9/29/11

PINAGHALONG HALO-HALO

Height. (wala na raw 'tong silbe, di na ako naglalaro ng basketball. Pero matatangkad raw ang hinahanap na sales boy sa Divisoria. O tapos? Enjoy manuod ng soccer nuh? Nakakakaba at...yun nga enjoy. Yung tipong lumipas na ang isang oras eh palipad lipad lang ang bola ng left to right, yung tipong inaantok ka na at nakapikit na ang mata mo ng magising ka bigla sa hiyawan ng mga tao tao dahil GOAL daw. Yes Goal! Tapos naghihintay ka nung instant replay dahil di mo napanuod yung “the moves”, tapos napag isip isip mo na tanga ka dahil di ka naman nanunuod sa telebisyon.nyahaha. Mas nag eenjoy ako manuod nyan kesa sa NBA eh.. Sa NBA kasi sa sobrang tatangkad at lalaki ng mga players eh ang bilis ng maka score...dunk dito, dunk dyan..ehh di na nga yata lumulukso ang mga players eh tapos mag da-dunk na naman. Pambihira. Tapos magkakaroon pa ng slam dunk competition..kayo na ang matatangkad.haha. Kung noon pa'y kumakain na ako ng star margarine o yung hotdog sa patalastas ni dagul baka tumangkad pa ko at natanggap pa akong sales boy sa Divisoria.)

Superhero. (Pangarap...oo pangarap kong maging superhero, pero hindi 'yung nakalabas ang brief o 'yung superhero na binato lang ng lata sa ulo eh bumagsak na sa lupa *si storm ba yun?haha. Bakit kadalasan ang name ng superhero may “man”: superman, spiderman, batman, ironman, suman, gulaman... )

Payat. (Tumataba ng konti, sunod na araw, payatot ulit. Corpse daw oh..corpse, sabi ng friend ko, pero di naman ako ang tinutukoy niya. *hingang malalim* si *some text missing*)

Rakista. (Hindi na ko nag e-snack nung high school para makabili lang ng cd ng mga sikat na rock bands: Slipknot, P.O.D, Disturbed, Akon...Bakit nakasama rito si Akon? Di gumana ang backspace. Kaya ng nahilig na rin ako sa mga RNB o hiphop ngayon, sabi ng kakilala kong adik sa korn...WTF! Bakit pag nakikinig ka ng love song eh tatanungin ka: In luv? Pag nakikinig sa tunog ng kalikasan: senti? Pag nakikinig kay Papa Jack: Bigo? Nawala na nga talaga ata yung pagkarakista ko. Minsan nakakanta ko na lang bigla yung....NEW YORK...o kaya yung SEXY CHICK..blah blah.haha juk,. Naalala ko pa yung time na nag he-headbang ako at halos napupunta na sa bibig ko tong kulot kong buhok, o kaya yung time na lumulukso lukso ako sabay sa tugtog ng Rage against the machine tapos biglang tumalsik yung sapatos ko papunta sa kanal. Ambaho tol, try mo minsan.)

Direktor. (Asa naman ako. Pero pangarap ko toh. Sana makilala ko sina pareng Steven *Spielberg*, si pareng Christopher *Nolan*, si pareng Zack *Snyder* at si pareng J.J *Abrams*. Idol!!! oh slowmo....oh anamorphic lens flare..zoooommmm...Gusto kong gumawa ng remake ng mga pelikula nina Vilma Santos, tapos sasabihin niya sa leading man niya: What is the matrix?haha,juk. Astig talaga ang mga indie films dito sa Pinas, diba? Nananalo ng awards sa ibang bansa. Thumbs up! Pero bakit hindi yata nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga indie films. Bakit yung ibang mga lokal na pelikula lang ang mapapanuod sa mga sinehan? Dahil ba sa sikat daw ang direktor? Sikat ang mga artista? Bakit gumagastos pa ang ibang direktor ng milyon milyon para sa pelikulang pangit na nga ang storya, kadalasan malamya pa ang special/ visual effects sa mga action o fantasy films na kanilang ginagawa. Pagkatapos ng pelikula: Ah ano po masasabi nyo sa pelikula? Sabi ng girl: The best film of the year; Ano po masasabi nyo sa pelikula? Sabi naman ni boy: Astig; Ano po masasabi niyo sa pelikula? Sabi ng bading: Ayy kaloka, fantastic film! Ang masasabi ko lang: Mga sinungaling. Pakyut sa camera! hahahah.)

