WALLET. WALEY.
Ano nga ba ang silbi ng wallet? Ang tanga ko naman kong di ko alam; syempre lalagyan ng pera (o kahit na nga walang lamang pera yan wallet mo dinadala mo pa eh. Aminin.) Dagdag porma pa yan. Parang nagmumukha pa ngang aso ang mga wallet ninyo eh, me kadena eh.hehehe. Sabagay, sa dami ba naman ng mga kalahi ni Lupin III dito sa bansa natin. Kulang na nga lang eh lagyan na ng lock ang mga wallet para kahit manakaw eh mahihirapan silang buksan ito. At saka pala meron namang iba jan na parang ipinagmamayabang pa ang wallet nila diba? Diba?. Yung tipong pag nakita mo eh parang hinahamon ka niya na dukutin ang wallet na nasa likod pa ng pantalon niya. Kung sa harapan ko pa mismo siya makitang ninakawan eh baka tawanan ko pa yan. yabang kasi eh, yan tuloy napala mo. Eh pano na yan 1, 2, 3 ka na lang para makauwi.ahahah.belat.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko talaga trip ang paggamit ng wallet o pitaka o yan nga parehas rin. Ano ba naman ang inaasahan niyong ilalagay ko jan? Eh wala naman akong ka pera pera eh.hehehe. Sabagay noon ngang gumagamit pa ako niyan eh nilalagyan ko ng resibo, exam permit, 2x2 picture ko na hindi naman kagandahan ang pagka edit sa photoshop at kung ano ano pa. Pero pwede pa pala lagyan ng espesyal na papel na madalas ginagamit sa banyo..at least kong tawagan ka na naman ulit ni Ginoong inODOro eh hindi ka na mamomroblema kong me tubig ba o wala sa c.r.hihi.
Bumili ako nun ng wallet. Basta nakita ko lang dun sa gilid gilid, eh nagandahan ako sa kulay, oo sa kulay lang. Eh yung design? Ayos lang, kaso pag nakikita ko parang naaalala ko yung black na parang tela na ipinupulopot sa braso kapag nagpapacheck up sa doctor. High blood o Low blood?hehehehe. Ah basta. Nasanay na talaga ako nun na palaging me dalang pitaka (ito na lang gagamitin ko para hindi coÑo pakinggan.hihi) Ang bigat bigat kaya nun..lahat kasi barya ang nilalagay ko. Tapos yun nga, basta, ang tanga tanga ko kasi eh..basta..heto kwento ko na lang sa inyo:
Pauwi na ako nun galing sa skol. Talagang nagmamadali na ko dahil may panunuurin pa akong magandang palabas sa telebisyon. Para na akong si flash sa Justice League sa sobrang bilis, yung nga lang eh me bitbit na malaking bag. Sakay ako bigla sa harapan ng jeep at bigla namang napatingin si mamang driver. Hayon biglang humarurot ng napakabilis ng jeep kaya ang bilis kong nakababa dun sa sakayan ng bus. Nang nakababa na ko (at nakaalis na rin syempre yung jeep) eh kinapa ko ang aking bulsa. Napa S*** na lang ako bigla ng hindi ko na nakakapa ang pitaka sa aking mababaw na bulsa at biglang tumulo ang animo'y galing-sa-ref-dahil-sa-sobrang-lamig na pawis ko. Talagang nasa panic mode na ako nung mga oras na yun. Teka teka me nakakakapa ako. SAMPUNG PESO!!!. Me natirang sampung peso sa bulsa ko. Pewo hindi to sapat; hindi to aabot hanggang bahay. Sinigawan na lang ako bigla ng utak ko ng GO GO GO ng me tumigil na bus sa harapan ko. Yun sumakay na ako. Kalahating oras ang biyahe at kalahating oras rin ako nag iisip kong sa jeep kong paano kaya naiwan ang pitaka o baka kung saan. .ang tanga ko talaga.period. Iniimagine ko na rin kung gaano kalayo ang lalakarin ko para makauwi sa bahay. Darn, ang layo kaya. Nasa kabilang bundok pa ang lugar namin (juwk lang) este kabilang baryo pa ata. Handa na rin ako sa kung ano mang masamang pwedeng mangyari sa akin. Talagang alisto ang aking utak at baka may mang trip sa aking mga tambay o baka may bigla na lang sasaksak sa likod ko at mamalayan ko na lang na bumubulwak na ang dugo ko sa aking mga ugat na animo'y irrigation at magigising na lang ako sa ingay ng mga nagkakantahan na anghel o pwede naman sa paanan ng lalaking saksakan sa pangit na me sungay at me malaking tinidor na hawak. Relax vin, ang O.A mo. Yun habang naglalakad ako eh me nakasalubong akong tomboy. Ang sama ng tingin tapos parang susugod sa akin; baliw ata yun eh, parang naka marijuana o shabu o kung ano man tinira nung baliw na yun. Buti na lang di sya lumapit kundi pauulanan ko yun ng bonggang bonggang tadyak at suntok sa mukha niya. Yun, lakad na naman ako na parang wala ng katapusan. Halos nakayuko na akong naglalakad at baka me makakilala sa akin sa jeep o sa bus baka isiping wala akong pamasahe (wala nga talaga, kaya nga naglalakad eh.hihi). Buti na lang me ibang daanan, shortcut kumbaga.
Lakad. Lakad. Lakad.
Makalipas ang ilang oras, eh nakarating na ako sa aming bahay. Cool na cool pa rin, kahit na nga feeling ko parang umuusok na paa ko. Diba masarap sa feeling yung sa hinaba haba ng paglalakbay, eh narating mo na rin ang gusto mong puntahan; kahit na nga malayo, dahil sa tiyaga, eh mararating mo. Wala naman, pampalubag loob lang to sa aking sarili.haha
Kaya ngayon ayoko ng gumamit ng pitaka. Malilimutin talaga ako at tatanga tanga kaya di ko talaga gusto na me kung ano anong dinadala. Kaya ngayon basta basta ko na lang sinusuksok sa bulsa ko ang pera; halo-halo na ang papel (gusot gusot na nga na parang toilet paper na ang dating) at ang barya. Naisip ko na bumili ng pitaka ngunit imbes na pera eh tae ng aso ang ilalagay ko. Isusuksok ko yan sa likod ng aking pantalon, at pag napag interesan ng magnanakaw eh patay sya sa aking pamatay na practical jowk.bwhahaha. Pero wag na nga lang, wala nga akong perang pambili ng sapatos tapos ibibili ko pa ng pitaka na lalagyan lang ng tae. Yak. Mangangamoy pa ako nyan 'tol. Turn-off dude.haha.
Oh, butas ang bulsa ko! Patay. ARRRRRGGGGGGGGGGGGGG!!!
0 comments:
Post a Comment