9/2/16

'WAG MASYADO FEELING CLOSE

Kung nabasa nyo yung sinulat ko dito sa blog ko na tungkol sa first time starbucks experience ko eh heto pala ang karugtong.
Oo masasabi ko masarap nga naman yung starbucks na ininum ko, medyo hindi nga lang talaga pwede na araw-arawin kasi nakakabutas ng bulsa. Kaya nga hindi na naulit yung pagtambay ko doon kasi narealized ko na mas mabuti pang bumili na lang ng 3-in-1 sa 7eleven o uminom ng tubig gripo para mas tipid. Masyado pa naman maaga para umuwi at tumingala ng mga ipis sa kesame kaya tinanong ko yung kasama ko kung ano ba plano nya pakatapos naming maubos ang hinihigop naming kape.

Sabi nya wala naman daw syang gagawin at sa oras na iyon eh nahalata ko na parang gusto pa nito gumala at uminom ng nakakalasing. Hindi ko alam kung naikwento ko na ba na hindi nga naman kasi sya taga doon nakatira; taga manila sya at nagkataon lang na doon sya sa amin naassign. At tangena, ang pogi pala nya nahihiya nga ako tumabi sa kanya kasi mahilig daw sya sa mga chicks. Ok, halata naman na mahilig sya makipagbulahan sa mga kustomer; masasabi ko na medyo kabaliktaran ko ng konting-konti lang.
Binabawi ko na: lamang lang (ako/sya) ng isang ligo pagdating sa kawgapuhan.

Ahm..balik tayo.
Yan nagyaya pa sya na lumipat raw kami at uminom ng kahit tigdalawang bote lang. Pumayag naman ako kasi bukod sa maaga pa naman eh bagong sahod kami na sa sobrang taas nga ng sahod ko pwede ko ng mabili ang pundidong ilaw sa basurahan ni Bruce Wayne. Shit. Naglakad kami ng sigurado mga dalawampung hakbang kasi malapit lang naman. Kilala naman yung inuman na iyon, dahil siguro maganda ang pwesto kasi nasa tabi lang ng daan; hindi naman kalakihan pero dinadagsa rin ng mga lasinggong empleyado ng iba ibang kompanya (hindi kami kasama), mga lasinggong tambay, mga lasinggong pulubi na minimum 100 ang hinihingi sa mga nakakasalubong sa daan, mga lasinggong estudyate na bagsak sa algebra at mga uhaw lang sa alak (kaming dalawa). Upo agad kami at nag order ng isang bucket. Nauhaw nga talaga ako noong oras na iyon na parang naging kasing dry ng...hmm..drybox? Ok, tinungga ko agad ang aking iniinum ng mahalata ko na may kausap na si itatago natin sa pangalang Hardware na isang beke sa kabilang table at may tatlo itong kasama. Tiningnan ko kung sino pero wala ako kakilala kaya wala ako pake ipinagpatuloy ko lang ang pagbuhos ng alak sa aking lalamunan. Naisip ko na lang: bweshit na Hardware ito lahat na lang puntahan namin may kakilala sya pwera na lang ng lumipad kami papuntang Jupiter noong nakaraang buwan. May kasama yung beke na isa ring beke, isang parang beke at isang tunay na babae. Kaya naisip ko agad na baka kinakausap nya lang yung isang beke para makilala yung isang babae. Sabi ko nga pogi tong kasama ko..at mas..ako...pogi. Hayan patuloy pa sila sa kwentuhan habang wala akong pakeng tinitinggan kung mayroon rin ba akong kakilala na umiinom rin sa lugar sa mga oras na iyon. Wow, meron akong kakilala ko. Lalapitan ko sana pero nananaginip lang daw ako sabi ng bote na hawak ko. Siguro nakahalata na si Hardware na parang naiitsapwera na ako sa tabi (na sanay naman ako) kaya pinakilala nya ako sa kausap nya. Kumaway lang ako na ala Pia Wurtzbach para makarelate sya at sinabi nya pangalan nya pero lumabas rin agad sa kabilang tenga ko. Nagkwento si Hardware na tipong Charo Santos sa harap ko na nagkakilala sila dahil naging kustomer nya raw ng isa atang beses blah blah. Ah, so close na kayo agad. Ok. Kaya sa mga oras na iyon eh ginamit ko na ang psycho power ko: ang mambasa ng tao. Sabi ng beke eh lumipat na lang daw kami sa table nila. Sa mga oras na iyon eh nababasa ko sa mga mukha ng ilang kasama nya na medyo alangan sila na may makakasama sila sa table na hindi naman nila kakilala. Kahit ako ayaw ko lumipat sa table nila; bakit ako lilipat wala ako ni isa kakilala sa kanila pwera na lang sa kasama ko na kakilala nya ang isa. Buti sana kung lahat sila nagsabi na magjam kami eh yung isa o dalawa sa kanila parang blanko ang tingin eh. Ayon lumipat agad si mokong sa kabilang table kasama ang isang kakilala nya ng konti at mga kasama nya. Tangena kami ang magkajam tas lumipat agad ng bakod sabay yaya sa akin na jam na lang kami sa kanila. Anak ng...
Hindi ko sinasabi na bawal makipagkilala pero magaling ako magbasa ng tao. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sa aking si Nick Fury.
Wala, eh iniwan na ako sa table kaya napilitan na lang akong lumipat kajam sila. Patuloy pa rin ako sa pag inum. Lumipat si Hardware at tumabi sa isa nilang kasama habang ako katabi yung nakilala nya na super ka close nya. Tanungan kami kung ano trabaho; tinanong nya ako isasagot ko sana ex-convict kakalaya pa lang noong isang linggo pero pinigilan ako ng alak na nasa bibig ko at yung ibang walang kwentang usapan na kinalimutan ko rin naman agad ng gabing iyon. Ang naalala ko lang kinuha pa ang number ko. Binigay ko naman. Leche. Habang nangyayari ang kwento-kwentohan namin ng beke eh nahalata ko may nangyayari ng mixed martial arts sa gilid ko ang hanep. Nakikita ko nagsisikuhan na ng mukha si Hardware at yung isang kasama ng beke na parang lalaki na may pagka beke. Noong una akala ko naghaharutan lang sila aba akalain mo nagtutulakan na yung dalawa. Anak ng...sinasabi ko na nga ba may mangyayaring civil war dito. Tumayo si Hardware at parang babanatan si mukha si lalaki pero agad itong tumayo, pero dahil siguro nakainum na rin si lalaki na parang beke eh natumba ito at napaupo ng malakas sa sahig. Aww, r.i.p pwet. Sa mga oras na iyon aawat na ako pero hindi ko alam kung bakit magsusuntukan ang dalawa. Sikat na kami sa mga oras na iyon kasi gumawa kami ng eksena; lahat ng nag iinuman ay nakatingin na sa amin, pati mga bantay at bouncers sa may pasukan. Naimagine ko pa naman ang sarili ko na lumilipad sa ere kasi tinapon ng bouncer palabas at sasalpok ang muka ko sa basurahan. Akalain mo yun napatingin lang ako sa malayo nawala agad yung lalaki na makakasuntukan ni Hardware sa may sahig. Asan sya nagpunta? Nag evaporate ba sya? Gumulong pauwi sa bahay nya? Ewan, biglang nawala tatawagan ko na sana ang malapit na police station para humingi ng tulong. Noong mga oras na iyon naisip ko na baka maghahanap yun ng mga katropa nya para rumisbak sa aming dalawa. Ikaw ba naman tatayo ka sana para sumugod pero bigla ka lang matutumba at mauuntog ng malakas ang pwet sa sahig kung hindi ka reresbak.haha. Sige lasing na ako magrecruit ka na ng mga kasama mo, ready na ako sa susunod na pangyayari (ito ang sabi ng bote na hawak ko) Tinanong ko ang mokong kung ano ang nangyari. Maluha-luha nyang sinabi sa akin na kasi nga daw ininsulto raw kami; sabi raw noong lalaki na kasamahan ng beke na kaya raw kami nakikipag jam sa kanila eh para raw makalibre kami ng inumin. Noong mga oras na iyon gusto ko rin masuntok yung lalaki na iyon pero naisip ko naman na gusto ko rin patumbahin ang kasama kong ito kasi feeling close sya masyado. Nakakainsulto nga naman na sabihan kami na makikijam sa kanila para makalibre kami ng alak kaya yung beke na at yung dalawa pa nyang kasama ang humingi sa amin ng tawad. Isip-isip ko naman eh wag kasi feeling close kasi may mali nga naman sa ginawa naming pagjam sa grupo nila na halos hindi naman talaga namin kakilala.
Naisip ko sana na kung una pa lang sana iyon na ang naiisip ng lalaki na yun sa amin eh di sana inihampas ko sana ang sampung pesong barya sa mukha nya para malaman nya na may pera naman ako sa aking....hmm..yeah bulsa.
Lumabas agad kami at hinanap yung lalaki pero nawala agad sya. May pagka-The Flash pala yun sa bilis ng pagkawala nya sa eksena. Tumagal pa kami sa labas pero wala nang resbak na nagpakita kaya rumisbak na lang kami sa malapit na McDo para magkape. Nagtext pa sa akin yung beke na humihingi ng sorry sa ginawa ng kasama nya at nagreply naman ako agad sa pamamagitan ng mabilis na pagdelete ng text nya sa inbox.
Siguro kung tinanong pa ako ni Hardware ulit kung saan kami sunod na pupunta eh malamang sasabihin ko na mauna na syang bumyahe pabalik ng Maynila.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM