6/14/15

DA HULK



Sa pagkarami-rami na ng mga pamilya na napikyuran ko eh hindi ko na lahat matandaan ang mga mukha nila. Photographer po ako, oo. Matagal ko na pong gawain ito. Pag nakasalubong ko sila eh hindi ko alam kong babati ba ako o magkakamot ng ulo dahil pamilyar lang ang mukha nila pero di ko sure kong kelan at kung sila nga ba talaga o baka kamukha lang nila ang napiktyuran ko. Noong december ba sila o January? Ewan. Pero siguro dala na rin ng edad ko kaya mahina ng magproseso ang aking utak o baka nasobrahan lang ako sa paghanga kay Patrick (the Starfish).

Pero mas matatandaan mo sila kapag may nagawa ka o may ginawa sila na memorable. Dalawa lang iyan: may nagawa ka/sila na maganda at masama. Example, kapag nag bigay sila nag tip sayo dahil walang kasing lufet ang glamour picture ng kostumer o binilihan ka ng merienda dahil ang astig ng family picture nila. Sigurado pag ganito hindi mo makakalimutan ang tao na yan. Kapag naman minura ka o sinigawan ka o pinukpok ka sa ulo dahil hindi nya nagustuhan ang picture pati ang mukha ng photographer eh ibang usapan na yan. Hindi mo siya makakalimutan....murahin. Alam niyo hindi talaga maiiwasan ang ganyang mga kliyente; 'yung tipong puro na lang reklamo kesyo ampangit nya sa picture (what you see is what you get, yow), yung ang mahal mahal naman ng babayaran nila, yung ang init init sa studio basa na tuloy ang kili kili nila, yung iba na naggaganda-gandahan pa at ayaw sumunod sa photographer kasi magugusot ang damit na nabili nya sa ukay-ukay. Etc. Sa totoo lang eh hindi ko maiwasan ang pag init ng aking ulo. Pinipigilan ko na huwag ipahalata pero halata pa rin. Mahina naman kasi akong uri ng artista.

Sa ganitong trabaho na mukha sa mukha akong nakikipag usap sa kustomer, eh di rin talaga maiwasan na hindi magalit. May babaeng lumapit bigla sa aking –- ang kapal ng makeup at ang ikli ng damit, nagtanong kung magkano raw magpapicture so binigyan ko ng listahan ng mga presyo. Aba nagtatalak na ang mahal mahal daw...bakit ba ganyan ang price. Ako naman seryoso lang ang mukha, pero sa loob loob ko naman: kung wala kang pera at hindi mo naman pala kaya eh umalis ka na lang. Wag ka na magdadakdak dyan kasi wala ka naman magagawa dahil yan ang mga presyo. Nagsasalita pa sya eh umalis ako sa harap nya. Kausapin mo sarili mo. Tinawag ako ulit sabi saakin: “Bakit ka alis ng alis kinakausap pa kita ah.” Nakatitig lang ako, hindi ako nagsalita at baka ano pa masabi ko. Professional naman ako kausap pero pag ramdam ko na parang sumusobra na rin eh please lang huwag mo na lang ako kausapin. Maya-maya nag pa picture na lang. Nagustuhan nya mga picture nya kasama anak niya. Tumatawag na rin sa akin ng “sir” pakatapos (hindi ako komportable tawagin ng ganyan).

Siya nga pala may nagsabi na kustomer mismo sa manager ko na may attitude raw ako. Asan daw yung ibang photographer. Excuse me, ako po ang mismong photographer sa studio na ito kaya wala kayong magagawa. Sabi ng manager ko doon eh mabait raw ako at wala namang iba na nagagalit sa akin. Baka raw wala lang ako sa mood. Nasa mood po ako, nawala lang dahil sa kanila na masyadong nagmamadali at nakikisingit na alam naman nila na may pila.

Yan natuloy yung pictorial nila at ako ang nagshoot. Awkward pero kailangan gawin ang trabaho. At alam nyo ba, ang dami ng kinuha at ang dami ng pinaprint nilang picture.



0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM