3/23/12

BOOK REBYUS #1


Happy Endings: The Tales of a Meaty-Breasted Zilch by Jim Norton

Sino ang nakakakilala kay Jim Norton? Sino sya? Hindi ko ito kilala pero bakit ko binili itong libro na ito. Pero ngayong tapos ko ng basahin itong libro nalaman ko na isa syang pervert na komedyante na mahilig sa uhm..na ang nilalaman ng libro na ito ay mga mga personal na storya at mga kalokohan (kasama pa ang kanyang mga pictures) na siguradong mapapaluha ka sa kakatawa. Paalala: bawal basahin ng mga bata. Heto na mismo ang sabi nya na mababasa mo sa unahang pahina: “If you are easily offended by humor, please fuck off and buy something else. Any e-mails not filled with praise and/or offers for a sloppy b**w*** will be deleted.” Naks. Pinagyayabang pa nga nya na pang-apat sya sa New York Times Bestseller List! Yan ang dahilan kung bakit ko ito binili. Lol. Kung gusto nyong maluha sa kakatawa, mainsulto o magalit kay Jim, basahin ang libro na ito. 






Gaffers, Grips, and Best Boys (Second Edition) by Eric Taub

Mahilig tayo manuod ng mga pelikula, maging lokal man o international, pero karamihan sa atin hindi alam kung sino ang mga astig na tao sa likod ng camera, kung ano ang mahalagang papel na ginagampanan nila at kung ano ang mahabang proseso na pinagdadaanan para mabuo ang isang magandang pelikula, simula sa pagbuo ng storya, casting, production, post prod, advertising at marketing. Kapag binasa mo ang libro na ito, malalaman mo kung ano nga ba talaga ang ginagawa ng isang director, executive producer, screenwriter, art director, director of photography, sound mixer, film editor, motion picture rater at marami pa na bumili ka na lang ng ganitong libro para malaman mo pa ang iba. Whew. So balak mo na bang sumabak sa mundo ng paggawa ng pelikula? Gudluck ah, kunin mo na lang akong artista!




Fatherhood (Deluxe Paperback Edition) by Bill Cosby

Mahirap ba maging isang ama? Handa na ba tayo mga pare? Handa na ba ako? Ahm..ewan. Sa libro na ito, malalaman natin kung gaano nga ba talaga kahirap at kung gaano kabigat na responsibilidad ang pagiging isang ama sa isang pamilya. Mula mismo kay Bill Cosby (i-search sa google kung hindi kilala), kanyang inilahad ang mga personal na karanasan nya bilang ama. Ayos lang naman na pa joke ang style nya ng pagsulat (komedyante eh) pero parang may kulang at parang napupunta kadalasan ang usapan sa kakulitan ng kanyang mga anak. Konti lang ang mababasa mong advise, waley din kong pag-uusapan wisdom. Ang pinakalayunin lang ng aklat na ito ay patawanin ka.





After 9/11: America's War on Terror by Sid Jacobson and Ernie Colón

September 11, 2001, nagulantang ang buong mundo sa balitang pagsalpok ng dalawang hijacked jetliners sa World Trade Center sa New York City, dahilan kaya mahigit 3000 katao ang namatay kasama sa pagguho ng malaking gusali. Kung hindi ko pa ito nabasa, hindi ko malalaman na 4 na hijacked airplanes pala ang ginamit para gawing pampasabog: dalawa sumalpok sa World Trade Center, isa sa Pentagon sa Arlington Virginia at isa sa Shanksville, Pennsylvania. Paano nga ba nagsimula ang “War on Terror” ng America? Sino ang may pasimuno ng mga pagpapasabog? Ano ang naging epekto ng gira? Kayo ng bahalang alamin kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyari. Note: Graphic novel ito mga dude, para ka lang nagbabasa ng comics. Astig pa ang mga drawings kaya maiingganyo kang basahin ito mula simula hanggang sa huling pahina.





Death in the Balance by Donald D. Hook & Lothar Kahn

Isang nakakagimbal na tanong ang mababasa mo sa libro na ito: Kung sakali nakagawa ka ng malaking kasalanan o krimen at nasintensyahan ka ng kamatayan, ano ang pipiliin mo? (a) Hanging-ang lubid ang syang babali sa iyong leeg. Malas mo kung masyadong mababa ang iyong bagsak kasi unti-unti kang masasakal, masakit at dahan-dahan kang mamatay. Malas mo rin kung masyadong mahaba ang bagsak, matatanggal ang ulo mo sa iyong katawan. (b) Electric Chair-Dadaan ang kuryente sa iyong katawan, masusunog ang iba't-ibang parte ng iyong katawan na para kang pritong isda. ( c) Gas Chamber- kapag nilagyan ng cyanide ang container ng sulfuric acid, ang sinumang nasa loob ng silyadong chamber ay siguradong mamamatay kapag nalanghap ang deadly gas. Gasp. (d) Lethal Injection- Tuturukan ka ng narcotic o barbiturate tapos isusunod na ang lethal dose. (e) Firing Squad-Pray ka na tamaan agad ang puso mo. Kung ako papapiliin? No comment. Isa sa kontrobersyal na isyo ang death penalty, at hanggang sa ngayon ay nagiging usap-usapan pa rin at nagiging paksa sa mga debate. Isa sa maganda sa aklat na ito ay ang paglalahad ng usapin ng balanse, patas at walang pinapanigan. Kailangan ba talaga ng death penalty o kalimutan na lang ang ganyang isyu? Kayo na bahala.







0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM