may mag-suggest na mag-starbucks. Wow, starbucks. Hindi ko alam
kung ako ba ang nagsabi nyan o ang dati kong katrabahong babae na papangalan
kong si Minions. “Tara Starbucks ta'yo.” Nakakatawa lang kasi parang ang
nagyaya 'yung tipong tambayan ang nasabing kapehan na yan. Pero parehas kaming
dalawa na hindi pa ata ni isa nakakapunta doon. Ako talaga simula highschool
hanggang sa nagtapos ako ng kolehiyo hindi ko naman natry; mas maganda atang
sabihin na ayaw ko lang talaga itry o kaya naman wala akong pake na itry. Kasi
kahit sabihin na mahilig nga ako sa kape, hindi ko na kailangan pumunta pa dyan
bukod sa meron naman kape palagi sa bahay eh meron namang nabibiling 3-in-1 sa
tindahan ng hindi ako mamumulubi. Pero wala naman masamang itry di'ba, saka
maiba lamang ng trip, kaya sige go lang ng go tutal sahod naman namin noon.
Kaya tinext namin ang isa pa naming kakilala na tatawagin ko sa pangalang
Hardware; kaparehas ko sya ng trabaho at ang pinagtatrabahuhan niya ay sister
company kumabaga ng kompanya namin ni Minions. Taga Manila pala si Hardware
habang taga probinsya naman kami ni Minions; pinadala lang sya sa isa nilang
branch kasi kulang daw sa empleyado blah blah blah.
Pagka-out namin sumakay agad
kaming tatlo ng tricycle at dumiretso agad sa sikat na kapehan na mas sikat pa
raw sa pelikulang Star Wars: Force Awaken. Bumaba kaming tatlo sa tricycle at
naglakad ng mabagal papasok doon; yung parang tipong slow mo, nasa gitna ako at
may kanta ni Snoop Dogg sa background. Alam ko si Hardware hindi nya ito first
time kasi sabi nya mismo may reputasyon sya sa gimik at night life ang middle
name niya. Aba, maraming tao sa loob ah; akala mo may meeting sa loob o kaya
may orientation ng isang networking na napekeng dumalo ang mga tao kasi may
kanya kanyang pinagkakaabalahan at walang pakialam. Joke lang. Para lang nasa
Mcdo, ang kaibahan lang karamihan pa sosyal. Syempre hindi naman ako
magpapahalata na first time ko, kaya confident akong naglakad papunta sa isang
may itsurang babae sa harap, kinuha ang gusot gusot kong perang papel sa aking
bulsa (hindi ako gumagamit ng wallet kasi kawawa naman kasi wala namang
ilalagay kundi tissue paper) , tinuro ang napili kong kape (hindi ko natandaan
ang pangalan saka hindi ko sure kung kape pa ba iyong matatawag, gawd) at
binigay ko kay Hardware. 'Yung itsura ni Hardware na nakatingin sa akin na
parang tipong
'bakit-mo-binibigay-sa-akin-ang-pera-mo-na-parang-pinulot-mo-sa-loob-ng-trashcan-katabi-ng-kubeta'
look. Naitindihan naman nya ata ang hangarin ko para mabarya ng pera nya.haha.
May mga cake rin pala sa loob pero nakita ko pa lang ang presyo naisip ko na
bumili na lang ng siopao sa 3N at sigurado aabot pa yan sa aking lalamunan.
Wow, sosyal rin magsalita si Ate habang tinatanong kung ano ba ang order namin,
pwede mag-col senner eygent.
Si Minion, si Hardware at Ako syempre. Tingnan nyo dapat kita ang logo! Feeling conyo mode. |
Maya-maya hawak na namin ang
inumin. May pangalan pa namin sa likod ah, mas maganda sana kung signature na lang ni Ate doon sa harap para
feeling fan niya ako. Unang tikim ko nasabi ko sa dalawang kasama ko na
'masarap ah. Pero inisip ko naman, dapat naman talaga masarap ito dahil
masasabi ko na hindi ito mura. Sa presyo nito kaya mo nang makabili ng mahigit
dalawampung pirasong 3-in-1 na kape, saka tatlong float sa isang kilala ring
kainan, kung tama ang tansya ko. Sabagay nakakarelax naman uminom ng ganito
habang nakaupo like a boss sa loob. Patingin-tingin ako sa paligid: may mga
lovers in Paris syempre, may mga nagkwekwentuhan ng mga wala namang kwenta
(nafefeel ko lang na walang kwenta), may mga nagla-laptop at may mga nakatayo
sa gilid humihigop ng kape na parang tipong nakatayo na may katabing Ferrari.
C'mon people may mga upuan naman umupo kayo kasi natatakpan nyo ang magagandang
dilag na nakaupo sa may likod nyo. Para kayong nangrerecruit sa inyong
networking (peace) o kaya dumadalaw sa inyong hasyenda na nakatayo sa palayan
habang may hawak na kape sa kamay. At saka please lang tumabi kayo dyan sa may
pintuan; hindi nyo na kailangan ipakita sa mga dumadaan na sasakyan sa gilid ng
daan na humihigop kayo ng kape sa Starbucks. Nagkalat ang mga conyo, pare. Kaya
nakipagsabayan naman kami; kinuha ni Minions ang kanyang lenovo at nagselfie
selfie kami. Sabi ko sa kanya i-tag na lang ako habang si Hardware naman ayaw
sabihin sa amin kung ano ang facebook account nya kasi artista sya pero mas
gwapo naman ako sa kanya. Siya nga pala, kung magseselfie dapat kita ang logo
ng Starbucks, para makita ng mga barkada mo sa social media kung gaano ka ka
cool, conyo, may pera at douchebag. Noong mga time na ito eh kinuha ko na sa
bag ko ang aking laptop, tutal marami na gumagamit. Nakisaksak ako at click
agad sa counterstrike.exe sa desktop. Akalain mo yun, pumunta sa Starbucks para
mag counterstrike, hindi na nahintay umuwi sa boarding house. Kulang na lang
maglabasan na kami ng kanya-kanyang laptop, magbarilan at mag transform ang
sikat na kapehan sa isang sikat na computer cafe. Naubos na pala iniinum namin
kaya naisipan naming lumabas na at iwan ang mga sossy sa loob.
Naisipan pa namin ni Hardware na
uminom pa kahit isang bucket lang. Si Minions kasi nauna ng umuwi dahil bukod
sa gabi na nga naman eh baka malay natin baka natatae na. Pumunta kami sa isa
pang sikat na inuman, pero ilalahad ko na lang ang pangyayari itong sa sunod
kong blog post. Part 2, mga pare.
Siya nga pala nasundan pa ang
jam naming tatlo doon. Pero yun na ang last, (kaya dalawang beses lang
lahat-lahat) dahil bumalik na rin sa Maynila si Hardware habang kami naman ni
Minions ay sabay ng nagresign sa aming
kompanya.
0 comments:
Post a Comment