MAHIRAP TALAGA MAGING ARTISTA
Ilang buwan na rin ako sa
aking trabaho; ilang buwan na ring durog ang pwet ko kakaupo habang nakatutok
ang mata kay Imac, ilang buwan na ring pinipilit na magpaka creative at
pinagpipilitan na kumbinsihin ang sarili na magaling ako sa ganito..sa
ganyan..at sa kung ano man na ibato sa aking gawain. Masasabi ko na may mga
natututunan naman ako sa lahat ng aking mga pinaggagagawa pero mahirap pa rin
sabihin na magaling na ako sa larangan o sa career na aking pinili.Oo masasabi
ko na may karanasan na rin ako pagdating sa potograpiya, sa paghawak ng
videocam o sa pag buo ng kwento gamit ang sikat na video editing software pero
hindi pa ako ganun kalufet. Minsan nasasanay na rin ako na may tumatawag na
“sir” o kahit may “po” na (kasi matanda na rin ako). Sinasanay na rin mag paka
professional sa pananamit at kahit sa
pagsasalita pero di pa rin mapigilan mapa syet o fuck. Sori. Patuloy pa rin ang aking pag-aaral. Nakatapos
ako sa Ateneo na marami pa akong kailangang malaman/ alamin, at ngayon ay
nagpapatuloy pa rin ang aking pag-aaral pero sa labas na ng apat na sulok ng
klasrum.
Sabi ko nga, mahirap
maging artista.
Ewan ko ba kung bakit
“artista” pa ang nasa title. Eh “artist” kasi ang kadalasang nababanggit, tulad
na lang kapag graphic artist ka ang itatawag sa'yo artist. Hindi ko
kinoconsider ang sarili ko na “artist” – artistahin lang ang itsura pero
malayong malayo sa depenisyon ng artist na nasa isip mo. Kapal ko nuh?
Ok masasabi ko na may mga
napasaya na rin akong mga kustomer/ kliyente sa aking mga pinaggagagawa. Diba
wala ng mas sasaya pa kapag nagustuhan ng isang kliyente ang gawa mo. At wala
ring mas bwibwisit pa kapag di nya nagustuhan at nilait pa ang iyong gawa. Ang
pinagpaguran mo ng ilang araw ay biglang babaguhin. Ok, tanggapin na lang
natin, tutal sila naman talaga ang masusunod. Ano nga ba naman ang magagawa mo?
Maglupasay ka na lang.
Hindi pa naman ako
nakaranas ng ganyan ka lufet na maiiyak ka na lang sa sulok dahil sa panlalait
na inabot mo galing mismo sa bibig ng kustomer. Syet. Pero nasabon na rin dahil
minsan hindi sa oras natatapos ang gawain. 'Yung tipong kapag kinakausap ka ay
gusto mo na tumakbo palayo o lumipad kasama si Clark Kent o magtago ng buong
araw sa loob ng c.r.
Ang maganda at malufet kasi
sa'yo ay pwedeng pangit naman sa ibang tao.
Ganyan lang kasi naman yan
eh. Magkakaiba naman ang trip natin. Ang maganda sa'yo pwedeng pangit sa iba,
at ang pangit sa'yo pwedeng beauty queen naman kay Juan. Sino si Juan? Ewan
wala lang maisip ibang pangalan. Kaya kung ano gusto ng nagpapagawa ay iyon ang
sundin, kahit gaano pa yan kabaduy o kapangit.
Mahirap nga naman kasi
maging artista. Wasuy.
0 comments:
Post a Comment