12/7/15

PABABA NG MGA KAMAY, MAY KINUHANG OFFICIAL PHOTOG/VIDEOGRAPHER

Note: Rant.
Wala ng mas nakakainis pa sa eksena kung saan yung kinuhang official photograher o videographer sa isang event eh yun pa ang hindi makatrabaho ng maayos dahil natatakpan ng mga ulo o kamay ng mga guest o nanunuod. Sa panahon ngayon na masyado ng techie ang mga tao at puro iphone at android phones ang mga nasa kamay eh lahat na magaling mag shoot. Wala pa akong napuntahan na event na walang nagshoot gamit ang cellphone o ipad; walang masama sa ganito at kahit ako gumagamit rin pero ibang usapan na kapag nakakaabala at nakakasira na sa daloy ng pagtitipon.
Noong nagtatrabaho pa ako sa isang studio, kapag may mga events o kadalasan wedding eh ako ang videographer o kaya naman photographer. Mahigit dalawang taon ko na ring trabaho ang ganito (at tatlo na pala dahil sa sunod kong trabaho). Pero para saan pa ang mga dala namin na mamahaling kagamitan kapag naharangan na kami ng ilan sa mga "shooter" na tinutukoy ko nga kanina. Pipiktyuran ko ang mukha ng mga ikakasal pero 'yung kalbo sa harap ko ang lumabas sa camera; pipiktyuran ko 'yung groom pero logo ng apple ang lumabas. Di'ba nakakainis? Hindi ako si daddy long legs at hindi rin ako kasingtaas ni hulk kaya mahirap. Kinuha kayo ng tao na yan para maidokumento ang mga masasaya at magandang pangyayari; ineexpect nyan na maganda ang mga shots pati ang mga video kasi kilala naman kayong kumpanya at may pangalan na kayo pero magiging mahirap yan kapag marami ang sumisingit. Binayaran nyo kami ng mahal. Kaya responsibilidad namin na maganda ang kalalabasan. Bago magsimula dapat alam ko na kung saan ako pwepwesto para hindi ako maharangan ng mga tao.
Trabaho ko ang mag shoot at kasama na rin sa trabaho ko ang maging bouncer. Hindi yung tipo na nambabalibag ng tao palabas ng pinto dahil bukod sa payat lang naman ako at baka ako pa ang ibalibag pauwi ng aming bahay, kundi yung tipo na nagsasabi ng gumilid muna kasi may daraan o may importante ng pangyayari na dapat makunan. At karamihan pa rito eh makukulit; lahat pa nakataas ang mga kamay at puro iphone, ipad, samsung lahat ng brand na nakikita ko sa sm ang hawak. At please lang, kung iuupload nyo naman sa facebook o tumblr eh siguraduhin nyo naman na maganda naman ang shot at hindi blur. Wala ring papansin dyan kung sakali. Seryoso magshoshoot kayo sa madilim na madilim na simbahan gamit ang inyong smartphones? Sabihin ko crap ang mga shots na yan at wala kang mapapala. Kung dslr nga paminsan-minsan nahihirapan sa dilim ang smartphones pa kaya. Inimbitahan kayo para makibahagi sa kasiyahan ng dalawang taong nagmamahalan (kasal syempre), hindi para kunan sila ng pictures na kadalasan hindi naman nila papansinin. Minsan shinoot ko ang buong batch ng Ateneo Highschool ng sama-sama at sabihin ko sainyo lahat ng mga magulang at lahat ng mga kapamilya ng mga gagradweyt ay nagkumpulan sa harap na parang inaabangan ang pagbaba ni Tom Cruise sa sasakyan. S*** para akong nasa evacuation center habang bumabagyo at kahit anong sabi ng isang faculty staff na tumabi muna kasi may official na magpipicture eh walang nakikinig. Kumuha ako ng isang upuan at doon ako tumayo; hindi rin nakatulong kahit wide lens pa gamit ko. Ang gulo at siksikan.
Beautiful!!
What the F...!
Minsan pa nag shoot ako sa isang event sa isang kilalang Catholic school. Hindi ito kasal. Ang instruction sa akin eh picturan ko lahat ng estudyante sa stage kasi bibigyan sila isa-isa ng award. Sisiw na sisiw na sa akin ang ganitong trabaho sa dami ba naman ng nakuhanan ko sa iba-ibang paaralan at unibersidad dito sa probinsya. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagpipiktyur ng mahalata ko ang isang lalaki na may dala ring dslr at tinatawag ang mga studyante sa taas ng stage para picturan nya. Ito yung tipo na binibenta ang mga picture na kinunan nya sa kanikanilang mga magulang pakatapos ng event. Ano ang nakakainis sa ganitong pangyayari? Imbes na tumingin sa akin ang mga estudyante dahil ako ang inatasan ng paaralan, eh sa kanya tumitingin ang mga nasa taas ng intablado at humaharap pa sa kanya sa gilid kasi nga tinatawag nya. Sino ang mapapagalitan kapag may nagreklamong magulang kung bakit nakatagilid ang anak nya at hindi nakatingin sa litrato? Ako at ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Respeto naman 'tol. Nag-init talaga ang ulo ko doon sa lalaki; tinitigan ko sya ng matalim at may lumabas na mura sa bibig ko na halatang naintindihan naman nya kaya biglang gumilid at hindi na nakaporma. Walang masama sa ganun, pero sabi ko nga respeto naman.
Papalapit na ang bride sa groom. Umiiyak na ang bride sa sobrang saya. Hindi makita ng groom ang bride na naglalakad kasi natatakpan ng mga panauhin at ang mga kamay nila na lahat may hawak na ipad (sorry ulit apple). Sumakit leeg ng groom, at sumakit din ulo ng official photogs kasi puro mukha ng mga guests ang nakunan. Shit. Bye bye byutiful moments. Hindi na ulit yan mangyayari. Kawawa naman ang kinasal kapag nakuha na nila wedding albums at kawawa ang mga photogs kasi masasabon sila. See? Ganyan ang kadalasang nangyayari. True Story.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM