11/23/14

MAGALING AKONG MANAGER...*

Masinsinan kong inaanalisa ang aking taktika.
Paano nga ba ako aangat sa kompetisyon?
Paano ako mananalo?
Sino ang mga tao na dapat kong kunin para matupad ang aking plano?
Paano ako maggiging sikat na manager?


Wow. Ayos na introduction diba? Makabagbag damdamin at napaka lalim ng mga tanong na para bang kailangan pa ng pala para hukayin sa lupa ang bawat sagot. Pero magaling naman kasi tlaga akong manager. Alam ko masyado akong mayabang ngayon pero magaling nga naman kasi talaga ako. Ilang buwan rin akong nagtiis at nagpakahirap; sumakit ang aking ulo, sumalit ang aking likod at sumakit ang aking pwet kakaupo magdamagan. Magaling ako na manager....


...sa Football Manager. Kala mo kung sa trabaho ano? Handheld Version. Sa PC version, di pa naman masyado. Dalawang beses na rin akong sinesante. F***!

Ito ang laro na dahilan kong bakit maraming mag asawa sa ibang parte ng mundo ang naghiwalay at maghihiwalay. Ang laro na kinaiinisan ng mga asawa/ girlfren ng isang tao na adik na adik sa larong ito. Kung noon sa pc lang; ngayon meron na rin sa iOS at Android.

Bagay na bagay ang 5-inch ko na android phone para sa larong ito. Binibili ko pa lang ang cellphone eh iniisip ko na kong anong football team ba ang ima-manage ko. Pag nasa boarding house ako at malayo sa bahay ay sa cellphone lang ako naglalaro at pag dayoff ko naman na nasa bahay ako ay pc version naman ang pinagkakaabalahan ko.

Napakarami ko ng players ang binili at ipinagbili. Gumagastos ako ng milyon para kunin ang serbisyo ng magagaling na striker, midfielder, defender at goalkeeper sa mundo. Mga apat na players ng Pilipinas na ang naging manlalaro ko sa aking team at ilan sa kanila ang gumaling at meron ding walang naitulong.

Walang araw na hindi ako naglalaro nito. Pagkatapos ng trabaho; habang nagtatrabaho (opps, pag wala naman kustomer syempre) at minsan pagkagising. Hindi ko naman masasabi na adik na ako sa larong ito. At hindi ko rin syempre ipagpapalit ang pinakamamahal ko para sa simulation na ito; kumbaga pampalipas lang ng oras kasi nakakalibang naman talaga kumpara naman sa  pagsinghot ng rugby sa kanto.

Aynako. Ito lang ang laro na hindi ko pagsasawaan kahit kailan. Di'ba ang mga managers inaabot naman ng 50-70 ang edad.

Ow syet.

Alam nyo ang isang bagay na sumira sa maganda ko sanang kinabukasan bilang manager? Na reformat sd card ko sa cellphone. F*******!!!!!!!!!! Ulit ulit na lang pag may time!

Heto ang patunay na magaling akong manager. "Wag na komontra.


























___________________________________________________________________________________
*sa Football Manager Handheld

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM