2/3/06

ITIM

Ano ba yan...'di ko namalayan na alas-10 na pala. Napadami ata ang nainum ko..” sabi ni Larry.
Dali-dali itong bumaba sa kotse ng kaibigan niyang si Jake.
Hinay-hinay ka nga lang, baka matumba dyan...tinungga mo pa naman ang napakaraming inumin..” nakangiting sabi ni Jake.
Ano ka ba, may kailangan pa akong asikasuhin ngayon..'yung mga papeles ko sa apartment. Alam mo naman..ang dami ng mga kliyente. At shit, may meeting pa nga pala ako bukas.”
Big time ka na talaga pare ah. Minsan ikaw naman ang magpainum ah” sabi ni jake.
Sure, gusto mo punuin ko pa ang bahay mo ng beer at gin.haha.” Sige, may gagawin pa kasi ako. Salamat sa libreng sakay.”
Libre ka dyan. May bayad yan, wala nang libre sa mundo sa panahon ngayon.haha. Jowk. Cge ingat.”
Cge, ingat din, sabi ni Larry habang nagmamadaling pumunta sa kanyang apartment.

Damang-dama na niya ang epekto ng alak habang paakyat sa hagdan. Pagiwang-giwang na sya, parang umiikot na ang lahat ng kanyang nakikita.
Shit, bakit kasi hagdan pa. Dapat nagpagawa sila rito ng elevator!” pasigaw na sabi ni Larry.
Bakit walang ilaw dito? Kailangan tawagan ko na naman si Mang Johny kasi baka sira na naman itong mga ilaw.”
Dahan-dahan sya sa paglakad sa malawak nyang kwarto. Napakadalim sa loob nito kaya nagpasya syang hanapin ang kanyang flashlight sa ibabaw ng lagayan ng kanyang mga libro.
Saan na kaya yun...”
Kung saan-saan na napadako ang kanyang kamay kakakapa sa kanyang flashlight. Libro. Libro. Ballpen. Libro. Ballpen. Papel. Libro. Folder. Buhok....Folder...
Buhok? Wig? Bakit mayroon akong ganito?”
Kinapa nya pa ito at parang may nahawhakan itong tainga. Pagkapa nya pa ay may nahimas syang makinis at malambot...”
Pisngi.
Shit! Shit! Ulo! Ulo!
Takot na takot sya. Nangangapa na sya sa dilim. Maya-maya ay nakapa na nya ang kanyang flashlight. Agad nyang pinailawan ang mga libro at mga gamit na kinapa nya kanina.
Lasing lang ako. Lasing lang talaga ako.”
Kahit medyo kinakabahan pa sya ay inisip nya na lang na epekto lang yan ng alak.

ITUTULOY

0 comments:

Post a Comment

 

INSTAGRAM