9/29/11

APAT NA ARAW (MAIKLING KWENTO)


AUGUST 12,2003 6:02AM

“Basta nakita ko po nasa taas siya ng gusali na iyan. Akala ko nga eh may tinitingnan lang dito sa baba. Parang may kausap sa cellphone. Parang sumisigaw panga eh. Tapos bigla na lang syang tumalon. Ang sama ng bagsak, nauna pa ang ulo!” sabi ng isang lalaki na nakakita sa pangyayari.
“Wala ka bang nakitang tumulak sa kanya kaya sya nahulog o baka may iba siyang kasama sa taas?” tanong ng pulis.
“Ayy wala po, siyalang nakita ko sa taas.”
Napapaligiran ng mga usisero ang bangkay ng isang batang lalaki na duguan at bali ang leeg.

AUGUST 09, 2003 11:00PM

“Maam! Maam!”
Napalingon si Mrs.Cruz dahil may tumatawag sa kanya.
“Ma'am, magsa-submitt lang ako nitong project”, sabi ni Henry.
“Aba Henry, ikaw ang pinakauna-unahang nakatapos sa pag gawa ng project”, nagtatakang sabi ni Mrs. Cruz.
“Ginaganahan kasi ako Ma'am gumawa ng project na ito eh. Pagkagising ko kaninang umaga kinuha ko agad laptop ko at sinimulan ko ng gawin. Tutal wala naman pasok ngayon eh.”
“Mabuti naman at mukhang ginaganahan ka ngayong gumawa ng project. Dati rati naman ikaw yung huli na nga mag submitt ng project tapos halatang minadali pa, ” nakangiting sabi ni Mrs. Cruz
“Gusto ko kasi Ma'am na tumaas naman kahit papano ang marka ko.hehe”
“Oh sige na at may ginagawa pa ako dito.”
“Salamat Ma'am!”
Habang naglalakad si Henry ay nakasalubong nya ang isa sa matalik nyang kaibigan, si Lucy.
“Wui musta, anoang ginagawa mo dito sa school? wala namang pasok ah” , tanong ni Lucy.
“Ah wala, sinabmit ko lang yong project.”
“Wow! Bilis mo namang natapos 'yun, ang hirap kaya nun.”
“Haha, ang dali lang kaya. Kaninang umaga ko nga lang ginawa eh”, pagmamayabang ni Henry.
“Ah ok, oh heto na pala 'yung hiniram kong libro sa'yo, ampangit naman ng storya niyan..'di ko na nga tinapos.hehe”
“Hoy ito kaya ang isa sa pinakamalufet na book na nabili ko.”
“O sya...una na ako, may gagawin pa kasi ako”, sabi ni Lucy.
“Ako nga rin eh,maglalaro pa kami nila John ng basketball.”
Nagmamadaling umuwi sa kanilang bahay si Henry. Inihagis niya ang libro sa kanyang kama at dali-daling nagpalit ng damit.
“Ma', punta lang ako kina John, maglalaro lang kami ah.”
“O sige, basta uwi ka lang agad...tutulungan mo pang gumawa ng project ang kapatid mo”,sabi ng kanyang nanay.
“Ok ma!”

AUGUST 10, 2003 9:00AM

“Diba Maam sinabmit ko sa'yo yung project ko kahapon?” nagtatakang tanong ni Henry.
“Mr. Tolentino lahat ng clasmates mo ay nagsubmitt sa akin ng kanilang mga project kahapon. Ikaw lang ang hindi.”, sabi ni Mrs.Cruz.
''Pero Ma'am diba sabi mo pa nga ako ang pinakauna-unahang nag-submitt ng project. Baka po nakalimutan mo lang kung saan nailagay yun kasi busy ka kahapon.”
“Henry, hindi ka pumunta rito kahapon. Ni hindi nga kita nakita o nakausap. Saka ikaw lang naman sa buong klase ang tamad na gumawa ng assignment at project. Tatlong projects na ang hindi mo ginawa at mabababa pa ang resulta ng exam mo.”,sabi ni Mrs Cruz.
“Pero Ma'am gumawa talaga ako kahapon. Lucy diba nagkita pa tayo kahapon? Binalik mo pa nga yung librong hiniram mo sa akin.”
“Huh? Hindi ako pumunta rito sa school kahapon. Dun lang ako sa bahay dahil tinapos ko yung project tapos pumunta ako dito sa school mga 6pm na dahil sinabmit ko kay Ma'am", nagtatakang sagot ni Lucy.
“Pero diba binalik mo pa nga sa akin yung libro ko”, tanong niHenry.
“Hindi nga ako pumunta rito kahapon, saka nasa bahay pa yung libro mo. Hindi ko pa nga natatapos basahin eh. Ayos ka lang? Baka panaginip mo lang naman yun.”
“Hindi eh, hindi panaginip yun. Naglaro pa nga kami ng basketball dun sa bahay nila John.” sabi ni Henry.
Pagkatapos ng klase ay agad siyang umuwi ng kanilang bahay.
“Alam ko dito ko inihagis yung libro na yun eh.”
Hinalungkay niya lahat ng gamit niya at hinanap ang libro ngunit hindi niya ito mahanap. Maya -maya agad niyang binuksan ang kanyang laptop.
“Miggy!! Miggy!! sigaw ni Henry.
Dali-daling pumasok ang kapatid niya sa loob ng kanyang kwarto.
“Bakit kuya?”, tanong ni Miggy.
“Pinakialaman mo na naman ba itong laptop ko ah? Ha? Pasigaw na tanong ni Henry.
“Hindi Kuya...”sabi ni Miggy.
“Bakit wala yung ginawa kong project dito sa desktop? Eh dito ko lang nilagay yun eh. Ikaw lang naman ang pakialamerong gumagamit ng laptop ko ng walang paalam..”.
“Eh hindi nga ako gumamit niyan eh, saka may password na kaya yan kaya hindi na ako nakakagamit.” sabi ni Miggy.
Napaisip si Henry. May password nga naman ito kaya hindi nya magagamit to.
“Alam kong hindi panaginip yun eh. Pinag hirapan kong gawin yun at alam kong sinabmitt ko yun kay Ma'am. BWISIT!”
Naisip niyang tawagan si John.
“'Tol, musta na yang paa mo?”
“Huh? Bakit anong meron sa paa ko?”, nagtatakang tanong ni John.
“Di ba naapakan ko yan kahapon? Sabi mo nga sumakit paa mo..”
“Huh? Ayos ka lang? Hindi naman tayo nag laro ng basketball kahapon ah.”

