ANG BAHAY SA CR
Hindi naman basehan ang laki o ganda ng bahay,
pati rin trabaho para maging masaya ang isang tao o pamilya.
.
Maswerte pa rin ang iba kasi nakatira sila sa malaking bahay, mansion kung tawagin ng karamihan. Habang ang iba nakatira sa ilalim ng tulay, sa tabi ng tambakan ng basura o kaya kung saan-saan na lang kahit na nga hindi sa kanila ang lupang napili nilang pagtayuan ng mga barong-barong. Ganito ang natural na eksena dito sa pinas.
Eh ito naranasan na kaya ng ilan sa ating mga kababayan?
Si Zeng Lingjun, isang tsino, ay mahigit anim na taon ng naninirahan sa isang 19m square na c.r (o toilet). Nakakatawa mang isipin, pero totoo yan. Alam natin na ang China ay kabilang sa mayayaman na bansa at malakas ang ekonomiya, at hindi makakaila na milyon-milyon sa kanila ang nakaahon sa kahirapan. Pero hindi pa rin sapat kasi marami pa rin ang naghihirap at nabubuhay sa kakarampot na pera na kanilang nakukuha. Galing sya sa isang maliit at mahirap na bayan sa Northeastern China at nagpasyang lumipat sa syudad ng Shenyang. Nahirapan syang maghanap ng matitirahan kahit na nga mayroon naman syang sapat na pera na nakukuha nya sa pagtatrabaho bilang cobbler (tagagawa o tagaayos ng sapatos). Pero ng marinig nya na ang isang men's toilet sa isang local hotel ay pinaparentahan ay hindi na sya nag-aksaya ng panahon at pinili nyang doon na manirahan.
Nagsimula syang manirahan sa “toilet” noong 2006. Pinilit nyang ayusin ang nasa loob para magmukha namang totoong kwarto, pero hindi pa rin maitatago ang tunay na anyo nito dahil sa nakakabit pa rin na mga toilet bowls, urinals, tubo at ang kulay puting tiles sa dingding. Kahit medyo masikip ang kanyang lugar ay hindi ito naging hadlang para hindi sya maging masaya, tutal doon na sya mismo nagtratrabaho at kumikita ng pera sa pag-aayos ng mga sirang sapatos. At ng ikinasal nga sya noong 2010 ay hinikayat na nya ang kanyang asawa na doon na manirahan. At ngayon nga ay mayroon na silang anak. Isa ng masayang pamilya.
Home sweet home!
Sources:
“We live in a Toilet”, Bizarre Magazine. June 2012, Issue 189.
"Chinese Family Turn Abandoned Toilet into Cozy Home", www.odditycentral.com
Photos courtesy of Asiaone.com
0 comments:
Post a Comment