ANG KWENTONG SERYOSO
“Ito ay true story.
Makabagbag damdamin, promise.
Sa sobrang seryoso nito,
ewan ko lang kung inyong seseryosohin.”
Isang araw...
ay mali..heto na lang:
6:05pm,
isang estudyante ang naglalakad.
Papunta saan?
Basta ang alam ko 6pm ang klase niya.
Kahit tinatamad siya sa subject na yun ay wala siyang magagawa,
Sakit ng ulo na naman,sabi niya
Sasakit na naman ang pwet kakaupo,sabi ulit niya.
at sasakit na naman ang mata kakadungaw sa bintana para makita ang mga “magagandang tanawin”,sabi na naman niya
Sa tingin ko itoang isa sa dahilan kung bakit siya nangangamote sa klase.
Sa sunod na taon ay malamang...
oo, malamang.
May posiblidad na makamayan na niya ang Presidente ng unibersidad sa taas ng entablado
at mahawakan ang gintong papel na apat o limang taon na ata niyang inaasam.
Ipinagdarasal nya na kahit isa man lang sanang award makuha niya.
Best supporting actor.
Noong una gusto niyang maging biologist.
Bakit?
Wala.
Basta gusto nya lang.
Wala daw basagan ng trip.
Gusto nya rin maging doktor.
(Kun)doktor.
Naisip nya rin maging archeologist.
Pero naisip nya na parang tanga lang siya kung maghuhukay sya sa lupa na para bang miyembro ng kulto na takot dahil magugunaw na ang mundo.
Tae ang malamang na mahukay mo dito.
Gudluck Indiana Jeebs.
Balik tayo.
Mabilis siyang maglakad.
Feeling niya kasi pag naglakad siya ng mabagal,
para syang zombie.
Plants at lawn mower na lang ang kulang.
Medyo payat lang siya,
medyo maitim,
matangkad na aakalain mong naglalaro ng basketball.
Pero hindi na raw siya naglalaro.
Isang beses na naglaro sya ng basketball ay naka tatlong foul siya.
Pasalamat walang nangyaring suntukan dahil puro sa mukha ng kalaban lumilipad ang kanyang kamay.
Aakalain mong jiujitsu master kasi sumasabay pa ang paa.
Kalbuhin mo sya mag mumukha pa syang siopao kaysa Jet Li.
Pinilit nyang mag shoot pero supalpal pa ng kalaban.
Isang beses nga lang nagtry nasupalpal pa.
Tulala siyang nakatayo sa gilid hanggang matapos ang laban.
Hindi dahil sa nag eemote sya, wala lang talaga maupuan.
Kaya ngayon naisip niya na di siya itinadhanang maglaro ng basketball.
Itinadhana siyang manapak at makipagbasagan ng mukha.
Juk.
Kaya ngayon nagtyatyaga na lang siya sa java games na PES at Real Football.
Pasok siya agad sa C.R.
Walang araw na hindi nya napupuntahan ang iba-ibang c.r sa loob ng kanilang eskuwelahan.
Harap agad sya sa salamin para tingnan ang kanyang mukha.
Walang pagbabago.
Feeling nya lamang lang ng isang paligo si Spock ng Star Trek.
Hilamos siya ng mukha.
Pagkatapos ay kinuha niya sa kanyang bag ang perfume.
Ang perfume na feeling niya ang isa sa dahilan kung bakit amoy pawis na siya pag dating ng gabi.
At pagkalipas ng isang oras hindi na siya amoy pawis kundi amoy karneng botcha.
Ini-spray niya sa kanyang uniform,
sa kanyang kamay,
sa kanyang leeg,
at naisip niya pang i-spray sa kanyang bibig...
Napanuod nya kasi sa telebisyon.
Gusto niya sanang gayahin kaso naisip nya na walang magbubuhat sa kanya papunta sa St.John Hospital.
Tinitigan niya ang kanyang pagmumukha sa salamin na nakadikit sa dingding.
My gawd, sabi niya.
Mahal ang coconut oil pero libre lang na makukuha sa kanyang mukha.
Apoy na lang ang kulang maluluto na ang paborito mong itlog ng ostrich.
Binasa nya ang kanyang buhok para naman fresh tingnan.
Wisik wisik na lang ang kulang mukha na syang isdang kulay puti na ang hasang.
Ayaw na nyang maglagay ng gel kasi nakaka dandruff daw.
Titindi na naman ang kompetisyun ng H&S at Clear.
Tapos gagawin pa endorser ng clear si Christiano Ronaldo.
Taob si John Lloyd.
Di mo sya kilala?
Idol mo kasi si Younghusband.
Inisip nya kung bakit ba sya nagpagupit pa ng buhok.
May nagsabi na kahawig nya raw si Che Guevara.
Sabi niya: Talaga? Magaganda ba ang kanta ni Che Guevara? Rakrakan?
Taob.
Gusto nya rin dati mag pa dreadlock ng buhok.
Idol nya kasi si Bob Marley.
Yah mann!
Pero ngayong bagong gupit na siya naisip nya na gayahin na lang ang porma nung parang-naligaw-lang-na-matabang-member ng Super Junior.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone.
Hala ma li-late na ako, sabi niya.
Patakbo siyang pumunta sa kanyang klasrum.
Maya-maya ay nagsimula na ang klase.
Naisip nya na parang may kulang.
Parang may nawawala.
Nandun pa naman ang kanyang naghihingalong nokia cp.
Nandun pa naman ang kanyang ball pen.
Nandun pa naman ang kanyang calculator.
Nandun pa naman ang kanyang buhok.
Nandun pa naman ang kanyang pwet.
Nandun pa naman ang kanyang kaluluwa.
Di naman nawawala ang kanyang pera.
Di naman nawawala ang pag nanasa nya kay _________.
Kinabahan siya maya-maya.
Isa lang naman ang posibleng mawala sa kanya.
Ang kanyang katinuan.
Oh my...
Kung uso siguro ang frontal lobotomy dito sa Pinas malamang tinusok na sya ng ice pick.
Inisip nya bigla kung may naikwento ba ang kanyang lola tungkol sa kanyang mga ninuno.
Wala naman siya naalala na may nabanggit ang kanyang lola na ang pangalan Sisa.
Napatayo sya bigla.
Napa S*** sya.
Kung tama ang pakaintindi mo ang ibig kong sabihin ay napamura sya, hindi yung natae sya sa kanyang pantalon.
Patakbo syang pumunta doon sa CR,
hindi dahil gusto nya ulit makita sa salamin ang kanyang mukha..
ngunit para balikan ang kanyang NAIWAN NA LIBRO.
Dahil sa pagmamadali dahil mali-late na sya sa klase kaya naiwan nya ang libro.
Hindi ko lang alam kung namumutla na sya pero parang kahawig na nya si Edward ng Twilight.
Parang natatae lang kasi pinagpapawisan ng malamig.
Ahm, yun na nga parang namumutla na nga.
Patakbo na syang papunta sa CR.
Alam mo kung maswerte ka na makita mo sya aakalain mong parang naglayas sya sa kanilang bahay.
Bakit?
Ang laki ng bag eh.
Di ko alam kung ganito na ba ang uso ngayong panahon,
basta alam ko lang na patok ang ganitong porma sa may mga balak na umakyat ng Mount Everest,
o yung iba na trip lang hanapin yung Blair Witch.
Minsan nga napapatingin ako minsan kapag nasa klase sya kasi pag kukunin nya lang notebook nya sa kanyang bag aakalain mo na naghuhukay na ng sarili nyang libingan
Yung tipong nasa loob na ng bag ang ulo nya.
Kung amoy poso negro ang loob ng bag nya malamang mahimatay pa sya.
Sa sobrang laki ng bag nya ay naisip nya bigla kung gaano naman kaliit ang utak niya.
Maghapon nyang bitbit yung libro at di man lang pumasok sa isip nya na ipakain ito doon sa mala-buwayang bunganga ng bag nya.
Sabi nya maganda raw kasi yung may dala-dala kang book.
Para raw malaman ng mga tao na nag-aaral sya at hindi naglalakwatsa na gaya ng parating ginagawa ni Dora the Explorer.
At dahil sa marami raw ang snatcher at kampon ni Lupin sa lugar nila, makakatulong daw ang libro.
Pwede raw pamukpok.
Weak.
At kung dala mo dictionary maswerte ka.
Para maiwasang ma-nosebleed kapa may maligaw na foreigner at magtanong ng direksyon.
Balik tayo.
Minsan naman nakakainis kasi wala naman laman ang bag nya.
Maraming beses na nanghihiram lang sya ng ballpen sa mga kaklase niya kasi nakalimutan daw niya
sa kadahilanang..
nahulog daw sa kanyang bulsa.
hiniram ng iba hindi na nakabalik,
feeling nya meron pero sa totoo wala wala,
at wala syang pambili dahil naubos ang pera sa subject na DOTA at RF.
Mahigit apat na taon na sya nag aaral pero di pa nya nababasa ang student handbook,
pero alam nya na isang malaking problema ang makawala ng libro na hiniram sa library.
Di ko alam kung nagdadasal sya habang naglalakad,
pero ang tanging naririnig ko ay paulit ulit na “patay patay patay..”
Wala na ang libro.
Alam nya na hindi si Boogeyman ang kumuha nun,
at alam nya na kung sino man ang nakakuha nun ay maswerte kasi nakapulot sya ng libro,
at malas kasi sinumpa ang libro na yun.
Ang sino man makapulot ay di makaka gradweyt.
Pampalubag loob nya lang daw sa sarili nya kasi mukhang sya na ang hindi makakagradweyt.
Iniisip nya na baka hindi na ulit sya makakahiram ng libro sa library.
Baka hindi na sya mapapasok ulit.
Wala na syang tutulugan kapag inantok sya kakatitig sa algebra at stat na book.
Problemado na sya.
Ayaw na nya pumasok sa klase.
Wala na sya sa mood para kumain ng isaw sa centro.
Wala na sya sa mood mag “moves like jagger”.
Muntik pa nga sya matumba ng sabihin ng librarian na maghanda ng 10000 pambayad doon sa nawalang libro.
Alam nyang pajoke lang ang banat nung librarian pero problemado na sya na di na nga nya namalayan na tumutulo na ang kanyang sipon.
Ang nasabi lang niya:
HUHHHH??
Nung sumunod na araw pumunta sya sa isang bookstore.
Naisip nya kasi na palitan na lang ang book na kanyang nawala.
Bibili sya ng bago pero naisip nya na kailangan nya munang mamalimos para magkapera.
Kailangan nya munang maging miyembro ng Mafia.
Kailangan nyang sumali sa Showtime.
May kung anong walang kwentang ideya na naman ang pumasok sa kanyang sirang utak.
Naisip nya na suhulan na lang ng mga novels si Maam Librarian.
Pinag isipan na niya ang kanyang sasabihin;
“Ma'am bibigyan na lang kita ng limang libro ni Sydney Sheldon.
Ni isa hindi pa po ako nakakabasa ng nobela nya pero pag may time po ako makikibasa na lang po ako. Taga saan ka po Ma'am?
Kung ayaw mo kay Sydney, Nicholas Sparks na lang.
Blooming ka ma'am, parang inlove ka,
Bagay na bagay diba?
At alam mo ma'am palitan ko na lang ng book about sa Fashion Photography.
Literal na fashion.
Fassshhhshowwnnnn.
Tutal karamihan ng mga tao ngayon ginagawa ng blingbling ang DSLR.
O kaya algebra na lang ma'am.
Tutal dami naman bumabagsak ma'am.”
Parang ganyan na ang plano nya.
Maya-maya pumunta na sya sa library.
Kinakabahan na sya na para bang sya na ang mag peperform sa harapan nila FMG.
Pero muntik na naman mangyari ang muntik-na-naman-na-mahimatay-scenario.
Di sya makapaniwala sa sinabi ng mabait na librarian.
Meron raw isang estudyante ang nagsauli ng napulot na libro.
Pinapunta sya sa baba para alamin kung yun ba talaga ang libro na walang awa nyang naiwan sa loob ng CR.
Naisip nya na kung may buhay lang ang libro ay malamang gaganti yun sa kanya.
Sa dami pa naman kasi ng lugar na pwedeng mapag iwanan nung book sa loob pa ng CR.
Tapos nasa tabi pa ng inodoro.
Sa pagmamadali nya baka nga nalimutan pa nyang i-flush yung you-know-what.
Galit na galit yung libro sa kanya sigurado.
Dali-dali syang bumaba.
Tinanong nya yung isang librarian sa baba kung may nagsauli talaga ng naiwan na libro.
