9/29/11

HULYO

JOHN: WHEW! UNANG ARAW PA NGA LANG NG PASUKAN TINAMBAKAN KAAGAD TAYO NG PAGKARAMI-RAMING ASSIGNMENTS! NU BA NAMAN YAN…

PAUL: ABA ‘TOL MASANAY KA NA. NASA KOLEHIYO NA TAYO. KUNG NOONG NASA HAYSKUL PA TAYO EH NAKUKUHA PA NATING MANGOPYA, MAGKODIGO AT GUMAWA NG KUNG ANO-ANONG KALOKOHAN..NGAYON IBA NA. NANGAKO NA NGA AKO KAY MAMA AT PAPA NA MAGSESERYOSO NA AKO. SABI NGA NYAN: EDUCATION IS A PROGRESSIVE DISCOVERING OF OUR OWN IGNORA….

JOHN: OK OK TUMIGIL KA NA NGA. ANG INGAY MO. PERO SIGURADONG MAG-EENJOY TAYO RITO. ANG DAMING CHICKS.HEHE.

PAUL: ANG HILIG MO SA CHICKS PERO WALA KA NAMAN NI ISANG GF.HAHA. OO ANG DAMI NGA RITO…UMIIKOT NA NGA ANG ULO KO NG 180 DEGREES KAKATINGIN SA MGA YAN. ANG GAGANDA.

JOHN: OH ANG LAWAY MO…

PAUL: NAKIKITA MO BA NAKIKITA KO? JOHN: HUH? SAAN?

PAUL: ‘YANG BABAENG NAKATAYO DYAN SA HARAPAN NG BULLETIN BOARD. ANG GANDA ‘TOL OH..ANG SEXY AT ANG PUTI…

JOHN: YUN BA? TEKA MUKHANG PAMILYAR SA AKIN AH…

PAUL: ‘ME SINASABI KA?

JOHN: AH WALA WALA. SABI KO NA NGA BA KILALA KO YAN EH…SI JANE NGA!

PAUL: KILALA MO? OWS..DI NGA?

JOHN: SIYA YUNG IKWENENTO KO SA’YO NA FRIEND KO NUNG HAYSKUL…

PAUL: AH. YUNG UNANG NAGPATIBOK SA BATO MONG PUSO?? AYIIEEEE…

JOHN: IHAMPAS KO KAYA ‘TONG LIBRO KO SA MUKHA MO!

PAUL: TAPOS….NILIGAWAN MO. DI KA PA NGA SINASAGOT..YUN, SA KASAMAANG PALAD…BUMALIK NA SILA SA KANILANG PROBINSYA. KAYA BA HANGGANG NGAYON WALA KA PANG GIRLFRIEND KASI HINIHINTAY MO PA RIN SYA? AMININ.HEHEHE

JOHN: O.A KA MASYADO! WAIT LANG AT LALAPITAN KO…

PAUL: SAMA KO!

JOHN: WUI JANE!

JANE: HUH? JOHN?

JOHN: OO AKO NGA…

JANE: MUSTA KA NA? TAGAL NA NATING DI NAGKIKITA AH..

JOHN: OO NGA EH. NAMISS NGA KITA EH..

JANE: HUH?

JOHN: AH WALA WALA..HMM..ANG LIIT TALAGA NG MUNDO OH…DITO KA RIN PALA NAG-AARAL. .

JANE: OO NGA EH. NAGPASYA SILA MAMA NA DITO NA LANG AKO MAG-ARAL KASI MAGANDA RAW DITO..

JOHN: AHH..OO NAMAN SYEMPRE…

PAUL: EHEM…EHEM…

JOHN: AYY MUNTIK KO NA PALANG MAKALIMUTAN..FRIEND KO PALA SI PAUL..

JANE: HI PAUL!

PAUL: EOWW POWHZZ…!

JANE: HMMP?HEHEHEHE

JOHN: AH JANE..GUSTO MO BA SUMAMA SA AMIN? KAIN TAYO DUN SA LABAS..KUNG OK LANG SA’YO..

PAUL: KALA KO BA PUPUNTA TAYO SA LIBRARY? MAGPAP....AWWW!!! BAKIT MO KO SINIKO??

JOHN: KAHIT KAILAN PANIRA KA TALAGA NG MOMENT, ANO? HALIKA NA JANE TAYO NA LANG ANG KUMAIN AT MUKHANG PUPUNTA PA 'TONG KAIBIGAN KO SA LIBRARY.

JANE: AH..EH..AYOS LANG SA AKIN KASO ‘ME HINIHINTAY AKO EH..OH AYAN NA NGA PALA SYA EH..

KEN: HI BABY..

JANE: HI..

KEN: LIKA NA AT KAKAIN NA TAYO. OH..SINO SILA?

JANE: AH FRIENDS KO PALA..SI JOHN AT SI PAUL. JOHN, PAUL..SI KEN PALA BOYFRIEND KO..

JOHN: AH..MUSTA TOL..

JOE: AH OK. CGE MGA ‘TOL. KAIN MUNA KAMI NG BABY KO..

JANE: GUSTO NYO SUMABAY?

JOHN: AY..SIGE KAYO NA LANG, ‘SASAMAHAN KO MUNA SI PAUL DAHIL HIHIRAM NG LIBRO SA LIBRARY! INGAT KAYO..INGAT KA J…

JANE: BYE! INGAT RIN!

JOHN: MAY BOYFRIEND NA PALA SIYA..

PAUL: TARA PUNTA NA TAYO SA LIBRARY. OI JOHN!! AYOS KA LANG?? TULALA KA NA DYAN AH..

JOHN: AH..OO..OO AYOS LANG AKO

PAUL: ASUS! LIKA NA NGA WAG NA TAYO PUMASOK SA KLASE NATIN SA ALGEBRA MAMAYA. MAG-INUMAN NA LANG TAYO! MAGPAKALUNOD TAYO NGAYONG ARAW. LIBRE KO NA ANG BEER AT PULUTAN!

JOHN: BA’T NAMAN NAISIPAN MONG MAGPAINUM NGAYON?

PAUL: HAHAHA! AYY GAWD TUMALSIK PA LAWAY KO.HAHAHA

JOHN: KAW TUMIGIL KA JAN AH..ALAM KO NASA ISIP MO!

PAUL: HAHA JOKE LANG.PEACE.

JOHN: ALAM MO KUNG HINDI LANG KITA KAIBIGAN BAKA INILUBLOB KO NA ANG MUKHA MO SA INODORO!

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM