LAGLAG BALA INTERNATIONAL AIRPORT
Noong una, hindi ko alam kung ano
nga ba talaga itong laglag bala/ tanim bala na isyu na ito. Siguro dahil
masyado ako nawiwili sa kalalaro ko ng Oblivion at football o dahil wala rin
akong pake sa balita na may kinalaman sa gobyerno at sa ating
malamig-ang-pasko-as-usual na presidente ng ating Pilipinas. Ano nga ba ito at
sikat na sikat sa radyo at telebisyon? Mas sikat pa ata ito sa Calvin Klein ads
ni Bieber na inulan ng photoshop. Ewan. Akala ko yung tipikal na gawain ng mga
sira ulo na maghuhulog ng bala sa biktima tapos pag pinulot niya eh dudukutan
sya. Maling mali naman ang nasa isip ko, na kapag nakakagalaw siguro ang telebisyon eh matagal
na akong sinapak sa mukha. Basta ang alam ko magtanim tayo ng puno para makatulong
maiwasan ang pagbaha at landslide. At saka panty lang naman ang nalalaglag.
Ang isyu rito ay ang
paglalagay/pagtatanim daw ng bala ng ilang mga airport officials sa bagahe ng
mga byahero. Bakit sila naglalagay ng bala? Para makakamkam sila ng pera sa mga
inosente nating kababayan at pati dayuhan. Pambihira, mas corrupt pa sila kaysa
sa hard disk ng pc ko. Bawal naman kasi ang pagdadala ng bala sa ganitong
lugar; kaya kapag nahulihan ka eh lagot ka sa awtoridad at para 'di masira ang
araw/buhay mo ay may mag-ooffer sa'yo na magbayad na lang. Kesa sa makulong ka
mapipilitan ka na lang magbayad. Alam mo kung ako siguro ang lalagyan ng mga
sira ulo na ito eh sisipain ko sila sa bayag, o kaya ibabala ko yung bala sa
tunay na baril at ipuputok ko sa mga corrupted nilang ulo. Joke lang itong
pangalawa pero nakakapang-init kaya iyan ng ulo. Isipin nyo pagkakaperahan ka
pa ng mga taong ito tapos kapag hindi ka magbibigay masisira pa pangalan mo tas
posible ka pang makulong. Hindi ko sinasabi na mga opisyal nga talaga ang
gumagawa nito pero kahit saang anggulo mo tingnan eh sila talaga ang lalabas na
may pakana. Sino ba ang andun sa may xray/metal detector area? Saan ba dumadaan
ang mga bagahe?
Walang sinasanto ang mga taong
ito, pati matanda. Kamakailan nga may
matandang balikbayan at isang
foreigner ang nahulihan ng bala sa kanilang bagahe. Bakit naman sila magdadala
ng bala? Hindi naman sila tanga para ipakulong ang sarili nila diba. Yung isa
pa naman eh isang Amerikano na anak ata iyon ng isang misyonero. Nakakahiya
ta'yo sa totoo lang. Siguro kung ako mahuhulihan ako ng bala kapag galing ako
sa gira na basta na lang ako napadpad sa paliparan o kapag ang pangalan ko
Rambo. May mga nagsasabi rin pala na ginagawang anting-anting raw ang bala kaya
dinadala ng ilan. Kapag ganito ba na sikat na ang ganitong balita magdadala ka
pa ba ng bala para sa anting-anting? Hindi ka nito masasalba sa kulungan at
huhuthutan ka lang ng pera ng mga buwaya sa kagubatan.
Nakakaproud maging pinoy kapag
ganito, 'tol.
http://manila.coconuts.co/2015/10/31/palace-downplays-tanim-bala-modus-iilan-ilan-lang-naman |
Sabi ng ating presidente eh konti
lang ang naman ang ganitong mga insidente. Sige sabihin na natin na konti lang,
pero huwag mo naman sana pagtakpan ang kriminal na aktibidad na ito. Para
kasing sinasabi na dahil konti lang daw ang nabiktima eh huwag na tayo
mag-alala; eh paano naman ang mga nabiktima? Hindi mo papanagutin yung mga may
sala ganun dahil konti lang naman daw yung mga insidente? Leche flan. Para sa
ilan na nagsasabi na gawa-gawa lang daw ito ng iilan para sirain ang pangalan
ng pangulo at ng Administrasyon niya (Who you, Cynthia Patag?) ay isang
malaking bullsh#t. . Sabihin nyo yan direkta sa mga nabiktima at hindi sa
social media kasi hindi lang ito ang isyu na nagdulot ng kahihiyaan sa
gobyerno. Saka sa presidente natin huwag mo naman sisihin ulit ang media dahil
pinapalaki lang daw masyado ang isyu kaya ayusin nyo po trabaho nyo para walang
umangal. Magbunyi ang mga sindikato sa likod nito; wala atang makukulong. Kapag ganito na malaya ang mga
buwaya eh patuloy ang pambibiktima, patuloy na magiging katatawanan tayo sa
mundo, patuloy ang pagbaba ng tiwala ng mga turista na balak sanang pumunta sa
bansa at patuloy na malilimutan nating lahat na may slogan pala tayong “More
Fun in the PHL.” dati.
nadudungisan ang pangalan ng
administrasyon. Wala namang mag-iingay kapag wala namang isyung dapat
ipag-ingay. Siya nga pala, matagal na raw ang raket na ito; 20 years na raw
nangyayari pero ngayon lang nasiwalat ng matindi. Huwag naman sana
magbulag-bulagan pa; ipakulong ang mga tiwaling opisyal, yan kung magaling
talaga kayong leader na kayang ipakulong ang mapapatunayang nagkasala kahit pa
kamag-anak pa ito kaibigan o kakilala. Kayong mga nasa pwesto eh
Kung pwede ko lang makuha ang
napakagandang ispada na gamit ng character ko dito sa role playing game na
nilalaro ko eh baka may mga nahampas na ako sa ulo. Humanda kayo sa akin mga
buwaya, gamit ang aking ispadang may mahika at ako na nasa Level 5 na ay
paghahati-hatiin ko kayo sa malilit na piraso. At sya nga pala muntik ko na
makalimutan...
Welcome Sir/Ma'am sa Laglag Bala
International Airport!! Enjoy your...ahmm..stay.
0 comments:
Post a Comment