NOBYEMBRE (MAIKLING KWENTO)
Kung
hindi ako nagkakamali ay November 1 ata 'yun.
Matagal
na ito. Isa na nga atang rason para kalimutan na, ano pa nga bang
rason para ilagay pa rito sa aking personal na blog? Sigurado may mga
nakakaalam na nito, kasi ikwenento ko na ito sa ilan. Ehem, hindi ako
sana'y na magsulat ng sobrang seryoso. Sayang naman kasi kung hindi
ko pa ilalagay dito.
Whew,
hindi naman kagandahan itong ikwekwento ko. Hindi naman ito bago,
lalo pa kung matagal ka ng tumatambay at nakikibasa sa aking s****y
blog.
Kaming
magpipinsan at magbabarkada ay mahilig tumambay sa isang lugar na
napapaligiran ng matataas at malalaking kawayan. Ang sarap ng hangin
doon, nanunuot sa aking balat. At maririnig mo ang malakas na tunog
na nalilikha ng mga kawayan kapag nahihipan ng napakalakas na hangin.
Malawak ang lugar na ito na para bang soccer field, hindi kataasan
ang mga damo at may mga kahoy sa gilid. Sa dulo rin nga nito ay isang
sapa, kung saan kami noon naglalaro at naliligo. Sa lugar ito kami
noon naglalaro at tumatambay. Siguro ito na rin ang rason kung bakit
kami nagtayo roon ng isang tambayan, isang maliit na kubo na gawa sa
kawayan at mga kaperaso ng kahoy. Hindi ito 'yung tipo ng kubo na
malaki at maganda ang pagkakagawa; ginawa lang namin na may bubong at
may upuan, wala itong dingding. Sa tambayan na ito kami
nag-uusap-usap, natutulog kapag tanghali at minsan kapag may inuman.
Isang
araw, araw ng mga patay (kung hindi nga talaga ako nagkakamali), ay
naisip namin na doon tumambay. Hindi ko na matandaan kung sino ang
pasimuno nito pero lahat naman kami gusto na doon magpalipas ng gabi.
Tama, magpalipas ng gabi. Doon daw kami matutulog. Goodluck naman sa
amin kung makakatulog kami doon ng matiwasay. Napakalamig ng hangin
doon lalo pa't walang dingding ang aming tambayan, kaya dapa't
magdala ng makapal na kumot. Nagkalat din ang lamok sa mga ganitong
lugar na halos magkapasa-pasa na ang aking mukha sa kakatapik kapag
may dumadapo sa aking pisngi. Sobrang dilim din dito, pramis. Kapag
nagtatago ang buwan sa mga ulap ay sobrang dilim na kailangan mo ng
ilaw o flashlight para makapaglakad ka ng maayos. Ingat din sa ahas.
Basta, medyo nakakapangilabot dito kapag dadaan ka ng gabi na wala
man lang dalang ilaw o walang liwanag ang buwan.
Madilim
na sa aming tambayan. Gabi na eh.
Kumuha
kami ng mga tuyong kahoy at mga dahon sa paligid. Tinipon namin ito
at sinindihan. Maliwanag na sa lugar at malakas ang usok na pwede na
atang panakot sa mga nagkalat na lamok sa aming paligid. Mga pito o
anim kami doon, at lahat kami kung ano-ano ang ginagawa.
Nagkwekwentuhan, nagkakantahan, naghihiyawan..basta ang ingay-ingay
namin. Iniisip ko na lang na sana wala kaming magambalang mga ligaw
na...alam mo na yan...na hindi nakikita. Hindi naman ako nakakaramdam
ng takot, siguro maging ang mga kasama ko. Bakit naman kami
matatakot? Siguro sa ahas pwede pa. Maya-maya, dahil siguro wala ng
magawa ay humiga na lang kami. Ang iba siguro ay inaantok na, maging
ako ay bumibigat na rin ang aking mga mata. Unti-unti na ring nawala
ang liwanag na galing sa apoy. Maya-maya pa ay nag-aalisan na kami,
dahil siguro sa paunti-unti na kaming pinapapak ng mga lamok, dahil
sa lamig o dahil sa hindi naman talaga namin plano na matulog sa
ganitong lugar.
Hindi
ko noon sigurado kung anong oras na. Siguro mga 11pm na ata o 12 ng
mag-alisan kami. Medyo hindi naman ito kalayuan sa amin kaya madali
lang naman makauwi.
Pagdating
ko sa bahay ay agad akong humiga. Hindi nagtagal ay nilamon na ako ng
dilim. Hindi ko lang sigurado kung malakas pa akong humilik.
Alam
ko noong mga oras na iyon na hindi ako nananaginip. Ang weird. Basta
iba ang pakiramdam. Nagising ako bigla. Hindi ko alam kung bakit
basta ang bilis ng pagmulat ng aking mga mata. Parang may mali.
Parang pakiramdam ko may humahawak sa aking paa kaya ako biglang
nagising. Medyo maliwanag naman ang buwan noong panahong iyon, pasok
ang konting liwanag sa mga bintana. Paggising ko ay napadako agad ang
mga mata ko sa aking mga paa. Wala naman akong nakita kung sino o
kung ano ang parang humawak sa aking paa. Di'ba ang weird ng ganyang
pangyayari? Hindi ko alam kung anong oras ba iyon, siguro mga 1 o
3am. Nakahiga pa ako nito. Nakikiramdam. Parang may gumagalaw-galaw
sa aking gilid. Sa ay oras na iyon ay medyo nakakaramdam na ako
ng konting takot. Ano ito...pusa? Daga? Ewan. Parang wala naman akong
nakikita. Nang bigla kong igalaw ang aking kaliwang kamay ay may
natamaan (o nahagip) akong parang kakaiba...parang kamay!!!! Kuko ba
iyon? Ewan. Hindi ko sigurado at hindi ko alam kung ano iyon at
posibleng baka ibang bagay naman ang natapik ko pero sa panahong iyon
ay sobrang takot na talaga ako. Nagmamadali kong binuhat ang aking
sarili sa aking higaan...at huwag mo na itanong kung ano ang sunod na
ginawa ko.
Sa
totoo nyan eh hindi na yun naulit pa. Kaya
kung tatanungin mo ako kung naniniwala na ba ako sa mga nilalang o
espirito na nagpaparamdam o nananakot...? Pwede na rin, pero
sana kung multo man iyon ay sana nagpakita na lang. Jowk lang po.
0 comments:
Post a Comment