ANG PROTEKSYON SA PROTEKTADO NA PINUPROTEKTAHAN SA PROTECTED SITE
Medyo
late ko na rin ito nalagay dito sa blog. Ok lang 'di naman ito tulad
sa college na pag nali-late posibleng ma-AF. Pasensya na rin sa
mahabang title na nakakaantok basahin.
Dalawang
buwan mula ng pakawalan ang Philippine Eagle na pinangalanang
“Pamana” sa isang protected area sa may Davao Oriental, natagpuan
itong patay at may tama ng bala na mula umano sa airgun. Natagpuan
ito ng PEF (Philippine Eagle Foundation) isang kilometro mula sa
lugar kung saan ito mismo ito pinakawalan.
Hulyo
2014 ng ideklara ang Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao
Oriental na World Heritage Site ng UNESCO.
What
the....So sinasabi nyo na yung Mount Hamiguitan ay isang protected
site? Eh bakit iyong mismong bagay na pinoprotektahan eh hindi naman
nagawang protektahan? Anong klaseng proteksyon ba ang meron dun?
Sigurado ba kayo na pinoprotektahan nyo talaga ang lugar o petiks
lang kayo? O baka wala naman talagang bantay? Sino ang (mga) bantay?
Bravo. Bravo.
Ang
iniexpect ko may mga laser sa lahat ng paligid. May mga cyborg na
nakabantay at nagtatago sa kalibliban. May mga aircraft na
palibot-libot sa taas. Ang sinumang walang awtoridad na pumasok sa
lugar eh hahabulin ng mga asong robot at lalapain. May mga CCTV sa
buong paligid na may 100 megapixel na camera para kita pati kuto ng
papasok sa protected site. At...ok enough. Ganito siguro ang
depenisyon ko ng protektado (yan kung nabubuhay ako sa mundo parehas
ng nasa Star Wars o Star Trek o Star Wax). Pero seryoso, nabubuhay
tayo sa mundo na balot ng mga tarantado.
Parang
ganito lang yan. Magkwekwento ng maikling kwento si tatang Alvino:
Isang araw busog na si Pablo kakakain ng tinapay kaya nagpasya sya na
ilagay muna sa ref ang kanyang kinakain. Alam mo safe naman sa ref
lalo na kapag wala naman ibang tao sa bahay. Hindi naman kayang
magbukas ng pusa o aso sa ref pwera na lang kung ang pangalan nito
Scooby doo o Doraemon. Pag uwi nya ng bahay may party party sa loob.
Maraming tao na karamihan hindi mo naman kilala. Gutom sya at
natandaan nya na may nilagay syang tinapay sa loog ng refregerator.
Hayon nakita nya na kinakain ng lalaki na pinaglihi sa bilbil. Wala
na yung tinapay sa ref. Ang hindi maka gets sa kwento baog. Pag
babae...ahmm...
Tatlo
lang naman ang rason kung bakit mo babarilin ang tulad ng ganitong
agila: Una, libangan mo ang mamaril ng mga lumilipad na gumagalaw na
target. Wala ka naman ibang rason, trip mo lang at masaya ka kapag
sapol ang target. Buti kung aswang na lang ang binabaril nyo baka
maging cool pa o magbarilan na lang kayo ng kasama mo para mas
maganda. Pangalawa, pagkain. Mambabaril ako ng lumilipad para may
makain. Para sa ilan na hindi naniniwala na umuulan ng spaghetti at
meatballs galing sa langit (ako naniniwala dahil sa napanood kong
pelikula) eh bakit pa maghihintay na may mahulog galing sa langit;
pwede naman barilin na lang para mahulog. Marami nga naman ang mga
naninirahan sa kagubatan at karamihan sa kanila nanghuhuli yan ng mga
ligaw na hayop/ibon para makain. Pero dahil nga nakuha naman 'yung
katawan ng patay na ibon eh pwede nating sabihin na maaaring hindi
ito yung namamaril ng ibon para lutuin o kainin. Posibleng yang una
kong nabanggit ang klase ng salarin. O baka naman hindi lang nakita
ng bumaril ang ibon na sigurado ng tamaan ng bala eh nahulog na kung
saang kakahuyan na napadpad. Ewan. Pangatlo, tanga ka lang. Oo,
babarilin mo ang ganitong klase ng ibon na paubos na nga ang lahi.
Hindi mo alam ang ibig sabihin ng “endangered species”? Darating
ang panahon na wala na tayong tatawagin na Philippine Eagle. Darating
ang panahon na sa mga textbook, libro o internet mo na lang ito
makikita. Darating ang panahon na hindi na ito makikita ng mga bagong
henerasyon. Congrats pare ah, gumawa ka ng sarili mong kasaysayan.
Nilabag
ng suspek ang Wildlife Act of 2002, at sa magpasahanggang ngayon ay
hindi pa rin ata natutukoy kong sino ito. Ipagpatuloy nyo lang mga
pare ang imbestigasyon; naghihintay pa naman ang malamig sa selda sa
kanya.
Source:
Defensor
Santiago, Miriam, Probe Pamana Killing (August-20-2015)
Viray,
Patricia Lourdes, Philippine Eagle “Pamana” shot
dead..(Philippine Star, August-19-2015)
ABS-CBN
News
0 comments:
Post a Comment