ANG HULING MISYON (MAIKLING KWENTO)
(March
21, 1983)
Mayroon
isang matanda na nakatira sa isa sa pinakamasukal na gubat dito sa
aming lugar. Maraming tao ang nagsasabi na ito ay may sira ang ulo,
baliw. Isa sa pinakamapanganib na tao dito sa amin, ang sabi ng isa
sa aking mga kaibigan. Tumanda na sya na walang ibang ginagawa kundi
mampatay ng mga inosenteng tao na nakakapasok sa kanyang teritoryo.
Tama, trip lang talaga niyang mangkitil ng mga inosenteng buhay.
Mahigit otsenta katao na raw ang napatay nito; karamihan sa mga
bangkay ng mga biktima nakikita nakasabit na sa malalaking puno, ang
ilan lumulutang na parang mga patay na isda sa mababaw na ilog, ang
iba makikita mo nasa daan na hindi mo na kayang makilala ang mukha
dahil kung hindi basag ang bungo ay puno ng butas dahil tinadtad ng
bala. Marami na ang pinilit na hanapin ang lungga ng mamatay, pero
wala ni isa man ang nagtagumpay. Leche. Para silang mga tanga na
naghahanap ng karayom sa malawak na damuhan. Wala na sa kanila ang
nakabalik ng buhay; sila rin ang naging mga biktima. Marahil iisipin
mo na parang sa horror movies mo lang napapanood ang ganitong eksena
pero, hell, hindi eh. Kapag naiisip ko pa ang pangyayaring ito ay
hindi ko maiwasang matakot, at maluha sa pagkamatay ng karamihan sa
aking mga kasamahan.
Tama,
isa ako sa mga pulis na kasama sa operasyon. Ako lang ang maswerteng
nakaligtas sa madugong ingkwentro.
May
nakita kaming maliit na bahay sa pinakagitna ng gubat. May napakaliit
na ilaw kaming naaninag sa dilim. Ilaw at iyon ng kandila.
Napakadilim sa gubat, dahil sa napakataas at napakalalaking puno na
natatakpan na ng sobra ang liwanag ng buwan. Sobra ang nerbyus ko
nun, parang tatalon na ang puso ko sa aking dibdib. Lahat kami may
mga baril sa kamay at maliit na flashlight. Lima sa aming mga
kasamahan ang pumasok sa maliit at lumang bahay. Ang ilan ay nasa
likod ng bahay, habang kami naman ay nasa harapan. Tahimik kaming
naghihintay, nakikiramdam sa kung ano man ang maaaring sunod na
mangyari. Humigpit ang hawak ko sa aking baril. Labing limang minuto
na ang nagdaan pero wala pa ring sa aming mga kasamahan ang lumalabas
ng bahay. Wala ring ingay. Tahimik na tahimik na tanging naririnig ko
lang ay mga huni ng maliliit na ibon. Nagtaka na kami. Nagdesisyon
kami na pasukin na ang bahay . Pagpasok namin ay nagkalat na ang dugo
at lamang loob. Nagkalat rin ang katawan ng aming mga kasamahan.
Lahat pinugutan ng ulo, ang ilan putol-putol na ang katawan. Tapos
biglang umulan sa loob ng mga bala. Nagwawasakan ang mga gamit at mga
salamin. Hindi namin alam kung saang banda at kung sino ang
nagpapaputok. Nagtumbahan ang ilan sa aking mga kasamahan. Dali-dali
kaming lumabas ng bahay. Doon ko nalaman ubos ang aming kasamahan
pati yung ilan na nagbabantay sa likod ng bahay.
Dali-dali
kaming pumunta sa aming mga sasakyan na nakakubli sa mayayabong na
mga halaman. Shit, winasak din ang aming sasakyan. Wala, sabog na ang
makina at butas-butas ang mga gulong. Ibang klaseng takot na ang
aking naramdaman, at siguradong pati ang mga natitirang kasamahan ko.
