9/29/12

PORMA LIKE A BOSS #1: SHOW ME YOUR G STYLE

Magpapahinga muna ako sa seryosong usapan. Sisimulan ko sa wtf na sulatin.


Sa panahon ngayon na napakarami na ng mga fashionista(s), 'di ko alam kung mahahawa na rin ba ako sa kung paano sila manamit o panahon na ba para ipagpipilitan ko na kumbinsihin ang aking sarili na hindi naman mahal ang mga bagay bagay na makikita sa loob ng lungga ni pareng Von Dutch o kaya ni Calvin Klein. Ewan. Lahat nga naman yata ng tao ngayon ang iniisip palagi 'yung sila dapat ang maging sentro ng atensyon, 'yung tipong hindi mo na kailangan pang mang-hostage sa loob ng isang mall para lang pag pyestahan ka ng maraming mata. Kasi sa panahon ngayon, sa damit pa lang na iyong suot may kapangyarihan ka ng paikutin ang kanilang mga ulo dahilan para sila'y magka-stiff neck kakatitig sa iyong mini skirt. Welcome...welcome, ikaw na ang kanang-kamay ni Effie Trinket. Pero alam mo kung pasikat man lang sa tao ang hanap mo o gusto mo lang magpapansin, eh dapat lubos-lubusin mo na. Bakit ka pa magsusuot ng maganda at mamahaling damit kong pwede ka naman magsuot ng walang kakwenta-kwenta o kaya pilitin mo na lang na huwag sumunod sa mga payo ng mga experto sa Vogue o Details? Madali lang 'di ba?  

Paalala: Kung hindi makapal ang iyong mukha o kaya naman ayaw mong pagtawanan ng buong sanlibutan, huwag tularan ang "idiot" na makikita nyo sa litrato. Para rin sa isyung pansiguridad ay hindi ipinakita ang kanyang mukha na natatakpan na ng balbas ni Dumbledore.

Ang tawag sa style na ito ay "Show me your G...". Bakit? Huwag mo ng alamin kung ano ang "G" para hindi ka magtatakbo papunta sa c.r. Kung kilala mo si Jon Lajoie (na sa tingin ko ay hahanapin mo na sa google), maalala mo ang kanyang "signature" na porma. Hindi ito kasingparehas ng kanya, marahil dahil na rin sa panahon ngayon na mahirap ng makahanap ng ganun sa mga ukay-ukay. Hell, basta ang importante ay maging sikat ka na iisipin mo kung nasaan ang mga paparazzi.


Ganito ka dapat tumayo kapag tinititigan ka (at pinagtatawanan) ka ng mga tao. Proud ka dapat na ganyan ka hardcore ang iyong suot.

Ano ba dapat ang iyong mga armas na kailangan sa gira?

Una. Ito ang "da bomb". 'Di ko alam kung anong brand ito pero cool naman ang design na mapagkakamalan kang terorista imbes na turista. Mainit pero malufet isuot, yan kung kaya mong matiis ang amoy nito na nahugot ko sa pinakamalalim na parte ng baul.

Hindi ba talaga ako marunong magbasa o sadyang hindi ko lang talaga maintindihan ang nakasulat sa damit. Da**it.

At eto naman ang pangbaba. Kailangan maiksi na kita ang iyong legs pati ang iyong buni. Dapat kapag isinuot ay hanggang sa taas ng iyong pusod. Kung kaya makaabot sa leeg bakit hindi. Ang nakikita nyo sa litrato ay mahaba pa at malaki kaya di gaanong badass tingnan. Mas maikli, mas maliit, mas ma lufet. Ang dapat sana ay kulay blue, light blue, green...kayo na lang bahala maghanap sa ukay-ukay. Samahan mo na rin ng medyo mahabang itim na medyas. Kahit ano na lang na sapatos.

Yow sucka, GAP yan. Kitam, ngayon pa lang ipinagyayabang mo na ang iyong porma. 

Dapat kulay blue ang iyong cap. At kapag isinuot ay dapat ang nasa harap ay nasa likod...gawd ang hirap mag explain dude. Gets mo na yan. At kung nahahalata mo Reebok yan. Hindi yan ginamitan ng photoshop, pramis.

Bumili ka ng Ray-Ban, tulad ng nasa taas. Hindi ko na yan problema kung mahalata mo na peke ang nasa piktyur. 

Ayos ah, bagay sa'yo. Punta ka na sa mga mall para rumampa, dumugin, mabugbog, mapagtawanan o sumikat. Eto dapat ang palagi mong isipin: Hindi kailangan ng Youtube para sumikat. Break it down! Tapos sumayaw ka sabay sa tugtog ng "Show me your G..."

Hanggang sa sunod ulit mga 'dre. Gudluck sa mabilisang pagsikat (o pagbagsak ng career.joke) Adios.














0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM