MEOW (MAIKLING KWENTO)
Mag-uumaga
na pero maririnig pa rin ang ingay ng mga nagdaraang sasakyan sa isang
makipot na kalye. Mangilan-ngilan na lang ang nagdaraan at tumatambay na
mga tao sa gilid ng daan, marahil ay napagod at mga tulog na rin dahil
sa katatapos lang na pista sa kanilang barangay. Kaninang tanghali ay
dagsa ang mga tao sa lugar at halatang handa na sa kainan habang ang iba
naman ay pumupunta sa may peryahan at karnabal; mga batang
tuwang-tuwang naghahabulan at may hawak na sorbetes at lobo, mga
kalalakihan na nag-iinuman sa bakuran ng kani-kanilang bahay, at ang iba
ay gusto lang magsaya.
Ang natirang ala-ala na lang sa masayang pista kanina ay ang nagkalat na mga basura sa lugar. Pero ito ang pinakakahinihintay na pagkakataon ng isang hayop para makahanap ng makakain. Sa gilid ng daan makikita ang isang itim na pusa na mabagal na naglalakad. Kaliwa't kanan ang tingin nito, halatang nakikiramdam at handa kung mayroong mang masamang mangyari. Paminsan-minsa'y tumitigil ito para magkalkal sa mga basurang nagkalat. Masaya ito dahil busog na naman sya at may madadala pa sya para sa kanyang minamahal. Maya-maya ay may kung anong gumagalaw sa isang tambak ng basura sa kanyang harapan.
Ang natirang ala-ala na lang sa masayang pista kanina ay ang nagkalat na mga basura sa lugar. Pero ito ang pinakakahinihintay na pagkakataon ng isang hayop para makahanap ng makakain. Sa gilid ng daan makikita ang isang itim na pusa na mabagal na naglalakad. Kaliwa't kanan ang tingin nito, halatang nakikiramdam at handa kung mayroong mang masamang mangyari. Paminsan-minsa'y tumitigil ito para magkalkal sa mga basurang nagkalat. Masaya ito dahil busog na naman sya at may madadala pa sya para sa kanyang minamahal. Maya-maya ay may kung anong gumagalaw sa isang tambak ng basura sa kanyang harapan.
“Naku, si Morgan ata ito. Ang asong kalye na palaging kaaway ko dahil sa mga tira-tirang pagkain.”
Lumapit
pa sya ng konti sa may tambak ng basura ng biglang may tumalon sa harap
niya. Dahil na rin sa takot at pagkabigla ay nakatakbo ito ng matulin
at sumuksok sa isang butas sa gilid ng kalsada.
Maya-maya ay isang malakas na tawa ang narinig nya.
“Hahahaha.”
Nairita ang itim na pusa kaya lumabas agad ito sa butas.
“Walang
hiya. Sino ba itong nananakot na ito at gusto turuan ng leksiyon. Hindi
mo ba alam na teritoryo ko 'tong lugar na ito. Kahit na mga aso na
napupunta rito ay takot sa akin kaya hindi na sila nagtatangkang
bumalik. Hmm, maliban lang doon sa payat na Morgan na iyon na walang
kadala-dala kahit na ang dami na ng kalmot niya sa katawan. Hoy sino ka!
Lumabas ka duwag!!!?
Nakangiting lumabas ang isang kulay puting pusa. Mabagal itong naglakad papunta sa harapan niya.
“Hi Pipoy”, sabi ng puting pusa.
Hindi agad nakapagsalita ang itim na pusa. Nanlaki ang mga mata nito.
“Emerald? Ano ginagawa mo rito?”, nagtatakang tanong ni Pipoy.
“Para
ka naman nakakita ng multo. Bakit bawal na bang pumunta sa lugar na ito
para lang makita ka? At kailangan ko pa ngang tumakas sa mansyon para
lang makapunta rito tapos parang galit ka pa.”, malungkot na sabi ni
Emerald.
“Ah
hindi, ahm sorry. Nabigla lang naman kasi ako tsaka di ko inaasahan na
pupunta ka pa ulit dito. Dalawang buwan na kasi tayong di nagkikita eh.”
“Oo nga eh. Namiss lang kasi kita.”, nakangiting sabi ng puting pusa.
Hindi
na alam ni Pipoy kung ano ang sasabihin nya. Nakatitig na lang ito sa
mukha ng kanyang kaibigan na matagal na rin nyang hindi nakita.
“Musta naman buhay mo doon sa inyo? Pinapakain ka bang mabuti nung amo mo? Hindi ka ba sinasaktan?”, tanong ni Pipoy.
“Mahal
na mahal ako ng amo ko. Di nya nakakalimutan na pakainin ako, minsan
nga pinapaliguan pa ako kahit na ayaw ko naman talaga. Pinapabayaan nya
lang ako gumala sa kanyang malaking bahay. Minsan nga nakabasag pa ako
ng flower vase na nakalagay sa mesa pero hindi naman ako sinaktan o
pinagalitan.”
“Wow.
Bait pala ng amo mo. Di ka naman pala pinapabayaan, kaya pala maganda
ka pa rin hanggang ngayon.”, nakangiting sabi ni Pipoy.
“Syempre
naman. Ako yata ang pinakamagandang pusa sa lugar na ito. Ikaw nga
kahit medyo pumayat ka ng konti gwapo ka pa rin. Wala pa ring
pagbabago.”
“Wala ngang pagbabago, kulay itim pa rin.
Nagtawanan ang dalawang pusa.
“Lika punta tayo sa bubong ng malaking bahay na 'yan.” yaya ni Emerald
“Sige ba, gusto mo unahan pa tayo makapunta sa taas.”
Dahil
sa liwanag ng buwan kitang-kita ang dalawang pusa na masayang
nag-uunahan na makapunta sa bubong ng malaking bahay. Halata sa mukha ni
Emerald ang kasiyahan dahil nakasama nya ulit ang kanyang “minamahal'”.
Ang lungkot na nadarama niya kapag mag-isa sya sa loob ng bahay ng
kanyang amo ay napalitan ng tuwa ngayong sabay na naman silang
naghahabulan.
“Whew,
napagod ako ah. Di ko inaasahan na ganito pala kataas 'tong bahay na
ito ah. Tumatanda na nga talaga ako.”, nakangiting sabi ni Pipoy.
“Oo
nga eh. Pero mabilis ka pa rin kasi naunahan mo na naman ako makataas.
Tinggan mo nakatingin na naman sa ating dalawa ang buwan. Ang ganda
nuh?”
Tumabi si Pipoy kay Emerald. Sabay nilang tinitingnan ang malaki at maliwanag na buwan.
"Alam
mo sa tuwing nakakakita ako ng ganyan kaliwanag at kalaking buwan ay
naaalala ko noong una palang tayong magkakilala. Noong panahon na iyon
na sadyang marahas ang ilang tao sa ating mga pusa. Ilan sa mga tao ang
sobra na lang ang pagkainis sa atin kaya nila tayo hinuhuli. Karamihan
sa mga kapamilya ko ay nahuli ng mga masasamang tao na yun, at hindi ko
na ulit sila nakita. Habang nagtatakbuhan tayo para magtago sa kung saan
saang butas ay nagkabanggaan tayo. Doon ko unang nakita ang mukha mo;
maganda ka kahit halata sa mukha ang sobrang takot. Pinagmamasdan ko
ang mukha mo ng biglang may humatak sa'yo pataas. Hawak-hawak ka na ng
malaking lalaki na may hawak na mahabang pamukpok. Hindi ko alam kung
saan ako kumuha ng lakas ng loob kasi nung mga oras na iyon ay takot na
takot talaga ako. Bigla akong lumukso ng mataas at kinagat ang kamay ng
lalaki. Nabitiwan ka nya bigla habang ako naman ay inihagis ng malakas
sa may pader. Akala ko noong oras na iyun ay mamatay na ako at dahil
bali na ang buto sa isa kong paa ay hindi ko na kayang makatakbo ng
mabilis. Dali-dali mo akong inalalayan papunta sa isang maliit na butas
at parehas tayo nakatakas.”
“Aba hindi mo pa nakakalimutan, ilang taon na yun ah”, nakangiting sabi ni Emerald.
Napangiti rin si Pipoy.
“Mahirap kalimutan ang mga pangyayaring naging parte na ng ating buhay.”
“Musta na pala kayo ni Anne?” tanong ni Emerald.
“Ahm
ayos lang naman, tulad pa rin ng dati. Siya lang ang palagi kong
nakakasama araw-araw. Sabay kaming naghahanap ng makakain kapag umaga at
naghahabulan sa bubong paminsan-minsan. Basta masaya ako pag magkasama
kami at alam kong masaya rin sya sa akin.”
Ang ngiti sa mukha ni Emerald ay napalitan ng lungkot. Bigla itong napayuko.
“Wow, mabuti naman. Natanong ko lang, kala ko kasi hiwalay na kayo.”
“Ayos ka lang friend?” tanong ni Pipoy.
“Oo
naman, ako pa. Ang dami ko kayang manliligaw, ang dami-dami hindi ko na
nga mabilang. Kung sino-sino na lang pumupunta sa bubong ng bahay.”
“Sa ganda mong yan dapat lang na puntahan ka dun ng libo-libong mga manliligaw. O wala ka pang napipili?”
“Wala eh. Puro mayayabang at lahat di ko gusto. Tinutulugan ko lang kasi di talaga ako interesado sa kanila.”
“Ah ok. Kailangan ko na pala magpaalam, kailangan ko na umuwi baka kasi kanina pa iyon naghihintay sa akin.” sabi ni Pipoy.
“Ganun ba? Oh sige. Sana magkita pa tayo ulit.”
“Basta
kung gusto mo punta ka na lang doon sa may malaking butas sa gilid nung
malaking bahay na kulay pink. Alam kong alam mo kung saan yun, doon na
kasi kami ngayon tumitira. Hindi na ko doon sa dati tumitira kasi
delikado na kasi marami ng tao ang palaging tumatambay sa lugar na yun.,
baka kami na naman ang mapag-tripan. Sige ingat na lang kaibigan!”
Sabay
mabilis na tumakbo palayo si Pipoy. Kahit tumatanda na sya ay masasabi
nyang hindi pa nanlalabo ang kanyang mga mata. Wala pa rin syang kupas
sa panghuhuli ng daga at pag-akyat sa matataas na puno. Para pa rin
syang bata na mabilis na tumatakbo para habulin ang kanyang kalaro.
Maya-maya ay napatigil sya sa kanyang pagtakbo ng may sumigaw sa likod
nya:
“Bakit mas pinili mo pa yun? Nandito naman ako ah!!!!!”
Nanatiling nakatalikod si Pipoy.
“Hindi
mo lang alam kung gaano ako noon kasaya mula ng makilala kita. Nagpasya
akong umalis ng bahay kahit alam kong malulungkot ang amo ko para
makasama ka lang. Ilang taon rin akong nagpagala-gala sa kalye ng kasama
ka. Sabay nating naranasan ang hirap, pero hindi ko yun pinagsisisihan.
Kahit ba konti di mo man lang naramdaman na mahal kita? Magsalita ka!”
Humarap si Pipoy at mabagal na naglakad palapit kay Emerald. Nakangiti ito.
“Mahal kita. Minahal kita noon...” sabi ni Pipoy.
“Kung nakapaghintay ka lang ng konti pang panahon.....”
0 comments:
Post a Comment