Tinitingnan ko ang aming mga gamit sa loob ng isang sasakyan ng may
marinig akong isang malakas na putok. Bumagsak ang isa kong kasama sa
harapan. Nagkatitigan kami ng katabi ko ng isa na namang malakas na
putok ang umalingawngaw, at tumalsik sa aking mukha ang dugo at
nawasak na piraso ng mukha nito. Agad akong dumapa, at napapasuka ako
dahil nagkalat ang dugo, at katawan ng ilan sa aking mga kasamahan.
Nalilito na ako, hindi ko alam kung saan galing ang mga putok.
Patakbo
kaming umalis. Kailangan ma-kontak namin ang ilan sa aming mga
kasamahan. Hinahanap namin ang daan para makalabas ng biglang may
sasakyan na lumabas. Kahit madilim ay nakikita na parang anim sila.
Lahat may hawak na mga baril. Kasama sa kanila ang isang matanda na
may dalang mahabang itak at maliit na baril. Nakasuot sila ng
maruruming damit at ang mukha nila ay napapahiran ng parang itim na
pintura.
“WTF”,
ito lang ang nasabi ko. Delikado, nakulong kami dito sa maliit na
daan.
Humarorot
bigla ang sasakyan at nagsimula na naman silang magpaputok. Bang.
Bang. Bang. Pa isa-isang nagtutumbahan ang aking mga kasamahan.
Nagpaputok na rin ako; tumama ang isang bala sa mukha ng ilan sa
kanilang kasama. Patuloy pa rin sila sa paghabol sa amin. Tanging mga
malalakas na tawa lang nila ang aming naririnig. May kasama rin akong
tumatakbo at panay putok ito ng putok sa sasakyan. Napangiti ito ng
may isa rin itong natamaan. Ngunit maya-maya ay natumba ito.
Sumisigaw ito habang hawak ang kanyang duguang paa. Babalikan ko sana
pero patuloy pa rin ang pag-ulan ng bala sa aking direkyon. Maya-maya
ay tumigil ang sasakyan. Bumaba ang matanda at lahat ng mga
nakahandusay na katawan sa daan ay pinagtatataga nya at pinuputol ang
ulo. Nagmamakaawa pa ang isa ngunit tumawa lang ng napakalakas ang
matanda. Lumipad lang ang ulo nito sa isang direksyon. Bumaba na ang
ilan sa kanila at tumakbo ng napakabilis papunta sa aking
kinatatayuan. Hindi na ako makahinga, pagod na pagod na ako. Shit,
ubos na rin ang aking bala. Isang malakas na putok na naman na baril
ang aking narinig, tapos isa pa. Bang. Wasak ang mga daliri ng kaliwa
kong kamay. Napasigaw ako habang grabe ang lumalabas na dugo sa aking
kamay. Pinipilit ko na lang na tumakbo, hindi na talaga kaya ng aking
katawan ng makita ko na may ilog na napakalakas ang agos ng tubig.
Wala na. Handa na akong sa aking kamatayan. Tumalon ako sa ilog.
Humampas ang aking katawan sa rumaragasang tubig ng ilog. Tumama ng
napakalakas ang isa kong paa sa malaking bato at saka na ako
tinangay ng malakas na agos ng tubig. Naririnig ko pa ang mga putok
ng baril mula sa taas ng ilog bago ako nawalan na ng malay.
Nagising
ako na nasa hospital. Natagpuan daw ako sa labas na ng gubat. Nasa
ilog pa rin ako pero nasa mababaw na parte na. Hindi ko alam kong
paano ako nakaligtas. Maswerte pa rin ako. Hindi ako masaya, lalo
pa't lahat ng aking mga kasamahan ay lahat patay. At galit na galit
ako. Gusto kong maghiganti para sa aking mga kasamahan, pero parang imposible na ngayong pinutol na
ang lahat ng mga daliri ko sa isang kamay at pati ang isa kong paa.
0 comments:
Post a Comment