PAGBABALIK TANAW SA MAGUINDANAO MASSACRE
Anim na taon na pala: Asan na ang hustisya para sa mga biktima?
Anim na taon na ang nakararaan matapos ang isa sa pinakamadugo at
karumaldumal na pangayayari na kaugnay ng eleksyon pero wala pa ring
naisasampang kaso sa mga suspek lalong-lalo na sa pamilya ni Ampatuan
Sr. Si Esmael Mangudadatu, vice mayor ng bayan ng Buluan, ay tatakbo
bilang gobernador; makakalaban nya sa pwesto si Andal Ampatuan Jr.,
anak ng dating gobernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan Sr. Ang
Ampatuan clan ang isa sa pinakamakapangyarihang political family sa
buong rehiyon. Clan wars ito na tinatawag. Sinasabi na matagal na ang
alitan ng dalawang angkan at magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin
ang banggaan.
Sabi ni Aquino ng mahalal syang pangulo noong 2010 eh papanagutin nya
ang lahat ng may kasalanan bago sya bumaba sa pwesto. Ano na po?
Amnesia?
November 23, 2009.
Nabalot ng takot at paghihinagpis ang buong bansa sa balita na
mahigit limampu't walong mga inosenteng biktima ang walang awang
pinatay sa isang bayan sa probinsya ng Maguindanao. Bago pa man
makaabot ang convoy ni Vice Mayor Esmael Mangudadatu sa opisina ng
COMELEC sa Shariff Aguak para mag-file ng COC ay naharangan sila ng
mahigit isang daang armadong kalalakihan. Kasama niya kanyang asawa
na si Genalyn at ang kanyang dalawang kapatid, kamag-anak, abugado at
mahigit tatlumpu't pitong mga mamamahayag na inimbitahan ni
Mangundadatu para sana mag-cover sa kanyang pag-file ng certificate
of candidacy sa Comelec. Walang awang silang pinagpapatay ng mga
armadong kalalakihan, at ang nakakapangilabot pa ay ilan sa kanila
ang pinugutan pa ng ulo, binaril sa maseselang parte ng katawan at
ginahasa bago pinatay. Inihagis ang mga biktima, kasama pati ang
kanilang mga sasakyan, sa isang malaking hukay pakatapos ay tatabunan
yun nga lang hindi nila natapos ang kanilang trabaho dahil may
namataan silang umaali-aligid na helicopter ng militar. Mga tauhan ni
Governor Andal Ampatuan Sr. ang mga armadong kalalakihan (na
karamihan pala dito pulis) at ang excavator na nakita sa
pinangyarihan ng krimen ay may nakatatak pa na pangalan nya at
pag-aari ng provincial government. Si Ampatuan Sr. daw ang mastermind
at si Jr. naman ang namuno sa pag-atake. Sa mga bikitima, tatlumpu't
apat ang nakumpirmang mamamahayag; isa na ito sa pinakamadugong
insidente sa kasaysayan ng mga mamamahayag dito sa Pilipinas.
www.pinoyweekly.org |
Dahil sa pangyayari ay ideniklara ng dating Pangulong Arroyo ang
probinsya na ipasailalim sa martial law. Dahil dito ay nagpasya ang
awtoridad na sugurin at halughugin ang mga warehouse na pag-aari ng
mga Ampatuan at nakumpiska ang matataas na kalibre ng baril at mga
sasakyan. December 13 ng ipawalang bisa ang martial law sa
Maguindanao. At sya nga pala, namatay na 'yung Ampatuan Sr.
Sabi ng dating Senador na si Joker Arroyo ay baka abutin ng mahigit
isang daang taon ang paglilitis sa kaso bago mapanagot ang mga
maysala dahil sa dami ng mga suspek at pati witnesses. Baka po
nagju-joke ka lang. Ganyan katagal? Dahil ito sa lawak ng kaso;
mahigit 194 ang inaakusahan sa krimen at isa-isa sa kanila ang
kailangang maimbestigahan. 35 ang abugado ng mga biktima at 54 naman
ang sa depensa at inabot ng 101 ang witnesses. Hindi malayong
mangyaring makalimutan na ang kaso na ito. Hindi malayong walang
mapanagot sa mga kriminal na walang awang kumitil ng buhay ng mga
inosenteng mamamayan. Hindi malayong maihip na naman ng hangin ang
pag-asa na makamtan ang katarungan.
Hay naku, kaawaan tayo.
____________________________________
"Maguindanao Massacre", Wikipedia
"Revisiting the Maguindanao Massacre: Half a decade later.", The Paladium
"6 years later, still no justice..", Philippine Star, Janvic Mateo
"Revisiting the Maguindanao Massacre: Half a decade later.", The Paladium
"6 years later, still no justice..", Philippine Star, Janvic Mateo
0 comments:
Post a Comment