SALAMAT GLENDA. LOWBAT NA KAMI LAHAT.
"Tingnan mo ang langit. Tingnan mo ang paligid natin. Napakatahimik. Nangyari na ito dati pa. Ang tahitahimik rin pero di natin inasahan na hahampasin tayo ng napakalakas na hangin at walang kapagurang pagbuhos ng ulan. Delikado na naman ito."
Ito ang sabi ko sa katabi ko sa loob ng tricycle habang binabagtas namin ang malubak lubak na daan. Balita na sa radyo na signal number 3 na daw ang cam sur. Signal number 3? Aynakupo. Hindi na ako magtataka kasi ito talagang lugar namin ay daanan talaga ng bagyo. Dito kadalasan sila nagjojoyride. Dito nila trip magliwaliw. Di ko alam na trip na trip pala talaga ng bagyo ang mga bicolano at lalo na ang mga bicolana. Hoy kung tao kang bagyo ka masyado kang pervert. Mahilig kang manilip sa loob ng mga bahay namin kasi tinutuklap mo ang aming mga bubong. Nevermind.
Ok. So balik ako sa amin. Umuwi muna ako sa amin kasi ayaw kong makulong sa naga. Ewan ko ba kung bakit. Pangalawang rason ay dahil alam kong nasa malaking panganib na naman ang aming bahay at alam ko na pwede itong liparin ng hangin papuntang taiwan. Alam ko na marami na naman kaming mga gamit na kailangang iligpit; mga gamit na kailangang itaas; mga gamit na kailangang balutin na pagmamahal, este ng plastik o karton para di mabasa ng ulan. Kakapagod na naman ito. Hindi naman kami tulad ng iba na pahiga higa na lang o pachilax chillax na lang kapag may parating na bagyo. Kayo na ang may magandang bahay. Kami lumang luma na, pero may pinapatayo naman na bago na sana wag naman wasakin ni glenda. Haynaku glenda. Kung asawa lang kita ay baka maisip ko na paalisin ka na sa aking bahay para hindi ka na makapanira pa ng bahay at ng buhay. Drama. Hindi bagay sa akin. Ok balik tayo sa aking kwento. Signal number 3 nga kami pero wala man lang ulan o hangin pa nung mga umagang yun. Ganitong ganito rin yung nangyari noon ng bisitahin kami ng isa ring malakas na bagyo na nakalimutan ko na ang pangalan. Ok wala pang malakas na ulan at hingin pero maya maya ay pinapanuod na lang namin na tuklapin ng hangin ang aming dati ng sirang bubong. Nakakabwisit.
At ngayon nga ay handa na ako sa mangyayari. Alam ko na mababasa ako nito ng matindi. Ok lang para sa tulad ko na tinatamad maligo kapag may balita ng paparating na bagyo.
Hapon na ng magsimulang umihip ang napakalakas na hangin. Kahit nga sariling utot ko ay hindi ko na marinig dahil sa napakalakas na pagsipol sa labas na dulot ng hangin na humahampas sa mga puno at sa aming mga bahay.
Langya. Dinalaw na kami ni Glenda.
At sa mga oras na ito ay malamang wala na nga kaming kuryente. At alam namin na baka abutin na naman ng isa o lampas ng isang buwan para maibalik na naman ang kuryente. Paano na ang aming mga cellphone? Paano na ang mga kabataang di na makakapanood ng PBB. Gawd. Paano na ang mga football players ko sa aking Numancia team sa football manager 2012? Paano na ang koleksyon ko ng mga libro at magasin kapag nabasa? Paano na ang....ok na yan.
Umaalog na ang aming bahay na para bang lumilindol. Ako naman ay para tanga lang na nakatitig sa bubong habang nakikinig ng balita sa radyo gamit ang aking cellphone. Ok wala pa naman natutuklap na bubong. Wala pa naman nawawasak na parte ng aming bahay. Pero baka maya maya ay bumigay na ito at tangayin ng hangin papunta ng ibang bansa at maging ofw. Sa mga oras na ito ay nagdadasal na rin ako. Kahit medyo basa ang sahig ay pinilit ko ng matulog. Inaantok na ako at kung ano man ang posibleng mangyari ay malalaman at makikita ko na lang yun bukas. Nakatulog ako na hinahampas pa kami ng napakalakas na hangin at nasa mata pa kami ng bagyo.

Nagising ako na napakatahimik na. Wala na ang bagyo. Nagsawa na sa pamamasyal at nagpasya ng umuwi. Paglabas ko ay bumungad agad sa akin ang napakagandang tanawin na minsan sa isang taon lang namin makita; nagtumbahan na mg puno, wasak wasak na mga gamit sa paligid na parang sinalakay kami ni godzilla at ang baha na palaging nangyayari kahit na nga mahina lang ang ulan. Hindi na ako bata na noon ay tuwang tuwa kapag ganito kasi maliligo kami sa ulan o gagawa ng balsa gamit ang puno ng saging at maghapon na magpapalutang lutang sa baha. Hindi na ganon. Nakakabwisit kong iisipin na sa isang araw na pagdaan ng bagyo ay iiwan ang lugar na wasak. Yung maliit na tindahan namin sa gilid ng aming bahay ay pinataob ng bagyo. At isa pa ay dalawang araw akong hindi nakapasok sa trabaho. Mas uunahin ko muna ang dito sa bahay kesa dun sa trabaho na yun. Saka hindi rin nga pala talaga ako makakapasok kasi ang dami na namang nagtumbahang mga puno sa kalsada. Liban na lang kung nakakalipad ako na katulad ni superman na di ko na kailangang dumaan sa bwisit na kalsada.
Bumalik ako ng naga noong mga sumunod na araw sa pag aakalang magroon ng kuryente sa aking boarding house. Wala pa. Putol putol nga naman kasi ang mga mga kable ng kuryente at nagtumbahan ang ilan sa mga poste.
Ang dami ng mga tao dito. Nandito ako sa isag malaking mall sa Naga. Bakit kaya ang daming tao? Anong meron? May K pop group ba na bumisita sa naga? Nandito ba ang one direction na tinitilian at iniiyakan ng mga babae? O may libreng flashlight ba o kandila? Ewan. Basta dinadagsa itong mall ng maraming tao na di ko na nga nafi feel ang tama ng aircon sa aking balat. Parang nagpi-picnic ang mga tao sa mall.
Ah. Nakikicharge ng mga cellphones/ tablets.
At pati ako ay nakikicharge na rin sa aking pinagtatrabauhan. Dala ko ang tatlo kong cellphone. Boring kasi kapag walang ginagagawa sa dilim. Buti ka na lang kung may kasama kang...
Salamat Glenda ah. Happy now?
0 comments:
Post a Comment