Sabi tanungin nya raw yung guard.
Lapit sya sa guard.
Sabi ng guard tanungin nya raw si Ma'am na nasa gilid.
Ang tinutukoy ng guard ay yung babae rin na unang pinagtanungan nya.
Balik ulit sya doon sa babae.
Sabi ng babae pumunta raw siya sa taas.
Kausapin nya raw yung isang librarian.
Hindi naman sa naguguluhan na sya pero feeling nya para na syang bola na pinagpapasapasahan.
Sabi niya galing na sya sa taas at pinapunta nga sya dun sa baba.
Saka na lumapit si Manong guard at pinangaralan sya.
Nanliit sya bigla na parang si John Pratts na kaharap si Yao Ming.
Matangkad naman sya kay Manong pero parang nanliliit na sya kasi nahihiya.
Tama nga naman si Manong guard na dapat inaalagaan ang libro na hinihiram.
Maya-maya'y ibinigay na sa kanya ang libro.
Pinapunta sya ulit sa taas para ibigay yung libro.
Msayang masaya sya na gusto nya na magtatalon at halikan at yakapin ang libro ng mahigpit.
Pinigilan nya lang na gawin yun kasi naalala nya na may mga CCTV camera na nakakabit sa taas.
Sa panahon na madali na sumikat ang isang tao sa YouTube,
napag isip-isip nya na di pa sya ready makita ang sarili sa mga Kwento ni Marc Logan.
Doon na nga siya tinanong kung saan nya naiwan yun libro.
Nahihiya pa syang nagsabi na “sa CR Ma'am”.
At tinanong pa sya kung bakit madumi na yung libro.
Balak ko sanang sabihin na “sigurado ako Ma'am na hindi yan dumi na galing sa inodoro”
pero inisip nya na baka magalit kaya sinabi nya na “nung hiniram ko yan nandyan na yan Ma'am”.
“Hindi ah hindi naman yan dating ganyan” nakangiting sabi ni Ma'am.
Maya-maya ay nagpaalam na sya.
Sa wakas wala na ang isang problema.
Ewan ko ba kung bakit parang naisip pa nya na mamimiss nya ang ganitong problema.
Tanga.
Sa wakas nakakahinga na sya ng maluwag.
Hindi na nya kailangang ibugaw ang sarili sa plaza kapag gabi para magkapera.
Hindi na nya kailangang basahin ang “the Godfather” para maging isang malufet na gangster.
Hindi na nya kailangang i-memorize at pag aralan ang sayaw ni John Lajoie na “Show me your G___” para ipangsabak sa Pilipinas Got Talent.
Makakatulog na sya ng sobrang himbing na di na nya kailangan pang magbilang ng sandamakmak na lecheng tupa,
minsan lamok at ipis.
Pero sa totoo lang hindi na talaga sya umaasa na makakabalik pa yung libro.
Sa panahon kasi ngayon maiwan mo lang gamit mo huwag ka ng masyadong umasa na makikita at makukuha mo pa yun ulit.
Pero sabi nga “huwag mawalan ng pag-asa”.
Kahit papaano'y di naman sya gaanong nawalan ng pag-asa.
May iilan pa naman palang tao na may mabuting kalooban.
Atenista nga naman.
Sayang at di nya nakita kung sino man ang nakapulot ng kanyang hiniram na libro.
Ano kaya itsura nun?
Nag-isip sya kung babae yun o lalaki.
Pero naisip nya na sinong babae ang papasok sa CR ng lalaki?
Slow talaga sya kahit kailan.
Ang naiisip nyang itsurang pang “Angelina Jollie” ay napalitan ng “Brad Pitt.”
Pappaaahh.
Pero seryoso,
malaki ang pasasalamat nya sa taong yun.
Balak nya sanang yayain itong kumain ng isaw, kwek-kwek at Betamax sa Starbucks.
Salamat.
Salamat.
Salamat.
At ngayong araw na binabasa mo ito ay masaya na sya.
Nakakangiti na rin kahit halatang scripted.
Normal na ang pag-ihi at pagdumi.
Nakakalakad na.
Nakakatalon na.
Himala nga naman.
Hindi ko ito makakalimutan.
Oops, este hindi nya raw ito makakalimutan.
“Tsk. Huling linya na lang sumabit pa. THE END.”
0 comments:
Post a Comment