Gitarista (Sira na ang isa kong gitara. 'Tong isa naman nakakabit sa aking katawan. Ribs dude. Ribs. Lol Usong-uso nun yung gitara. Halos kadalasan sa mga estudyante may hawak na gitara; kahit naglalakad lakad lang me hawak na gitara; kahit may klase naggigitara. Ang tanong: marunong kang maggitara o kahit magtuno lamang ng gitara? Sabagay pandagdag raw yan sa porma. Porma pala ah...ihampas ko yan sa ulo mo na parang scenario sa wrestling eh.hahha.jowk. Magagaling maggitara sina Slash, Mark Tremonti *ng Creed at Alterbridge*, Santana at si Tom Morello *ng Rage Against the Machine* diba? Rock on! May nabasa naman akong interview dun sa FHM, di ko kilala yung babae eh..pero sure ako na hindi yun wrestler...singer ata. Ang tanong eh parang ganito: anong trip mong musical instrument? Ang sagot: Gitara, kasi finifinger. Lol. Sabagay tama naman....'me tama.haha.juwk.)

Absent minded. (Natry mo nang mabato ng eraser sa mukha ng teacher mo? Hindi pa? Ako hindi rin. Pero bola? Hell yeah! Sabihan pa ako ng “in your face”. Syempre sa face...alangan naman sa aking balls.haha.lol. Yung tipo bang linulusob na tayo ng mga aliens from outer space tapos nakatunganga ka lang sa space ships nila habang iniisip si . Napanuod nyo yun, yung movie ni Michael bay *na ang executive producer si Steven Spielberg* yung Transformers. Natapos na lamang yung movie eh walang kaalam alam yung nanay at tatay ng bida na nilusob na pala ang earth ng mga decepticons at may nagaganap nang gira. Pambihira.Hahaha.)

Pawisin. (Kahit nasa 29,028 feet na tuktok na ng Mt. Everest at natatabunan na ng yelo, pinagpapawisan pa rin. Natural lang atang pagpawisan kapag super natatae ka na sa loob pa lang ng sinasakyan mong bus. *Manong, bilisan mo naman ang pag drive! Hanep sasabog na ang aking Mayon Volcano.nyahaha* Nangyari na to sa akin tol. Nasa bus pa lang ako ay nararamdaman ko na na sasabog na ang aking tiyan. Alam mo yung feeling na parang may nagaganap na digmaan sa tiyan. Mafia wars kumbaga kung ang usapan pang FB. Yung tipong pinagpapawisan ka na ng malamig at matatakot ka sa sarili mo pagtitig mo sa salamin kasi para ka ng vampire. Namumutla ka na na parang si Edward *tama ba?* sa Toilet..opps...Twilight o kaya si John lloyd sa immoral...opps..imortal.haha.juk. Parang natatae lang ang dalawa.juk. Balik tayo..yun pagbaba ko dun sa bus dali-dali akong tumakbo papunta sa isang public c.r at sumabog na ang bulkan. Paglabas ko eh pinagtatawana ako ng kasama ko *na nagsilbing lookout*. Stereo raw yung sound effects. Pambihira.)

Magazine. (Oo, mahilig ako sa ganyan. Sabi nga ni pareng Oxford dictionary: a chamber for holding a supply of cartridges to be fed automatically to the breech of a gun. Ai mali! Heto: a periodical publication containing articles and illustrations. Malabo na mata ko eh.hahaha.*palusot*. Trip ko ang Game informer *nag-iimagine na mayroon akong Nintendo 3DS, o kaya Playstation Move o kaya Microsoft Kinect*. Habang wala pa akong pambili ng mga ganyan, magtyatyaga muna ako sa aking pinakamamahal na brick game (o break game.watever). Trip ko rin ang Maxim. Astig ang cover design noh? Ganda ni Arianny Celeste.opps.hahaha.)

Twisted. (Ano toh? Natwi-twist ang ulo ng 180 degrees? Ang alam kong mga twisted ang pag iisip sina Hannibal Lecter,, Jigsaw, si leather face, si Alv*some text missing*. Eh kilala nyo yung sa the exorcist? Yung abnormal maglakad ng hagdan..yung..yung..umiikot yung ulo. Hot nuh? Hot. Sabi nga nyan..”pwede na yan pagtsagaan.hahah.juk. May nabasa nga ako dun sa Maxim about kay Philip Markoff ata yun. *di nyo kilala? Kahit ako hindi rin. Nabasa lang.haha* Basta killer sya. Sabi ng roomates nya mabait daw siya, hindi...wait nga at kunin ko na lang ang magazine at kopyahin ko na lang 'tong ibang mga nakasulat.hehe..ok...”He wasn't creepy, he wasn't cruel to animals. When we threw parties, he was present but he had no presence. He laughed at jokes but didn't tell any. He seemed normal and he was shy but nice. Yan kaya hindi lahat ng akala nating matino eh normal, minsan yang akala pa nating matitino ay yun pa ang..loko loko. At hindi lahat ng akala nating masama ay masama, katulad ni Hell boy, kilala mo? Kung hindi paregister ka na sa Videocity. Pray ka na walang registration fee.hahaha., Sa pangalan pa lang matatakot ka na, mukha pa lang mapapatakbo ka na, kamay pa lang mapapasigaw ka na ng omg *nyahaha*, pero wag ka mabait yan. Ay naku walang kwenta tong topic na to, basta ako labas na ako dyan dahil kung tungkol sa pag-uusapan, bagsak na ako. abno eh.hehe. )

Texter. (Sabi nila noon, lumalabas lang ako ng bahay kapag wala akong load. Ang sabi. Nag overheat yung nokia 3350 ko. Sabi nila pinagpawisan raw yung kamay ko tapos pumasok sa keypad ng cp ko kaya nagmulfunction. Ang sabi. Naalala ko pa nung kapanahunan na ang dami kong katext...na sa sobrang dami natatanong ko sa isa kong katext: Ano nga yung reply mo?hahaha. Eh nung kapanahunan na wala pang unli call o unli text...ang 30 pesos, 30 rin na text. Parang nobela na kahaba ang reply mo tapos ang irereply lang sa text mo: a. :-) b. hehe c. ok d. . Delete mo na number nyan.hahaha.)

Fav fudz. (Pag tinatanong ko to noon sa mga klasmeyts ko, kadalasang sinasabi nila: kahit ano basta kinakain. Sagot ko naman: Ah...so trip mo damo? Kinakain yan diba...kinakain ng mga baka at kalabaw. Kalabaw ka naman ah. Toinks. Ang sama.haha. Ako gusto ko talaga Spaghetti eh. Sa sobrang hilig ko nyan, naalala ko pa nung bata pa ko. Nagluto ako ng noodles tapos hiniwalay ko yung noodles sa sabaw tapos nilagyan ko ng ketchup. Whew. Hindi napunta sa tiyan ko yung niluto ko, napunta sa tiyan ng baboy namin. Dahil nga sa twisted ang pag iisip ko noon (maging ata ngayon), naisipan ko na naman na magluto ng noodles tapos hindi na sauce ang nilagay ko, asukal naman. Hindi na sa tiyan ko o sa tiyan ng baboy napunta yung noodles. *sa sahig na....sumuka eh.hahaha.lol*)

ITUTULOY.

(yun kung may kalokohan pang natitira sa aking “patrick-the-starfish-brain”.)

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM