10/6/12

BOOK REBYUS #2

Destined for Destiny: The Unauthorized Autobiography of George W. Bush by Scott Dikkers & Peter Hilleren

Magtataka ka siguro kung bakit meron akong ganitong libro. Binasa ko ito hindi para alamin ang buhay ni Bush o kung sino ba talaga siya o kung ano ang pinaggagagawa niya, kundi para aliwin lang ang sarili ko. Tama, aliwin lang ang sarili ko at tumawa. Ala ako pakialam kay Bush, at isa pa hindi naman talaga ito tunay na Autobiography niya. Mock-autobiography 'dre. Kumbaga parang “winalanghiyang autobiography ni Bush". Akalain mo 'yun na noong ipinanganak daw si Bush ay may napakaliwanag na bituin sa kalangitan. Iniluwal sya sa may sabsaban at binisita sya ng tatlong Republican political consultants na sinundan ang direksyon ng makinang na bituin blah blah blah. Pambihira. Korni ang karamihan sa mga nakasulat pero kahit naman papaano ay medyo mapapangiti ka naman sa ilan. Ewan ko lang kong napangiti ng aklat na ito si Bush noong nabasa nya ito o nakita man lang ang mga cool na b&w na mga litrato na makikita sa loob ng libro.






The World According to Clarkson by Jeremy Clarkson

Naglalaman ng marami pero maiikling sanaysay na siguradong magpapamulat at magpapasaya sa inyong araw. Puno ng mga importante (at kahit walang kwentang) ideya, isyu at maging kultura na bumabalot sa ating modernong panahon. Sabi nga dito mismo sa libro: “road map to modern life.” Ilan sa isyu na mababasa sa aklat na ito ay kung ano ba ang koneksyon ng pag-ulan sa hindi matagumpay na riot o rebulusyon, kung bakit kailangan magkaroon na ng gameshow na tatawaging “Who doesn't Want to be a Millionaire Anymore?”, kung bakit may mga art galleries pero asan ang art? O kung bakit huwag na makipagbangayan..daanin na lang sa suntukan at marami pa. Nabitin ako, ambilis kong natapos. Kasi nga naman astig at nakakatuwang basahin.




No Certain Rest by Jim Lehrer

Sa lugar kung saan nangyari ang “Battle of Antietam”, may nahukay ang mga souvenir hunters na (mga) buto ng tao. Ipinatawag si Don Spaniel, isang archeologist, para suriin ang nahukay. Sino ang Union officer na ito? Bakit at sino ang pumatay sa kanya? Ano ang lumang at matagal ng misteryo ang pwedeng mabunyag? Maganda ang narrative structure at pati ang twist ng kwento. Isa pa ay nakakabigla ang ending at hindi ko nga inaasahan. Mismong sabi nga ng pangunahing karakter na si Spaniel sa pagtatapos ng kwento: “This is not the way it was supposed to end.” Whew, haunting.




Joy School by Elizabeth Berg

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkakilala sina Katie, isang sweet na 13y/o, at si Jim, 23 y/o na manager ng isang gas station. 'Di nagtagal ay nahulog agad ang loob ni Katie kay Jim, na sabi pa nya ay wala syang pakialam kong may asawa na ito. May asawa na nga ba talaga si Jim? Mahal rin kaya siya nito o sya lang ang nagmamahal sa kanya? Magiging sila ba? Simple pero maganda ang pagkakasulat ng kwento. Humanda ka ng tumawa at lumuha.





Unlocking the Meaning of Lost: An Unauthorized Guide (Updated Edition) by Lynette Porter & David Lavery

Kung gusto mo malaman kung ano ba talaga ang pinakastorya o kahit summary ng season 1, 2 etc, ay hindi ito ang aklat na hinahanap mo. Para itong aklat na sinulat para sa mga estudyante na nag-aaral ng philosophy, sociology o religion, na ang sinusuri nga lang ay ang mahahalagang pangayayari na mapapanood sa iba't ibang episodes (o season) ng Lost. Academic writing kumbaga. Karamihan sa nakasulat tungkol sa spirituality, mga konsepto, spiritual practices sa island at relihiyon. Hindi ko masyado na enjoy pero pwede na rin para sa tulad ko na fan nitong TV series.



0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM