Pages

5/6/13

POTOGRAPIYA (1)














4/29/13

MAMATAY KANG NAKATAWA (A VERY VERY SHORT IDIOTIC FILM)




Walang plano. Walang script. Pawang kalokohan lang. Ewan ko lang kung maintindihan nyo maliban na lang sa makikita nyong parang bangag na dalawang lalaki, putok ng baril at parang 50's style na palabas.

Starring Jake Ronda & Jerick Bersola
Directed by Alvin Cabaltera

TORQUE i18FAD KWIK REBYU


Sa presyo na hindi mabubutas ang iyong bulsa, ang i18Fad ay pwede na rin para sa ilan na gusto ng "basic" na cellphone. Oo tama, basic. Relax lang, dude.

Thumbs up:

-Mobile TV 
-FM Radio
-Dual Sim
-Flashlight (Pwede na para hindi makatapak ng sawa sa madilim na daan)

Thumbs Down:

-Touchcreen (Mabagal at palagiang nagla-lag. Gamitin ang dulo ng kuko sa kamay para gumalaw. Gawwd. Walang preno gumalaw kapag nasa phonebook o music playlist.)
-Walang internal memory (Kailangan mo bumili ng micro sd card, dude. No choice.)
-Camera (Mas mababa pa ito sa 2 megapixel. Saan mapupunta ang pics kapag nagshoot? Note, walang internal memory.
-Automatic lock (Ewan ko pero hindi ata pwede ma-disable; wala sa settings pero hell, bakit automatic?
-Screensaver (Oo, masasabi kong makabayan naman ako, pero bakit hindi pwede mapalitan ang screensaver ng Torque na bandila ng pinas kapag naka lock?
-Hindi ito Android phone. 
-Build quality (Huwag mo ibagsak, pramis)
-Image viewer (Kailangan ko pa minsan i-resize ang picture para makita ko sa phone. Walang zoom o rotate.)
-Video player (Oo, nagpli-play ang 3gp at mp4, yun kung babaguhin mo frame size ng video.)
-Corrupted files (Hindi ko sure kung dahil mismo sa cp o kung depektibo ang nabiling kong micro sd card pero palagiang nacocorupt ang mga files ko sa sd card. May naglilitawan na kung ano-anong files na parang virus.gawd. Ewan)
-Theme 
-Music Player (Malakas naman pero hindi kagandahan ang tunog sa speaker. Hindi rin nakakatulong ang mga equalizer)
-Battery (Mabilis malowbat, lalo na kapag gamit ang mobile TV o music player.)



Verdict: 




11/7/12

NOBYEMBRE

Kung hindi ako nagkakamali ay November 1 ata 'yun.

Matagal na ito. Isa na nga atang rason para kalimutan na, ano pa nga bang rason para ilagay pa rito sa aking personal na blog? Sigurado may mga nakakaalam na nito, kasi ikwenento ko na ito sa ilan. Ehem, hindi ako sana'y na magsulat ng sobrang seryoso. Sayang naman kasi kung hindi ko pa ilalagay dito.

Whew, hindi naman kagandahan itong ikwekwento ko. Hindi naman ito bago, lalo pa kung matagal ka ng tumatambay at nakikibasa sa aking s****y blog.

Kaming magpipinsan at magbabarkada ay mahilig tumambay sa isang lugar na napapaligiran ng matataas at malalaking kawayan. Ang sarap ng hangin doon, nanunuot sa aking balat. At maririnig mo ang malakas na tunog na nalilikha ng mga kawayan kapag nahihipan ng napakalakas na hangin. Malawak ang lugar na ito na para bang soccer field, hindi kataasan ang mga damo at may mga kahoy sa gilid. Sa dulo rin nga nito ay isang sapa, kung saan kami noon naglalaro at naliligo. Sa lugar ito kami noon naglalaro at tumatambay. Siguro ito na rin ang rason kung bakit kami nagtayo roon ng isang tambayan, isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at mga kaperaso ng kahoy. Hindi ito 'yung tipo ng kubo na malaki at maganda ang pagkakagawa; ginawa lang namin na may bubong at may upuan, wala itong dingding. Sa tambayan na ito kami nag-uusap-usap, natutulog kapag tanghali at minsan kapag may inuman.


Isang araw, araw ng mga patay (kung hindi nga talaga ako nagkakamali), ay naisip namin na doon tumambay. Hindi ko na matandaan kung sino ang pasimuno nito pero lahat naman kami gusto na doon magpalipas ng gabi. Tama, magpalipas ng gabi. Doon daw kami matutulog. Goodluck naman sa amin kung makakatulog kami doon ng matiwasay. Napakalamig ng hangin doon lalo pa't walang dingding ang aming tambayan, kaya dapa't magdala ng makapal na kumot. Nagkalat din ang lamok sa mga ganitong lugar na halos magkapasa-pasa na ang aking mukha sa kakatapik kapag may dumadapo sa aking pisngi. Sobrang dilim din dito, pramis. Kapag nagtatago ang buwan sa mga ulap ay sobrang dilim na kailangan mo ng ilaw o flashlight para makapaglakad ka ng maayos. Ingat din sa ahas. Basta, medyo nakakapangilabot dito kapag dadaan ka ng gabi na wala man lang dalang ilaw o walang liwanag ang buwan.

Madilim na sa aming tambayan. Gabi na eh.

Kumuha kami ng mga tuyong kahoy at mga dahon sa paligid. Tinipon namin ito at sinindihan. Maliwanag na sa lugar at malakas ang usok na pwede na atang panakot sa mga nagkalat na lamok sa aming paligid. Mga pito o anim kami doon, at lahat kami kung ano-ano ang ginagawa. Nagkwekwentuhan, nagkakantahan, naghihiyawan..basta ang ingay-ingay namin. Iniisip ko na lang na sana wala kaming magambalang mga ligaw na...alam mo na yan...na hindi nakikita. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot, siguro maging ang mga kasama ko. Bakit naman kami matatakot? Siguro sa ahas pwede pa. Maya-maya, dahil siguro wala ng magawa ay humiga na lang kami. Ang iba siguro ay inaantok na, maging ako ay bumibigat na rin ang aking mga mata. Unti-unti na ring nawala ang liwanag na galing sa apoy. Maya-maya pa ay nag-aalisan na kami, dahil siguro sa paunti-unti na kaming pinapapak ng mga lamok, dahil sa lamig o dahil sa hindi naman talaga namin plano na matulog sa ganitong lugar.

Hindi ko noon sigurado kung anong oras na. Siguro mga 11pm na ata o 12 ng mag-alisan kami. Medyo hindi naman ito kalayuan sa amin kaya madali lang naman makauwi.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong humiga. Hindi nagtagal ay nilamon na ako ng dilim. Hindi ko lang sigurado kung malakas pa akong humilik.

Alam ko noong mga oras na iyon na hindi ako nananaginip. Ang weird. Basta iba ang pakiramdam. Nagising ako bigla. Hindi ko alam kung bakit basta ang bilis ng pagmulat ng aking mga mata. Parang may mali. Parang pakiramdam ko may humahawak sa aking paa kaya ako biglang nagising. Medyo maliwanag naman ang buwan noong panahong iyon, pasok ang konting liwanag sa mga bintana. Paggising ko ay napadako agad ang mga mata ko sa aking mga paa. Wala naman akong nakita kung sino o kung ano ang parang humawak sa aking paa. Di'ba ang weird ng ganyang pangyayari? Hindi ko alam kung anong oras ba iyon, siguro mga 1 o 3am. Nakahiga pa ako nito. Nakikiramdam. Parang may gumagalaw-galaw sa aking gilid. Sa  ay oras na iyon ay medyo nakakaramdam na ako ng konting takot. Ano ito...pusa? Daga? Ewan. Parang wala naman akong nakikita. Nang bigla kong igalaw ang aking kaliwang kamay ay may natamaan (o nahagip) akong parang kakaiba...parang kamay!!!! Kuko ba iyon? Ewan. Hindi ko sigurado at hindi ko alam kung ano iyon at posibleng baka ibang bagay naman ang natapik ko pero sa panahong iyon ay sobrang takot na talaga ako. Nagmamadali kong binuhat ang aking sarili sa aking higaan...at huwag mo na itanong kung ano ang sunod na ginawa ko.

Sa totoo nyan eh hindi na yun naulit pa. Kaya kung tatanungin mo ako kung naniniwala na ba ako sa mga nilalang o espirito na nagpaparamdam o nananakot...?  Pwede na rin, pero sana kung multo man iyon ay sana nagpakita na lang. Jowk lang po.

10/31/12

5 PINAKAMAYAMANG TAO SA PILIPINAS (2012)*


Sila ang limang kabilang sa ilang mga pinoy na masasabing nasa tuktok ng tatsulok habang ang karamihan naman sa atin ay nasa pinakababa at pinakasuluksulukang parte na, pinipilit pa ring kumapit kasi mahuhulog na. Sabi nga sa kanta “baliktarin ang tatsulok”, pero mahirap ito. Nagdaan na ang mahabang panahon pero heto't sila na naman ang nasa listahan. Karamihan sa atin nangangarap maging milyonaryo o kaya'y bilyunaryo, at sino nga ba naman ang hindi? Siguro dahil lang talaga sa tiyaga o sa kanilang pagpupursige kaya sila  naging matagumpay, umunlad at yumaman at sa kalauna'y napasama sa listahan (na nilabas ng Forbes Magazine). Ewan. Dapat siguro gumawa rin ng listahan ng pinakamahirap na tao sa buong pilipinas, para kahit paano malaman nila na napakaraming pinoy ang unti-unting pinapatay ng kahirapan kada minuto...kada oras at ang tanging pangarap nila ay makatungtung o kahit makasilip man lang sa tuktok ng kaginhawaan.


#1. Henry Sy- $ 7.2 billion
Companies: SM Prime, SM Investments, Banco de Oro Unibank

#2. Lucio Tan, $ 2.8 billion
Companies: Eton Properties, PAL holdings, Fortune Tobacco

#3. John Gokongwei Jr., $ 2.4 billion
Companies: JG Summit, Cebu Air

#4. Andrew Tan, $ 2 billion
Companies: Alliance Global, FDC Utilities

#5. David Consunji, $ 1.9 billion
Companies: DMCI Holdings, Semirara Mining



_________________________________________________________________
Source: 

10/30/12

CRIME SCENE











10/21/12

PINOY ASWANG

Hindi natin masyadong alam kung kailan eksaktong nagsimula ang paniniwala nating mga Pinoy sa ganitong mga nakakatakot na nilalang, pero maaaring nagsimula ito noon pang panahon ng ating mga ninuno. Maaaring sila mismo ang nakasaksi sa kung gaano ito nakakatakot o maaari namang ito ay produkto lamang ng kanilang malikot na imahinasyon; na sa kalauna'y ang kwento ay nagpapasa-pasa na sa iba't-ibang tao, lumawak na ang nasakop ng lumalaganap na impormasyon, at sa ngayong makabagong henerasyon nga ay nakatatak na sa ating mga utak at mahirap na burahin. May mga ilan na naniniwala sa aswang, may mga ilan naman na hindi. Tulad ko, hindi pa ako nakakita ng aswang. May mga pailan-ilang mga kwento dito sa amin na may nakita na na gumagala, may nakita na nakadapo daw sa puno at biglang lumipad, biik daw na matatakot ka dahil napakalaki at kung ano-ano pa na tanging sa horror movie mo lang maaaring makita. Natatakot ako minsan kapag nakakarinig ako ng ganyang kwento, pero hindi maalis sa isip ko na baka imahinasyon lang naman nila. Sa ilang taon ko ng paninirahan dito sa amin ay wala pa ako nakita. Pero minsan may isang pagkakataon sa buhay ko na muntik na rin akong maniwala. Hindi ko na muna ikwekwento dito sa blog, sa sunod na lang dahil medyo tinatamad pa akong isipin ko ano 'yung eksaktong nangyari. 

Ayon sa aklat ni Maximo Ramos na “The Aswang Complex in Philippine Folklore”, sinasabi na may limang klase ng aswang.

Ang una ay ang “weredog”, na sinasabing babae o lalaki kapag umaga at nagiging aso kapag gabi. Sinasabing ito ay may kakayahang magbago ng anyo, at kadalasan ay nakatira sa isang baryo. Kinakagat daw nito ang leeg ng biktima na ang karamihan nga ay buntis. Sinasabing takot ito sa buntot-pagi; maaari itong makaligtas sa hagupit ng buntot-pagi pero kapag bumalik ito sa pagiging tao ay makikita ang mga sugat nito. May ilan rin na may kakayahan raw na magpalit na anyo ng tulad sa malaking aso, baboy-ramo o pusa.

Ang pangalawa ay ang “witches”, na pinaniniwalaan na babae o lalaki na nagbibigay ng malalang sakit o karamdaman sa biktima, kagalit man nila o hindi. Sinasabi na ito ay mahiyain at naninirahan sa inabandonang bahay o liblib na lugar sa baryo. Sila ay hindi nakakatingin ng diretso sa mga tao; kapag tiningnan mo ang kanyang mga mata, makikita mo na baliktad ang repleksyon ng iyong imahe. Ang hugis ng mata niya ay hawig sa pusa o butiki kapag maliwanag. Tinatawag itong mambabarang sa Bicol, manggagamodsa Iloko/ Pangasinan, mamumuyog sa West Visayan at mangkukulam sa pampanga/ tagalog.

Ang pangatlo ay ang “ghoul”, na sinasabing magnanakaw ng bangkay. Ang kuko nito pati ang ngipin ay mahaba at matatalim. Sila ay sinasabi na hindi nakikita at kapag nagpakita ito ay anyo itong tao. Kapag gabi ay nakabantay ito sa malalaking puno malapit sa sementeryo at hinuhukay ang bagong libing. Malakas ang pandinig nito na kaya nitong marinig ang hininga ng taong malapit ng mamatay. Sinasabing takot sila sa apoy, metal at maaanghang na pangkain. Noong una raw na panahon ay nilalagyan ng kapamilya ng suka ang katawan ng namatay nilang kaanak upang mapaalis ang mga hindi nakikitang aswang. Pinapalitan din daw nila ang bangkay ng puno ng saging na sa unang tingin ay aakalain mong iyon ang tunay na bangkay. Kinakain daw nito ang bangkay.

Ang pang-apat ay “vampire”, nanghihigop ng dugo ng biktima. Inagamit nito ang dulo ng kanyang dila para butasin ang leeg ng kanyang biktima. Tinatawag itong amaranhig sa west visayan, danag sa Isneg at mandurugo sa tagalog.

Ang panghuli ay ang tinatawag na “viscera sucker”, ang sinasabing sumisipsip ng lamang loob ng biktima. Isa raw itong magandang babae kapag umaga na may mahabang buhok. Humahaba ang dila nito. Kapag gabi ay iniiwan nya ang kalahati ng kanyang katawan sa ilalim ng higaan, sa paligid ng kanyang bahay o sa lugar na maraming tanim na puno ng saging para hindi mahalata. Pumupunta ito sa bubong ng bahay ng biktima at maghahanap ng butas. Ipapasok nito ang kanyang dila at ito'y hahaba. Kadalasan daw ay kasingliit ito ng sinulid para hindi mahalata. Pinapasok nito ang katawan at inaatake ang puso, atay, baga at iba pang parte. Karamihan sa binibiktima nito ay buntis dahil hinihigop nito ang sanggol sa sinapupunan nito. At para raw hindi na makabalik ang kalahating parte ng katawan nito ay kailangan langyan ng abo o asin ang kalahating parte ng katawan nito. Kapag hindi nakabalik ang katawan nito ay ito ay mamamatay. Sinasabing sa liblib na lugar ito naninirahan at natutulog ito ng buong umaga na nakatakip sa mukha ang mahaba nitong buhok. Takot daw ito sa kutsilyo, ilaw, asin, abo at buntot-pagi. Mabisang pampatay daw dito ay ang matalim na kawaya n na kailangang itusok sa likod ng katawan ng aswang.

Ingat mga 'dre.


___________________________________________________________________________________
Source:
The Aswang Complex in Philippine Folklore by Maximo Ramos

About
Aswang


10/14/12

PHILIPPINE NATIONAL FOOTBALL TEAM KWENTORIKA KIT DESIGN


____________________________________________________________________________
Design your jersey online: http://number10.com.au

DYARYO


10/6/12

BOOK REBYUS #2

Destined for Destiny: The Unauthorized Autobiography of George W. Bush by Scott Dikkers & Peter Hilleren

Magtataka ka siguro kung bakit meron akong ganitong libro. Binasa ko ito hindi para alamin ang buhay ni Bush o kung sino ba talaga siya o kung ano ang pinaggagagawa niya, kundi para aliwin lang ang sarili ko. Tama, aliwin lang ang sarili ko at tumawa. Ala ako pakialam kay Bush, at isa pa hindi naman talaga ito tunay na Autobiography niya. Mock-autobiography 'dre. Kumbaga parang “winalanghiyang autobiography ni Bush". Akalain mo 'yun na noong ipinanganak daw si Bush ay may napakaliwanag na bituin sa kalangitan. Iniluwal sya sa may sabsaban at binisita sya ng tatlong Republican political consultants na sinundan ang direksyon ng makinang na bituin blah blah blah. Pambihira. Korni ang karamihan sa mga nakasulat pero kahit naman papaano ay medyo mapapangiti ka naman sa ilan. Ewan ko lang kong napangiti ng aklat na ito si Bush noong nabasa nya ito o nakita man lang ang mga cool na b&w na mga litrato na makikita sa loob ng libro.






The World According to Clarkson by Jeremy Clarkson

Naglalaman ng marami pero maiikling sanaysay na siguradong magpapamulat at magpapasaya sa inyong araw. Puno ng mga importante (at kahit walang kwentang) ideya, isyu at maging kultura na bumabalot sa ating modernong panahon. Sabi nga dito mismo sa libro: “road map to modern life.” Ilan sa isyu na mababasa sa aklat na ito ay kung ano ba ang koneksyon ng pag-ulan sa hindi matagumpay na riot o rebulusyon, kung bakit kailangan magkaroon na ng gameshow na tatawaging “Who doesn't Want to be a Millionaire Anymore?”, kung bakit may mga art galleries pero asan ang art? O kung bakit huwag na makipagbangayan..daanin na lang sa suntukan at marami pa. Nabitin ako, ambilis kong natapos. Kasi nga naman astig at nakakatuwang basahin.




No Certain Rest by Jim Lehrer

Sa lugar kung saan nangyari ang “Battle of Antietam”, may nahukay ang mga souvenir hunters na (mga) buto ng tao. Ipinatawag si Don Spaniel, isang archeologist, para suriin ang nahukay. Sino ang Union officer na ito? Bakit at sino ang pumatay sa kanya? Ano ang lumang at matagal ng misteryo ang pwedeng mabunyag? Maganda ang narrative structure at pati ang twist ng kwento. Isa pa ay nakakabigla ang ending at hindi ko nga inaasahan. Mismong sabi nga ng pangunahing karakter na si Spaniel sa pagtatapos ng kwento: “This is not the way it was supposed to end.” Whew, haunting.




Joy School by Elizabeth Berg

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkakilala sina Katie, isang sweet na 13y/o, at si Jim, 23 y/o na manager ng isang gas station. 'Di nagtagal ay nahulog agad ang loob ni Katie kay Jim, na sabi pa nya ay wala syang pakialam kong may asawa na ito. May asawa na nga ba talaga si Jim? Mahal rin kaya siya nito o sya lang ang nagmamahal sa kanya? Magiging sila ba? Simple pero maganda ang pagkakasulat ng kwento. Humanda ka ng tumawa at lumuha.





Unlocking the Meaning of Lost: An Unauthorized Guide (Updated Edition) by Lynette Porter & David Lavery

Kung gusto mo malaman kung ano ba talaga ang pinakastorya o kahit summary ng season 1, 2 etc, ay hindi ito ang aklat na hinahanap mo. Para itong aklat na sinulat para sa mga estudyante na nag-aaral ng philosophy, sociology o religion, na ang sinusuri nga lang ay ang mahahalagang pangayayari na mapapanood sa iba't ibang episodes (o season) ng Lost. Academic writing kumbaga. Karamihan sa nakasulat tungkol sa spirituality, mga konsepto, spiritual practices sa island at relihiyon. Hindi ko masyado na enjoy pero pwede na rin para sa tulad ko na fan nitong TV series.



9/29/12

PORMA LIKE A BOSS #1: SHOW ME YOUR G STYLE

Magpapahinga muna ako sa seryosong usapan. Sisimulan ko sa wtf na sulatin.


Sa panahon ngayon na napakarami na ng mga fashionista(s), 'di ko alam kung mahahawa na rin ba ako sa kung paano sila manamit o panahon na ba para ipagpipilitan ko na kumbinsihin ang aking sarili na hindi naman mahal ang mga bagay bagay na makikita sa loob ng lungga ni pareng Von Dutch o kaya ni Calvin Klein. Ewan. Lahat nga naman yata ng tao ngayon ang iniisip palagi 'yung sila dapat ang maging sentro ng atensyon, 'yung tipong hindi mo na kailangan pang mang-hostage sa loob ng isang mall para lang pag pyestahan ka ng maraming mata. Kasi sa panahon ngayon, sa damit pa lang na iyong suot may kapangyarihan ka ng paikutin ang kanilang mga ulo dahilan para sila'y magka-stiff neck kakatitig sa iyong mini skirt. Welcome...welcome, ikaw na ang kanang-kamay ni Effie Trinket. Pero alam mo kung pasikat man lang sa tao ang hanap mo o gusto mo lang magpapansin, eh dapat lubos-lubusin mo na. Bakit ka pa magsusuot ng maganda at mamahaling damit kong pwede ka naman magsuot ng walang kakwenta-kwenta o kaya pilitin mo na lang na huwag sumunod sa mga payo ng mga experto sa Vogue o Details? Madali lang 'di ba?  

Paalala: Kung hindi makapal ang iyong mukha o kaya naman ayaw mong pagtawanan ng buong sanlibutan, huwag tularan ang "idiot" na makikita nyo sa litrato. Para rin sa isyung pansiguridad ay hindi ipinakita ang kanyang mukha na natatakpan na ng balbas ni Dumbledore.

Ang tawag sa style na ito ay "Show me your G...". Bakit? Huwag mo ng alamin kung ano ang "G" para hindi ka magtatakbo papunta sa c.r. Kung kilala mo si Jon Lajoie (na sa tingin ko ay hahanapin mo na sa google), maalala mo ang kanyang "signature" na porma. Hindi ito kasingparehas ng kanya, marahil dahil na rin sa panahon ngayon na mahirap ng makahanap ng ganun sa mga ukay-ukay. Hell, basta ang importante ay maging sikat ka na iisipin mo kung nasaan ang mga paparazzi.


Ganito ka dapat tumayo kapag tinititigan ka (at pinagtatawanan) ka ng mga tao. Proud ka dapat na ganyan ka hardcore ang iyong suot.

Ano ba dapat ang iyong mga armas na kailangan sa gira?

Una. Ito ang "da bomb". 'Di ko alam kung anong brand ito pero cool naman ang design na mapagkakamalan kang terorista imbes na turista. Mainit pero malufet isuot, yan kung kaya mong matiis ang amoy nito na nahugot ko sa pinakamalalim na parte ng baul.

Hindi ba talaga ako marunong magbasa o sadyang hindi ko lang talaga maintindihan ang nakasulat sa damit. Da**it.

At eto naman ang pangbaba. Kailangan maiksi na kita ang iyong legs pati ang iyong buni. Dapat kapag isinuot ay hanggang sa taas ng iyong pusod. Kung kaya makaabot sa leeg bakit hindi. Ang nakikita nyo sa litrato ay mahaba pa at malaki kaya di gaanong badass tingnan. Mas maikli, mas maliit, mas ma lufet. Ang dapat sana ay kulay blue, light blue, green...kayo na lang bahala maghanap sa ukay-ukay. Samahan mo na rin ng medyo mahabang itim na medyas. Kahit ano na lang na sapatos.

Yow sucka, GAP yan. Kitam, ngayon pa lang ipinagyayabang mo na ang iyong porma. 

Dapat kulay blue ang iyong cap. At kapag isinuot ay dapat ang nasa harap ay nasa likod...gawd ang hirap mag explain dude. Gets mo na yan. At kung nahahalata mo Reebok yan. Hindi yan ginamitan ng photoshop, pramis.

Bumili ka ng Ray-Ban, tulad ng nasa taas. Hindi ko na yan problema kung mahalata mo na peke ang nasa piktyur. 

Ayos ah, bagay sa'yo. Punta ka na sa mga mall para rumampa, dumugin, mabugbog, mapagtawanan o sumikat. Eto dapat ang palagi mong isipin: Hindi kailangan ng Youtube para sumikat. Break it down! Tapos sumayaw ka sabay sa tugtog ng "Show me your G..."

Hanggang sa sunod ulit mga 'dre. Gudluck sa mabilisang pagsikat (o pagbagsak ng career.joke) Adios.














Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...