NSTP IMMERSION 06
DAY 1 (November 24, 2006)
3:00 pa lang ay nagising na ako.
Hinanda ko agad ang mga kailangang dalhin. Tapos halos magtatakbo na nga ako sa
daan 'wag lang ma-late. Oo, hindi naman ako na-late. Sakto lang. Excited talaga
ako na makaranas, kahit ngayon lang, na magkaroon ng maliliit na kapatid. Mga
isang oras rin ang byahe ng marating
namin ang Barangay San Jose. Handa na sana kami ng aking kabuddy na si
Ren na maglakad papunta sa Zone 5 pero napag-alaman namin na may mali
pala...Zone 2 pala kami dapat. Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil gusto
talaga namin sa Zone 5. basta. Pero ayos lang naman. Tapos ay inihatid na kami
nila Nanay Linda sa kanilang bahay. Masaya ako dahil marami roong bata. Medyo
nakadama rin ako ng konting antok kaya natulog din ako ng madalian lang. Tapos
ay pumunta kami sa Barangay Hall para sa paligsahan.
Yeyyy. Nanalo team namin.
Mga 5:30 na kami ng makauwi sa
kanya-kanyang mga bahay. Kahit nakakapagod ay ok lang. Enjoy!
DAY2 (November 25, 2006)
7:00 ng ako'y magising. Pumunta
ako sa labas ng bahay para maglakad-lakad. Pagkatapos ay nagpasya kami ni Ren
na maligo at maglaba. Kaya nagpasama kami sa mga bata roon papunta sa may sapa.
Mahaba-haba rin ang ang aming nilakad bago namin narating ang sapa. Ang ganda
kasi ang lamig-lamig ng tubig. Parang nilagyan ng yelo. Habang naliligo ako ay
may napansin akong parang lubid sa may damohan. Hahawakan ko sana ng gumalaw
ito. Whew. Ahas! Ewan ko ba para kasing coral snake. May guhit na ang kulay ay
itim, puti at orange. Ewan.
Tapos ay bumalik na kami sa
bahay. Sumama pa nga kaming manghuli ng manok pero wala naman kaming naitulong.
Salamat sa magaling na aso na experto sa paghabol ng manok. Pagbalik namin ay
natulog kami ng madalali lang. Tapos ay balik ulit kami sa Brgy. Hall para sa
aming workshop. Kasama ako sa coloring/art workshop team. Tumulong ako sa
pagguhit ng kung ano-ano sa bond paper. Magagaling ang mga bata sa pagkulay
gamit ang mga crayola.
Halata sa mga mukha ng mga bata
na sila'y masayang-masaya. Maraming papremyo at maraming palaro ang ginawa na
talagang nagpasigla sa mga bata.
Sumunod na programa ay ang
Farewell party. Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ko dahil bukas ng
alas-dose ay uuwi na kami.
Marami sa mga kasamahan namin ang
sumayaw ng “Boom tarat” at may mga kumanta rin. Pinarangalan din ang mga batang
nanalo sa workshop. Natapos ang party sa pagkanta ng “hawak kamay”. Medyo
malungkot na ako ng konti ng pabalik na sa bahay.
DAY3 (November 26, 2006)
6:30 ako nagising, ngunit natulog
ulit ako dahil inaantok pa. Naiinis na nga ako dahil ang tagal magising ni Ren.
9:00 na ng pumunta kami sa brgy hall. Magluluto kami. Sumama ako sa iba na
mangunguha ng panggatong. Macaroni raw
kasi ang lulutuin. Marami-rami rin ang nakuha naming panggatong. At maya-maya
ay naglaro muna kami madali ng basketball. At dahil sa sobrang init ng panahon
ay naisipan naming maligo doon ulit sa may sapa, habang masaya naman ang mga
bata na kumakain ng macaroni na niluto ng iba naming kasamahan sa may barangay
hall.
Tapos ay nag-impake na kami ng
aming mga gamit. Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami kina Tatay Ely at Nanay
Linda at pati na rin sa mga bata na sina Junior, Elsa at Elissa. Binigay namin
ang ginawa naming card na may mensahe sa kanila. Bumalik na kami sa barangay
hall at makalipas ang isang oras ay sakay na kami ng jeep pabalik sa Ateneo.
Sa totoo lang, kung tatanungin
mo ako kung ano ang isa sa pinakamasayang pangyayari na naranasan ko ng ako
pa'y nasa Ateneo de Naga University ay ito ang sasabihin ko. First year pa lang
ako nito. Matagal na kung iisipin. Pero hindi pa rin nawawala sa aking isipan.
NSTP Immersion. Thumbs up!
0 comments:
Post a Comment