5/11/15

BAKIT YANG DAMIT NA YAN ANG PALAGI MONG SUOT MARK?

Marami ang nagtataka kung bakit nga ba parang hindi nagpapalit ng damit ang pamusong si Mark Zuckerberg, ang founder ng pinakamalaking (at pinakasikat) na social networking site sa mundo na tinatawag na Facebook. Parang pare-parehas lang ang suot nya; hindi naman daw ito fahion statement at lalong hindi naman ito trip-trip lang para pag usapan sya. May rason naman daw kasi sya.


Ang bawat desisyon na ginagawa (tulad ng kung ano ang kakainin o kung ano ang isusuot mo sa ganitong araw) ay nakakagamit ng enerhiya na dapat sana'y nilalaan na lang sa ibang importanteng bagay tulad ng mga mahihirap na plano para sa ikagaganda ng kanyang social media platform, ika nga ni Mark Z. Gusto nya lang ng konting desisyon sa buhay, maliban sa kung paano nya matutulungan ang kanyang kumunidad.

http://s3.amazonaws.com/digitaltrends-uploads-prod/2015/07/mark-zuckerberg-5-1500x1000.jpg

 Hindi lang si Zuckerberg ang ganito, pati na rin ang dakilang si Steve Jobs na kadalasan ay nakasuot ng kanyang trademark na "turtleneck" at jeans.

Ah ganun pala 'yun. At ako'y natauhan. May point naman sya. Pinag-iisipan ko na rin tuloy ngayon kung itong underwear na suot ko na rin ang....

Nevermind.


0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM