SUMMER NA BA PARENG GADGET?
Nagkakaroon naman ng oras na hindi ako tinatamad maglaba. Oo, minsan lang yan mangyari. Pero ng isang araw na maglaba ako ng marurumi kong damit ay tinamaan na naman ako ng katangahan. Normal na sa akin ang ganitong pangyayari; minsan kamalasan ang tumatama sa akin minsan naman epic na katangahan. Sana kidlat naman sa sunod.
Sa init ba naman ng panahon, sino
nga ba naman sa atin ang ayaw maligo maliban sa pusa? Ako maliligo lang ako
kapag mas lumapit pa si Haring araw sa ating planeta. Lol. Maglalaba muna ako
bago maligo kaya naisipan ko na ilagay na mga damit sa aking maliit na balde.
Agad kong itong pinuno ng tubig at nagsimula na akong maglaba. Nasa kalagitnaan
ako ng aking pagkukusot ng may makita na akong lumulubog at lumulutang na bagay
sa balde ko na puno na ng tubig.
Ang cellphone ko. F***!
Bakit sumama ka sa mga labahan
ko? Bakit hindi ka man lang sumigaw na nalulunod ka na? Summer na ba kaya babad
na babad ka sa tubig? Nangangarap ka bang maging submarine balang araw? Gawd.
Para lang tae yung cellphone ko
na palutang lutang sa balde. Kung tae yun malamang hindi ko dadamputin pero
cellphone ko yun eh. Agad ko syang sinagip sa pagkakalunod. Wala, nalunod na.
Ang aral na mapupulot nyo sa
kwentong ito: Huwag itabi ang cellphone sa mga lalabahang mga damit.
MGA NARARAPAT NA GAWIN KAPAG
NABASA ANG CELLPHONE (O GADGETS) AT MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI ITO MANGYARI
(*gasp*)
- Mas matagal na nakalublob ang gadget sa tubig, mas maliit ang tsansa na ito'y maisasalba pa. Kumilos ng mabilis ala Flash at iahon ang nahulog (o inihulog) na gadget sa tubig. Please huwag na umiyak para 'wag ka pumangit. Syempre kung waterproof naman yan bakit ka naman mag papanic. Maliban na lang kung hindi ka mahilig magbasa ng manual.
- I-off agad ang gadget. Huwag mo ng titigan ng titigan habang unti-unting namamatay ang nasa display (ng cellphone mo). Kung ito'y naka off na dahil sa pagkakababad sa tubig ay huwag mo ng e-on pa. Mag sho-short yan na parang katulad ng height mo.
- Kung nababad ito sa tubig alat (o tubig dagat na lang siguro), tanggalin ang sim o baterya at ibabad muna ito sa tubig-poso (o tubig sa balon para mas maangas) para matanggal ang mga asin na nakapasok sa cellphone.
- Tanggalin ang baterya pati ang sim card at patuyuin. O pwede rin daw ibabad sa tuyong bigas dahil inaabsorb daw nito ang tubig na nakapasok sa iyong gadget. Tanggalin lang pakatapos at baka maisaing at mapasama sa ulam nyong pritong talong.
- Balutin ng plastik ang gadgets kapag magbabangka o sasakay sa ano mang sasakyang pangdagat. Hindi naman ata lulubog sinasakyan mo pero malay natin, di'ba Titanic? Unsinkable my a**.
- Bumili ng “proof case” para sa iyong gadgets.
- Kung ginawa mo na talaga lahat pero wala na atang pag asa ay dalhin mo na sa awtorisadong service center o ipaayos mo na sa kung sinong magaling mag ayos ng ganyan sa lugar nyo.
- Huwag na umiyak. Iphone 6 lang naman yan.
0 comments:
Post a Comment