PARTY (MAIKLING KWENTO)
(09:39:03 A.M)
“Pare saan ka ba pupunta?” Tanong sa akin ng kaibigan kong si Joseph.
“Ah doon lang pare sa Arts and Sciences Department, me aasikasuhin lang.. bakit?” Nagtatakang tanong ko.
“Ah wala naman,hehe. ‘Di ba meron tayong party mamaya sa bahay ni Carlo?! Birthday niya, magpapainum daw sya”.
“Ah ganun ba? Haha nakalimutan ko kasi. Sige kitakits na lang tayo mamaya. Medyo mali-late siguro ko dahil marami pa kasi kong gagawing projects at meron pa kaming group defense sa major subject namin.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako ngunit meron pa syang pahabol: “Muntik ko na pala pareng makalimutan…hmmm pwede ba makitulog mamaya sa boarding house mo? Di na kasi ko uuwi sa bahay dahil mapapagalitan na naman ako nyan ni Mama.” Nahihiyang sabi niya sa akin.
“No problem pare. Basta ‘wag ka lang magkalat sa kwarto ko…alam mo na malalasing ka na naman. Haha. Joke.”
“Haha ok Salamat (sabay tapik sa aking balikat). Sige pare asikasuhin mo na yang projects mo.” wika niya.
“Ok, cge.” Dali-dali akong umalis bitbit ang patong-patong na mga folders na halos magkagusot-gusot na dahil sa aking pagmamadali.
(10:21:39 PM)
“Pare saan ka na pupunta?” Tanong sa akin sa akin ni Carlo.
"‘Pare sakit na ng ulo ko. Lasing na ata ako…kailang…
“Hina mo naman Marco, eh nakakaisang bote pa nga lang tayo eh.” Sabi ng isa ko pang kaibigan.
“Nasusuka na ko pare….cge ingat na lang kayo sa pag-uwi, Happy Birthday ulit Kaloy!” sigaw ko sa kanila habang matuling naglalakad palabas ng pinto.
Agad kong pinara ang dumaan na jeep. Ang bilis ng pagmamaneho ng drayber kaya madali akong nakarating sa aking boarding house. Kalilipat ko pa lang dito nung isang linggo dahil yung dati kong boarding house ay malayo sa aming paaralan.
“Shit, walang kuryente.” Umiikot na talaga ang aking paningin kaya halos sinadya ko na lang na itumba ang aking katawan sa aking malambot na kama. Ilang minuto lang ay dinalaw na ako ng aking antok. Dilim.
(01:05:01 AM)
Nagising ako bigla ng di ko inaasahan. Nakatulog pala ako na hindi man lang nakapagpalit ng damit; suot ko pa ang aking sapatos at hawak ang susi sa aking kwarto. Masakit pa rin ang aking ulo. Wala pa ring kuryente; ang maliwanag na buwan lang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa aking madilim ngunit malawak na kwarto.
“HMMMMMMM…….”
“Nandito na pala si Joseph. Haha mukhang lasing na lasing ang loko ah. Ang ingay naman matulog” bulong ko sa aking sarili.
“HOY JOSEPH MAGPATULOG KA NAMAN!!!” nakatawang sigaw ko sa kanya. Doon siya nakahiga sa isang kama. Merong kurtina sa harapan kaya di mo makikita ang hihiga dun. Yung kaibigan kong si Emily ang naglagay ng kurtina, mas bagay raw tingnan. Kahit na medyo madilim sa loob ng kwarto ay medyo naaaninag ko ang isa niyang paa na nakalabas sa kurtina.
“Nakapajama pa ang loko.” sabi ko sa aking sarili.
Nainis na ako dahil ni hindi man lang sya nagigising kaya pinikit ko na lang ang aking mata. Maya-maya ay sinilip ko uli: nakatayo na siya sa madilim na sulok ng aking silid.
“Aba, naglalakad ng tulog. Haha grabe talaga to pagnakainum.” Naramdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin kaya binalot ko ang aking katawan ng makapal na kumot. Maya-maya ay nakatulog na ako.
(06:57:13AM)
Hayyy ang aga ko naman nagising. Bumangon agad ako sa aking kama at nag-stretching.
“Buti naman at di na masyadong masakit ang aking ulo.” sabi ko. Umalis na pala si Joseph. Hindi man lang siya sa akin nagpaalam.
“Grabe ang aga pala nagising nung loko ah” nakangiting bulong ko sa aking sarili.
“TAHO! TAHO!”
“Wow makabili nga ng taho”.
Lalabas na sana ko sa aking kwarto ng mapansin kong naka lock pala ang pinto sa aking kwarto.
“Nasaan pala ang susi?....teka….” kinakabahang bulong ko sa aking sarili.
Agad kong kinuha ang aking cellphone. Tumulo bigla ang aking pawis at nagtayuan ang aking balahibo ng mabasa ko ang mga text ni Joseph:
"Pare d2 ko sa labas ng boarding hauz mo. ‘D ako makpasok, Nakalock ang pin2."
Agad kong natanong sa aking sarili: Sino yung nakasama ko sa aking kwarto kagabi?!?
0 comments:
Post a Comment