9/29/11

PUZZLES

1

Sa katahimikan ng gabi, na tanging huni lamang ng mga insekto at ihip ng malakas na hangin ang maririnig, isang papalapit na anino ng lalaki ang maaaninag. Maliwanag ang buwan ngunit hindi gaanong makita ang kanyang mukha. Hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay ang isang pala habang pasan-pasan niya sa kabilang balikat ang malaking sako na di mo mawawari kong anong malaking bagay ang nasa loob. Halos magkanda-kuba na siya sa paglalakad ngunit mahahalata sa kanyang galaw ang pagmamadali. Ibinaba niya ang sako at nagsimulang maghukay. Siguradong-sigurado siya na sa lugar na ito, sa gitna ng masukal na kagubatan, ay walang makakakita sa kanyang ginagawa.

Ilang minuto rin ang nagdaan bago niya natapos ang paghuhukay sa lupa. Inihulog niya doon ang sako at dali-daling tinakpan ng lupa. Patakbo siyang lumabas sa masukal na gubat. Pawisan siyang pumasok sa kanyang kotse. Malakas pa rin ang buhos ng dugo mula sa malalim na sugat niya sa mukha. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang kotse kahit na animo'y mawawasak na ito dahil sa lubak-lubak na daan.

Napangiti siya.

2

Tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin tanggap nila Ginoo at Ginang Romero na wala na ang isa nilang anak. Si Johny ay paborito nilang anak dahil ito'y masipag, matalino, mabait at malambing. Halos maguho ang kanilang pamilya ng lumayas si Johny at di na muling bumalik.Nakipag-ugnayan na sila sa mga pulis at halos malibot na nila ang buong bansa ngunit lahat sila'y nabigo sa paghahanap sa bata. Isang sulat ang iniwan niya sa loob ng kanyang kwarto. Nakasaad sa kanyang sulat na naglayas daw siya hindi dahil galit siya o sawa na sa kanyang pamily, kundi gusto niya raw hanapin ang kanyang “tunay na sarili”. Labing apat na taong gulang pa lang siya nun. Sa ngayon, si Robert, ang kakambal ni Johny na lang ang siyang nagpapatatag at nagbibigay ng saya sa mag-asawa.

3

Umiiyak si Robert ng madatnan siya ng kanyang nanay. Nakaupo ito sa sahig habang hawak hawak ang kanyang ulo.

“Hon ano ang nangyari dito sa anak mo?” Tanong ng kanyang nanay.

“Pagsabihan mo yang anak mong iyan ah...baka mas malala pa sa sunod ang magawa ko dyan!!” malakas na sigaw ng kanyang tatay.

4

Tulalang nakatitig si Robert sa kisame ng silid habang nakahiga. Umalis muna sandali ang kanyang nanay para bumili ng makakain. Gustong-gusto na niyang makauwi sa kanilang bahay; bagut na bagot na siya sa kakahiga. Gusto na niya maglaro ng Saints Row at Halo Wars sa paborito niyang Xbox, magbasketball at sumama sa kung anuman na trip ng kanyang mga kabarkada.

Hanggang nagyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang kirot at hapdi sa kanyang kaliwang paa. Napasigaw siya ng malakas habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na nababalutan pa rin ng benda.

5

Kuya? Kuya?

"Nakita mo ba kuya ko?" Tanong ni Johny kay Alvin, isa sa kaibigan ni Robert.

"Ah...eh...dun ata sa bahay ni Charles", sagot niya.

"Ah ok. Salamat...kailangan ko kasi maibigay tong pera sa kanya kasi kailangan daw niya para sa mga projects na gagawin nila bukas...."

Dali-dali siyang umalis ng paaralan para pumunta sa bahay ni Charles. Makalipas ang ilang minuto, nakarating na siya. Nasa gate palang siya eh dinig na dinig na niya ang hiyawan at sigawan ng magbabarkada. Bukas naman ang gate kaya pumasok na lang siya. Napatalon siya bigla ng patakbong lumapit sa kanya ang aso ni Charles na si Pinky. Malaki itong aso na may makapal na balahibo at maikling buntot. Masaya ito'ng lumulukso-lukso at kumakahol ng mahina habang siya naman ay palakad-lakad.

"Wala sila dito sa sala..baka dun sa kwarto..."

Pagdungaw niya sa bintana, nakita niyang kumpol-kumpol sila habang may kung anong sinisinghot na nakalagay pa sa aluminum foil, at nagkalat ang mga bote ng Gin sa gilid.

"Diba yung kakambal mo yun?", tanong ni Charles kay Robert.

"Huh? Nakakaisang round pa nga lang tayo eh bangag ka na ata eh...", sabi ni Robert.

"Tangina mo! Nakita ko si Johny sumilip dyan sa may bintana! Pag nagsumbong yun patay ka! Ay puta pati pala kami!' pasigaw na sabi ni Charles.

"Wag ka mag-alala," wika ni robert habang nakakatakot na nakatitig sa may bintana.

Maya-maya'y maririnig ang malakas niyang sigaw at tunog ng salaming nabasag.

"Arg...di ko pa nadala panyo ko ah."

Dali-daling sumakay sa Jeep si Johny. Pawisan at nanghihina sa kalalakad ng mabilis.

"Patay ka kina Papa pag nalaman nila ito", bulong niya sa kanyang sarili.

ITUTULOY...

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM