11/13/14

PHILIPS SHL3000BR REBYU

Para ito sa mga budget conscious na gusto makabili ng murang headphones. Ang iniisip kasi ng iba kapag medyo may kababaan daw ang presyo ng isang produkto eh posible mahina rin ang kalidad nito. Yan ang aalamin ko. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..heto na.

ANO ANG NASA KAHON

Sa loob ng manipis na karton ay nakalagay ang isang maliit na manual at ang headset. Oo, yan lang. Pero maganda ang pagkakaayos nito sa loob.


MAGANDA BA?

Sa totoo lang maganda ang desinyo ng headphone na ito, Pogi kumbaga. May tatlo kang pagpipilian na kulay: puti, itim o kaya brown. Ang pinili ko ay ang kulay brown (at may konting itim ito sa side) para maiba naman kasi karamihan sa mga headphones na binili ko dati lahat black. Gawa ito sa plastic pero maganda ang texture nito. Hindi naman ito cheap tingnan. Isa pa sa nagustuhan ko ay magaan ito at komportable itong isuot; nag aadjust ang earshells nito ng 90 degrees.

Nasa loob nito ang 32 mm na speaker driver na nagbibigay ng magandang tunog. Napakalambot din ng cushions nito sa earshells kaya komportable itong isuot.

Minsan nakikinig ako ng paborito kong mga kanta na hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako tinatawag ng katabi ko. Medyo maganda naman ang noise canceling function nito (dahil sa cushions).

1.2 meter ang haba ng kable nito. Gawa ito sa makapal at matibay na rubber kaya magtatagal ito kumpara sa ordinaryong headphones.

www.pixmania.fr

EH ANG TUNOG?

Sinubukan kong patugtugin ang Levels ni Avicii at The Struggle ng bandang Ballyhoo, kanta na parehas matindi ang bass at treble. Unang napansin ko ay maganda nga talaga ang bass nito. Tama lang at hindi sobra. Hindi ito yung tipo na sumasapaw na ang buong bass sa kanta na hindi mo na maririnig ang ibang instrumento. Yun nga lang medyo nahirapan ako pumili ng magandang equalizer sa aking iphone. Kapag yung default naman medyo masakit sa tenga (para sa akin) sa mahabang oras na pakikinig ko sa tugtug. Pinili ko na lang ang acoustic sa settings. Kung pwede lang sana i-adjust pa ang equalizer para mas matimpla ang tunog. Wala rin pala itong control buttons kaya kailangan mong ilabas ang gadget mo kunwari ipi-play ang sunod na kanta. Pero para sa presyo panalo itong headphone na ito.

www.naaptol.com
Thumbs Up

-Disenyo
-Extra Bass Boost
-Malambot na ear cushions
-Lightweight
-Adjustable headband
-komportbale isuot 'dre.
-Hindi mukhang mumurahin

Thumbs Down
-gawa sa plastik
-walang control buttons
-kailangan pa atang iadjust ang equalizer para mas balanse ang tunog




0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM