10/22/14

THE HANGOVER GAMES: PAANO MALALABANAN ANG NAKAKABWISIT NA HANGOVER


Ang saya ng jamming ninyo kagabi. Umuulan ng inumin. Nagkalat na ang mga bote ng beer at gin sa sahig pero ok lang kasi kayang kaya pa naman. Lasing na kung lasing tutal wala naman pasok sa trabaho bukas. Lumitaw na ang araw ng matapos sila ng inuman; pagiwang giwang na silang naglalakad na parang mga zombies; buti na lang hindi nila naranasan na iahon sa malalim at mabahong imburnal sa gilid ng kalsada. Sa wakas nakauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Nakatulog agad ang mga lasing. Pagkagising ay ramdam nila ang pag ikot ng mundo at ang matinding sakit ng ulo. Congrats mga pade, hangover na yan.


Paano ba ito malalabanan?

>Unang una sa lahat--- 'wag ka uminom kapag di mo naman talaga kaya ang tama. Alam ko dumating na sa punto na halos matatanggal na ang iyong lalamunan sa kakasuka dahil sa nasobrahan ka na sa alak o kaya halos napapamura ka na ng p**ang i*a dahil ang sakit ng iyong ulo, pero kadalasan yan talaga ang mangyayari sa'yo kapag uminom ka ng matindi. Huwag ka magreklamo na ang sakit ng ulo mo; uminom ka ng alak eh. Sa presinto ka na magpaliwanag.

>Bago lumaklak ng alak ay siguraduhing may lamang ang tiyan. Kumain ka muna pade kasi nakakatulong ang kinain mo para mahigop ang ilan sa nilagok mong alak. Kumain ng tinapay o kahit anong fatty foods o kahit ano bahala ka na. Basta importante may laman ang tiyan mo.

>'Liban na lang kung nanalo ka sa programa ni Willie Revillame, ' wag ka na magtatalon maggagalaw  magheheadbang sa kasagsagan ng inuman dahil bukod sa nakakairita na ang galaw mo mas naaalog pa ang ulo mo. Relax ka lang dyan. Makinig sa musika ni Josh Groban para hindi mag headbang.

>Uminom ng tubig. Mara-raming tubig. Nakakatulong ito para mabawasan ang tama ng alak sa katawan. Mas maganda raw na sa kada pag inum mo ng alak ay sundan mo rin ng inum ng tubig. Huwag ka na lang sanang tamarin na magpapabalik-balik sa paborito mong ihian na puno ng balete.

>Mas maitim ang alak, mas malakas ang tama. Para lang yan na blackeye; mas maitim ang mata mo mas malakas ang suntok na tinamo mo mula sa kamao ng girlfren mo.

>Lason raw talaga ang alkohol sa katawan. Habang lasing na lasing ka at ika'y tulog ay pinipilit ng katawan mo na ilabas ito sa katawan. Mas maganda raw na uminom ng vitamins o vitamin c bago matulog para makatulong at para mas madaling bumalik ang lakas mo. 

>Kapag mas mataba ka, mas konti ang tsansa na maramdaman mo ang malakas na hagupit na hangover. Kapag payat ka naman daw ay mas mararamdaman mo ang magnitude 8 na lindol sa iyong ulo pagkatapos ng laklakan.

>Huwag na sabayan ng sigarilyo. Nakakadagdag pa sa problema ang nicotine, pare. Ibigay mo na lang yan sa malaking lalaki na nakatambay sa taas ng balete.

>Ayaw mo magkahang over? Huwag ka uminom. Umuwi ka na lang sa bahay mo at tapusin mo ang assignment mo sa basic algebra at baka sakaling makapasa ka na sa pang apat na pagkakataon. Yan ang mas malalang hangover.

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM