EPAL ANG GAGA
May concert pala si Lady Gaga? Syet wala ako pakialam. Siguro kung mga local o mga OPM bands pa baka magtsaga pa akong manuod kahit may kamahalan ang bayad. Simula pa lang ay hindi na ako natutuwa sa singer na yan, sa kung paano sya manamit, kung paano sya gumalaw at kung paano sya magperform sa harap ng camera. Nakakawindang nga naman lalo na kapag napapanuod mo ang kanyang mga music videos, at nakakabahala lalo pa't karamihan na rin sa umiidolo sa kanya ay mga kabataan at pati mga bata nasa mura pang mga edad. Aaminin ko noon na nagandahan naman ako sa kanta nya, pero yung unang sumikat na kanta nya lang. Poker face. Pero ang mga sumunod ay parang kakaiba na. Hindi ko alam kung pop ba ang genre nya, pero sa lahat lang ng singer ay sya ang kakaiba. Bukod sa kanyang pananamit ay masyado ring weird ang kanyang mga music videos pati lyrics ng kanyang mga kanta parang mapapaisip ka kung ano nga ba talaga ang gusto nyang iparating sa kanyang mga fans o tagapakinig ng kanyang mga kanta. Kung sabagay tinatangkilik naman natin. Pero kung napapanuod nyo sa telebisyon o nababasa mga artikulo sa dyaryo o sa internet ay marami na rin ang nababahala tungkol dito, isa na dyan ang diumano'y isyu na sumasamba sya sa demonyo. Pati ako ang tingin ko sa karamihan ng kanyang mga kanta at videos ay parang may koneksyon sa kadiliman. Isama pa dyan ang kontrobersyal na lyrics ng kanyang kanta na Judas:
“In the most Biblical sense, I am beyond repentance Fame hooker, prostitute wench, vomits her mind But in the cultural sense I just speak in future tense Judas kiss me if offensed, Or wear ear condom next time I wanna love you, But something’s pulling me away from you Jesus is my virtue, Judas is the demon I cling to, I cling to”
Hello sino naman ang hindi magrereact kapag napakinggan 'to o nabasa man lang ang lyrics? Hindi naman ata tayo tanga para hindi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Marami na ang nagsasabi na unti-unti na niyang minamanipula ang isipan ng kanyang mga tagapakinig, tinuturuan ng mga bagay na taliwas o kabaliktaran sa kung ano ang itinuturo sa atin ng simbahan. At dahil nga marami sa mga bagong henerasyon ng kabataan ang nahuhumaling na sa kanyang mga pinapasikat na kanta, sa kanyang weirdong pananamit at sa kanyang inihahatid na baluktot na mga mensahe sa kanyang kanta ay heto lang naman ang mga tanong ko: hahayaan mo ba ang anak mo na tangkilikin ang mang-aawit na ito? Hahayan mo ba na gayahin ng anak mo kung paano siya manamit, paano kumanta at paano kantahin ang kanyang mga kanta? Ganito na ba tayong mga pinoy na basta sikat ang singer ay basta-basta na lang natin tatangkilikin ang kanyang mga kanta kahit karamihan ay wala namang kwenta? Ay nakalimutan ko may concert nga pala sya, pero inuulit ko....wala akong pakialam. At sya nga pala, siguradong may magra-rally nyan sa labas.
Image source: Bossip.com |
0 comments:
Post a Comment