AUGUST 11, 2003 1:23AM

“KUYYAHHH..KUYAHHH!!!!!!!!!”
Nagising si Henry dahil sa ingay at sa init na kanyang nararamdaman. Nagulat siya ng makita nya na puno na ng usok ang kanyang kwarto.Isang napakalakas na katok sa kanyang pinto ang kanyang naririnig.
“Kuya!!! nasusunog na ang bahay natin!!! Hindi na ako makahinga!!,sigaw ni Miggy.
Dali-daling bumangon si Henry at binuksan and pinto sa kanyang kwarto. Mabilis na pumasok si Miggy at sinara niya ang pinto.Kinakain na ng apoy ang buong bahay.
“Kuya hindi na ako makahinga!!” sigaw ni Miggy.
“Huwag mong langhapin ang usok!” sigaw ni Henry.
Habang naghahanap sila ng pwedeng daanan, bumigay ang kesame at nahulugan si Miggy.
“MIGGY!!!”
Pinipilit niyang buhatin ang nakadagan sa katawan ni Miggy pero hindi niya ito mabuhat.
“Kuya hindi ako makahinga!!!, sabi ni Miggy.
Maya-maya ay nalagutan na ito ng hininga. Kalahati ng katawan nito ay nasusunog na at naaamoy na niya ang nasusunog nitong katawan.
At hindi na niya alam kong ano ang mga sumunod na nangyari.

AUGUST 11, 2003 5:34AM

“Miggy!! Miggy!!, sigaw ni Henry.
Hindi niya alam kong saang lugar na siya. Nakahiga siya sa isang malambot na higaan. Nasa ospital na siya. Agad siyang niyakap ng kanyang ina.
“Ma', wala na si Miggy”, umiiyak na sabi ni Henry.
Nanlaki ang mata ni Henry ng makita nya si Miggy na nasa tabi niya.
“O bakit kuya?”, tanong ni Miggy.
“Buhay ka? Buhay ka! Ma' ano bang nangyari?
Maya-maya ay may pumasok na mga pulis
“Umalis kami ng gabi ni Miggy dahil pumunta kami sa bahay ng Lolo.Hindi ka na namin sinabihan kasi tulog na tulog ka. Pagbalik naminnasusunog na ang bahay. Buti na lang mabilis ang mga bombero. Tapospumasok sila sa bahay, nakita ka nilang nakatayo na may hawak na boteng gasolina at itak. Nakita rin nila na nakahandusay ang katawan ni Yaya Betty. Laslas ang leeg at sunog ang kalahati ng katawan.
“Ma, ano bang pinagsasabi nyo?”
“Kuya, BAKIT MO SINUNOG ANG BAHAY NATIN?! BAKIT MO PINATAY SI YAYA?!, sigaw ni Miggy.
Nanlaki ang mata ni Henry sa kanyang mga natuklasan.

AUGUST12, 2003 5:34AM

“Hindi namalayan ng kanyang ina at kapatid na umalis si Henry.Dali-dali siyang lumabas ng ospital at
tulalang tumatakbo. Pumunta sya sa isang lumang gusali.
“Naguguluhan na ako. Di ko alam kung tunay bang nagyayari to o baka pinaglalaruan na naman ako ng aking utak. Ano bang nangyayari sa akin? Baliw na ba ako? Baliw na ba ako?
BALIW NA BA AKO!!!!!????!!! HINDI AKO BALIW!!!!
Nakarating na sya sa ikaapat na palapag. Nadarama niya ang malakas naihip ng hangin sa itaas. Nagsisimula ng sumikat ang araw kaya 'di maiwasan ng kanyang mga mata na mapapikit. Binuksan niya ang lumang bintana. Damang-dama niya ang pagkapit ng kalawang sa kanyang kamay at ang pagtalsik ng alikabok sa kanyang mukha. Tumayo siya sa may harapan ng bintana at saka tinitigan ng direkta ang araw.
“Alam kong hindi totoo toh. Papatunayan ko na pinaglalaruan nanaman ako ng aking isipan!
HINDI MO NA AKO MALOLOKO!!!!”

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM