6/8/12

GREEK SEASON 1



“62 out of 100”
-Metacritic review

"...light-hearted fun and authentic"
-Pittsburgh Post-Gazette

“..captures the spirit of the hedge-fund age like nothing else."
- The New York Times


Nabitin ako sa season 1 ah. At dahil nga masyado akong nag-enjoy sa kapapanuod ng tv series na ito ay hindi ko na namalayan na patapos na pala ang pinapanuod ko; kailangan ko makahanap ng season 2! Noong una nga ay medyo napapaisip pa ako kung dapat bang maglaan ng oras sa panunuod nito, hindi ko alam kung maganda ba itong panuurin o baka nga makita ko na lang ang sarili ko na itinatambak na lang itong dvd sa gilid kasama ng mga lumang dyaryo at notebook ng hindi man lang natapos o napanuod man lang kahit ang episode 2. 
http://www.picturesdepot.com
Ang rason kaya ko binili ay dahil ito raw ay comedy-drama; magandang manuod ng comedy kapag gusto mo magrelax. Pangalawa ay dahil sa ang storya ay umiikot sa mga miyembro ng iba-ibang fraternities at sororities. Pangatlo ay dahil natapos ko na ang final season ng Lost kaya kailangan ko na makahanap ng bagong papanuorin na malufet. Pang-apat ay dahil hindi ko pa napapanuod ang Animal House at hindi ako nakakahanap ng dvd nito. Ang masasabi ko lang ay "malufet". Thumbs up. Astig ang script, ang acting ng mga karakter at syempre ang storya. Minsan lang ako maadik sa isang TV series, pero heto naadik ako kakapanood nito. Pero hindi ko na ikwekwento kung ano ba ang pinakastorya nito, at baka kapag mabasa mo pa eh mawalan ka pa ng ganang panuorin ito at bumalik ka sa piborito mong koreanovela.opps. I-google mo na lang kung gusto mo malaman ang storya pare.

At heto ang ilan sa mga karakter na inyong makikilala (tan-tadadan):



*Rusty “Spitter” Cartwright- freshman science major sa fictional na Cyprus-Rhodes University. Ang nerd at payat na studyante na gusto mag-pledge at maging member sa isang fraternity. Kappa Tau Gamma pledge.


*Casey Cartwright-nakatatandang kapatid ni Rusty at active member at Rush Chair ng Zeta Beta Zeta, ang isa sa pinakasikat na sorority sa campus.


*Evan Chambers- ang sikat at mayaman (tagapagmana ng kompanya ng kanyang ama na Chambers International) na member at pledge coordinator ng Omega Chi Delta, isa sa pinakasikat na fraternity sa campus. Boyfriend ni Casey.


*Cappie- junior stud; presidente ng Kappa Tau Gamma, ang “blacksheep” na fraternity sa campus. Ex-boyfriend ni Casey.



*Dale Kettlewell - Science major; Baptist na roommate ni Rusty at ang moral influence sa show.




*Calvin Owens- baklang kaibigan ni Rusty. Omega Chi Delta pledge.


*Rebecca Logan- anak ng isang prominenteng Senador. Nakita ni Rusty na nakikipag uhm kay Evan na boyfriend ng kanyang kapatid. Palaging nakakainitan ni Casey. Zeta Beta Zeta pledge.




*Ashleigh Howard- bestfriend ni Casey at member din ng Zeta Beta Zeta.






_________________________________________________________________
About Greek (TV Series)
Official TV Show Site
Wikipedia
Wikia

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM