GAMESHOW BEFORE & AFTER
Masayang-masaya ako para sa mga nananalo ng milyon-milyong papremyo o kahit hindi milyon na napapanalunan sa mga sikat na show o gameshow sa telebisyon. Alam mo yun na gaganda ang buhay nila--- may pera na sya para maipatayo ang matagal na nyang pangarap na negosyo o maipapaaral na nya ang kanyang mga anak o kung sino man at marami pang ibang posibleng mangyari. Napakaganda naman isipin na nakakatulong sa mga ordinaryong tao ang mga programa sa telebisyon lalo pa't tinatangkilik naman ito ng mga nanunuod mapa-live man o sa telebisyon.
Pero ito ang opinyon ko noon. Eh ngayon karamihan naman sa mga gameshow ang mga manlalaro hindi naman mga ordinaryo o mga giliw na tagasubaybay o tagapanuod ng palabas eh. Mga kilala ng artista o personalidad sa telebisyon o...sige didiretsahin ko na: Mga mapepera na.
Bakit ako matutuwa manuod sa isang gameshow sa telebisyon kung ang mga naglalaro naman eh mga mapepera na. Masasabi naman natin na mapepera na yan kasi sikat na artista na eh; palaging lumalabas ang mukha sa telebisyon o maging sa patalastas o kahit boses sa mga sikat na radio stations. Tapos ipagsisigawan at ipangagalandakan pa na mahigit dalawang milyon pa ang mananaluhan ng manlalaro. Kung sino pang mapera na sya pang kukunin....eh ang dami pa naman iba kunwari tulad ko. Ahm..pwede namang hindi ako kasi imposible naman yan pero ang sabi ko nga eh ang daming tao sa planeta natin ang mas nangangailangan ng premyo na yan. Bakit hindi pa yung mahihirap na lang ang tulungan. Hindi ko sinasabi na umasa na lang ang karamihan sa ganitong mga palaro o tumaya na lang palagi sa lotto baka sakaling yumaman; bigyan naman natin ng tsansa ang iba.
Sabi naman raw kasi mas maganda naman panuorin ang mga artista o sikat na personalidad na maglaro sa mga ganyang palabas. Sino nga ba naman ang manunuod kapag hindi naman kilala ang nasa harap. Naalala ko pa noong manuod ako ng parang concert na marami ang mga sikat na banda ang tumugtog ng mga sikat nilang kanta. Isang banda lang ang inabangan ng mga tao, kaya noong matapos na ito eh nagsisialisan na rin ang mga tao na para bang mga langgam na sumisilong sa dahon kasi umuulan. Kawawa naman yung isang banda na kilala ko naman pero hindi karamihan alam kong sino yun kaya tumutugtog sila wala ng tao. Ahm..yan kasi ngayong panahon natin mas gusto natin na manuod nung mga sikat kahit naman nakakasuka naman. Pano naman yung mga nagsisimula pa lang na hindi nabibigyan ng magandang break? Paano yung mga mas nangangailangan na nababalewala kasi may mas maganda at may mas malufet na gusto ng karamihan? Gets nyo pa ba ako? Heto biogesic oh.
Oh sige kasi ang mapapanaluhan mo eh idodonate mo sa kung saang charity o institusyon o kung saang planeta pa yan pero ang sa akin lang eh bakit hindi yung mga tao na tutulungan nyo sana ang palaruin nyo dyan. Wala naman masama di'ba. Mas sasaya sila kasi sila mismo ang nakaexperience na maglaro. Nakakasawa na ang mukha ng tao na iyan para sya pa ang makikita sa tv. Ganyan ang mga gameshow na alam ko dati noong manipis pa ang buhok ko at palagi akong kulilat sa quiz. Kahit sa ganyang mga palabas eh patunayan nyo ang pinagsasabi nyo na serbisyo sa masang pinoy. Ibalik nyo ang dati at tunay na mga gameshow na kinaaaliwan at inaabangan ng mga manuuod sa buong pilipinas kasi nakakaaliw, nakakatuwa at nakakatulong sa madlang pipol o dabarkards o kung ano man na tawag nyo sa masa. Puro kayo ratings, d**kheads.
Sabi sa patalastas: Congratulations sa bagong winner ng dalawang milyon na si _______, sikat na artista at singer.
Eh ano ngayon? Ang pake ko pa naman ay pabalik pa lang galing sa Singapore kasi nagbakasyon.
0 comments:
Post a Comment